Kabanata 13

182 6 0
                                    

Lumipat nga kami sa Doki kung saan kami pwedeng sumayaw. Malapit lang naman ito sa Calle Cinco. Akala nga namin hindi kami papapasukin ng guard kasi naka-uniform pa si Shane. Okay lang naman daw as long as she's not a minor. Hiningian pa siya ng ID nung guard para makasiguradong hindi na nga siya minor.

Maliit kasi si Shane. Mapagkakamalan mo ngang elementary ang isang 'to. Morena siya na may mahabang buhok. Medyo sikat siya sa school namin dati dahil marami siyang kaaway. Although hindi naman siya ang nagsisimula ng away.

"Laine, powder break muna tayo?" yaya sa akin ni Bub ng makapasok na kami sa Doki.

"Sige, tara." Tango ko.

Nilapitan ni Bub si Shane na luminga linga para maghanap ng bakanteng table. Medyo marami kasing tao.

"Shane um-order ka ng isang bote ng Tequila. Samahan mo na rin ng sisig." rinig kong bilin ni Bub.

"Okay. Bilisan niyo. Dun lang ako." turo ni Shane sa isang bakante ng table. Kakaalis lang ng mga gumagamit nun.

Hinatak na ako ni Bub papuntang comfort room.

"Excuse me!" sambit niya habang hinahawi ng marahan ang mga taong nakaharang sa dinadaanan namin. Ba't ba kasi dito sa gitna ng dance floor niya naisipang dumaan.

"Hi Helaina!" narinig kong sigaw ng isang lalaking kakilala ko noong high school. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Si Jasper iyon 'di ba?" tukoy ni Bub doon sa lalaki.

"Oo, 'yong crush mo." halakhak ko. Siniko ako ni Bub para patahimikin. May isang grupo kasi ng mga babae kaming naabutan pagpasok namin ng CR.

Natigil sila sa pagtatawanan at tumingin sa amin. Kilala ko ang isa sa kanila. Taga ibang department siya sa school namin, transferee. Si Michelle Custodio.

"Gonna pee first." ani Bub kaya napalingon ako sa kanya. Tumango ako at naglakad papunta sa harap ng salamin. Pumasok naman si Bub sa isang bakanteng cubicle na malapit sa kinatatayuan ng grupo nina Michelle.

Tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko. Kumuha ako ng suklay sa pouch na dala-dala ko at sinuklay ang medyo nagulo kong buhok. Narinig kong nagbubulungan ang mga kasama ni Michelle.

"Shh, girls!" saway ni Michelle sa kanila. Kahit hindi ko sila lingunin ay alam kong nakatingin sila sa akin.

I tied my hair into a messy bun. Naglagay na din ako ng blush-on at lipstick para hindi ako magmukhang maputla. Tutal gabi na rin naman.

Patuloy parin sa pagbubulungan iyong mga kasama ni Michelle. May problema ba sila sa akin? Nakakainis kasi iyong ginagawa nila. Nagbubulong bulungan sila habang nakatingin sa akin. Sa galaw pa lang, paniguradong ako ang pinag-uusapan nila. Tsk.

Hindi ko nga kilala ang mga 'to. Iyong si Michelle lang kasi bukambibig ito ng mga kaklase kong lalaki pati na rin ng mga teammates ni Gael.

Sumulyap ako sa kanila. Nakatingin si Michelle sa akin at nginitian niya ako. Naiilang akong ngumiti sa kanya. Tapos naglakad siya palapit sa akin. Inilagay niya sa gilid nung sink ang bag niya.

"You're Helaina, right?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Nagtama ang mga paningin namin sa repleksyon ng salamin.

Tumango ako sa kanya. "Yep. Why?"

"I'm Michelle, by the way." humarap si Michelle sa akin at naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman iyon at agad na binitawan.

"You're Gael's girlfriend." deklara niya.

Hindi na ako nag-abala pang sumagot. Alam niya naman pala. Siguro isa rin siya sa mga fan ni Gael.

"Mitch, tara na." yaya nung isang kasama nila.

HelainaWhere stories live. Discover now