Special Chapter 1 : Gian

140K 1.7K 108
                                    

Special Chapter 1 : Gian

"Gian!"

Naramdaman ko na may yumuyogyog sa balikat ko. I'm half asleep half awake.

"Hubby!"

"Hmmm?" sagot ko na lang. Ang aga aga nanggigising si Shane. Bakasyon pa din naman.

After 3 weeks mula ng nagpropose ako kay Shane ay nagpakasal na kami sa simbahan. 1st week yun ng May. Lahat ng mahal namin sa buhay at mga kaibigan ay invited. Noong wala si Lolo at nasa ibang bansa ay inaayos na pala niya ang detalye ng kasal. Nakakatawa. Kaming ikakasal, walang idea na ayos na pala ang lahat. Si Lolo talaga.

After a week ng kasal, lumipad kami papuntang Paris. As promised kay Shane na doon kami magha-honeymoon. At ngayon 2 days pa lang ulit kami dito sa Pinas. Malapit na ulit kaming pumasok. Another schoolyear. 4th year na ako and finally, my last year in college.

"Gian naman eh. Ang hirap hirap mo gisingin!" nagmamaktol na siya. Lagot. Kaya nagmulat na ako ng mata.

I look at her. She's really beautiful. Siya ang pinakamagandang buntis na nakita ko. Hindi pa naman masyadong halata ang tiyan niya, pero may umbok na. Hindi rin halata kapag naka school uniform siya.

Hinila ko siya sa tabi ko pero syempre dahan dahan lang, baka kung mapano siya pati yung baby namin. Niyakap ko siya.

"Anong kailangan ni wifey ko?" tanong ko sa kanya habang niyayakap ko siya.

Kumawala siya sa yakap ko at tumayo.

"Gusto ko ng ice cream!" sabi niya.

Ang aga aga, ice cream??!

"Ok. Ibibili kita mamaya", sabi ko. Gusto ko pang matulog ulit. Galing ako sa gig kagabi kaya naman puyat ako.

"Ngayon ko gusto ng ice cream kaya ngayon ka na bumili!" sabi niya.

Pssssh. No choice. Bumangon na ako at nagbihis. Kailangang ibili ko siya ng ice cream, baka kung ano mangyari sa baby namin kapag di ko naibigay gusto ng mommy niya.

"Anong flavor?" tanong ko habang iniistart ko ang makina ng kotse. Inihatid niya ako hanggang gate.

"Sasama na lang kasi ako", sabi ni Shane.

"No. Dito ka lang, kasama mo naman dyan si Yaya Thelma. Babalik din ako kaagad", sabi ko.

Si Yaya Thelma, nasa early 50's na siya. Yaya siya ni Allyna noong bata pa lang kami then Lolo insists na kunin daw namin siya para may kasama din si Shane sa bahay kapag wala ako sa gabi at nasa gig.

"Double dutch at tsaka cookies and cream. Ah Hubby, huwag mong kakalimutang bumili ng mangga ha?" dagdag pa niya ng nakangiti. Mas lalo siyang gumaganda.

"Opo. Sige na pumasok ka na sa loob. Mukhang uulan pa. Bye Wifey."

"Bye Hubby. Mag-iingat ka", habol niya.

*

Nakabalik ako kaagad. Ipinagtalop ko siya ng mangga at naglagay ng bagoong sa platito. Sabi niya kasi ipagtalop ko na daw siya.

Sarap na sarap siya sa pagkain ng ice cream.

"Wifey, eto na ang mangga mo", sabay lapag ko sa ibabaw ng mesa.

Ngumiti ang mata niya pagkakita sa mangga.

"Yan! Yan ang iniintay ko!" halos pasigaw na siya. Kumuha siya ng isang gayat at..

O________O

What the??!

"Wifey, eto ang bagoong o", inilapit ko sa kanya ang bagoong pero hindi niya ito pinansin at patuloy sa pagkain, ako naman ay patuloy sa pagiisip kung bakit niya ginawa yun.

Marry Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now