Kabanata 12

203 4 0
                                    

Napahawak ako sa aking pisngi na bahagyang uminit dahil sa sampal ni Mommy. Naramdaman ko rin ang pag-iinit sa gilid ng aking mga mata.

No, Helaina! Don't you dare cry because of her! She's not worth it!

Tumunog ang phone ko. Nakita kong may mensahe si Gael. Pumikit ako ng mariin bago ko binasa ang mensahe niya.

Gael:

Nakauwi ka na?

Nireplyan ko si Gael na nasa bahay na ako. Pagkatapos nun ay inilagay ko sa paanan ng kama ko ang bag ko. Pabagsak akong dumapa sa kama.

Nanginginig ako sa galit kay Mommy. Hindi matanggap ng sistema ko na sinampal niya ako. Si Lolo nga na nag-alaga sa akin ay hindi ako pinagbuhatan ng kamay ni minsan. Tapos siya, nakaya niyang sampalin ako ng ganoon gayong hindi siya ang nagpalaki sa akin?

Wala akong pake kung masabihan man ako na walang respeto sa kanya. Hindi naman kasi dapat binibigyan ng respeto ang mga taong pagkatapos kang iluwal ay basta-basta ka na lang iiwanan na para bang isa kang basura na walang silbi.

Hindi ko alam ang rason kung bakit iniwan ako ni Mommy kay Lolo. Ni hindi ko rin alam kung bakit lumaki ako na walang kinikilalang Daddy. Namulat at nagkaisip na lang ako na sina Lolo at Lola ang kasama ko.

Ibinigay nila sa akin ang lahat -- pera, materyal na bagay, kalayaang gawin ang gusto ko, ang pag-aaruga at pagmamahal. Pero may hinahanap ako, na kahit anong gawin nina Lolo at Lola ay hindi nila maibigay sa akin.

Iyon ang pag-aalaga, pagkalinga at pagmamahal na gusto kong maramdaman mula sa aking mga magulang.

Alam kong wala akong karapatan na maghangad pa. Pero hindi, eh. Alam ko sa kaloob looban ko na gusto kong maramdaman ang mga 'yon galing sa kanila.

Pinahid ko ang mga luhang tuluyan ng lumandas galing sa mga mata ko. I shouldn't be crying! For pete's sake, Helaina! This is weakness!

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang mga hikbing gustong kumawala sa bibig ko. Kailangan ko ng kausap.

Si Gael! May dinner nga pala kami ngayon. Siguro sa labas na lang kami kakain. Ayaw ko dito sa bahay. Nandito si Mommy, nakaka-bad vibes.

Tumunog ulit ang phone ko. Agad ko itong tiningnan, baka kasi si Gael 'to. At hindi nga ako nagkamali. Siya nga.

Gael:

Babe, I can't make it right now. Babawi na lang ako next time. Sorry.

Napangiti ako ng mapait pagkatapos kong basahin ang text niya. Yeah, right. You're in perfect timing, babe. Tumipa ako para replyan siya.

Me:

Had a fight with mom. I badly need you now, please? :(

Tumihaya ako at nakatitig sa kisame pagkatapos kong i-send iyong text ko kay Gael. Gusto ko talaga ng makakausap ngayon. Gusto kong may makikinig at iintindi sa akin ngayon.

Ayaw kong mag-share kay Shane kasi medyo magkaparehas kami ng sitwasyon ngayon. Iniwan siya ni Tita Mercy kay Tito Edwin, 'yong Daddy niya. Hindi pa raw kasi handa si Tita Mercy na magkaroon ng anak noon. Bata pa raw kasi siya. Tapos ngayon, gusto na niyang maging parte ng buhay ni Shane.

Like, what the fuck?! Kung kailan na nasanay si Shane na wala siyang Mommy, eh babalik ito at magdedemand ng ganoon? Seriously?

Si Mommy kaya? Ano kaya ang rason niya? Ganoon din kaya? Na hindi pa siya handa na magkaroon ng anak? Eh, kung hindi pa pala siya handa ba't siya nagpabuntis? Iyong Daddy ko kaya? Buhay pa kaya siya? Alam kaya niyang may anak siya kay Mommy?

HelainaWhere stories live. Discover now