Chapter 15 : Shane

154K 2.1K 70
                                    

Chapter 15 : Shane

"Tara na. Ihahatid na kita. Hindi ka pwedeng mapuyat. Hindi pwedeng mapuyat ang bride ko", sabi ni Gian.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Ang sarap palang pakinggan. Bride niya. Im his bride. *_*

He smiled at me. Nakita ko yung dimples niya. Yes. May dimples siya. Hindi ko lang pinapansin dati kasi hindi naman ako interesado sa kanya, pero ngayon, he turns me on. Gwapo nga siya. Now I cant blame Ara and all other girls na nagkakagusto sa kanya, basta wag niya lang akong susupladuhan kung hindi turn off na ulit ako. :/

Hinatid na niya ako sa bahay.

Nadatnan ko sina Papa at Mama sa sala.

"Shane, anak", tawag ni Papa. Lumapit ako.

"Gusto kong humingi na paumanhin sa lahat..." sabi ni Papa.

Paumanhin? Para saan? Nakikinig lang ako.

"...I know this is really hard for you pero tinanggap mo..." pagpapatuloy ni Papa.

Eh wala naman kasi akong choice. Si Papa talaga.

"..I just want you to know na mahal na mahal ka namin ng Mama mo. Ngayong mag-aasawa ka na, maaaring sa ngayon ay mahihirapan pa kayong mag-adjust but we believe that everything will be alright."

"Bukas na ang kasal mo, itinapat talaga yun sa birthday mo, para maging legal na", sabi ni Mama.

Oo nga pala. Bukas din ang debut ko. Hindi naman ako naghahangad ng bonggang party, para san pa? Eh para saken, magbabyebye na din naman ako sa pagkadalaga ko. Hindi na ako excited.

"Alam ko, nangako ako sayo noon na bibigyan kita ng magandang party, nalulungkot ako na hindi ko ata matutupad yun", sabi ni Papa.

Minsan gusto kong mainis. Kasi mula ng magkaroon ng issue ng kasal kasal na to, lahat nagbago. Lahat.

Sa totoo lang, hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na ikakasal na ako bukas. Magiging misis na ako. Tama naman talaga si Gian, hindi pa ako pwedeng mag-asawa. Pero noong binanggit niya ang mga salitang bride niya ako, ewan ko, may naramdaman akong kakaiba.

"Pa, hayaan nyo na yun"

"Gusto kong malaman mo na para sa ikabubuti mo tong ginawa ko. Lagi mong tatandaan yan", sabi ni Papa.

Para daw sa ikabubuti ko. Asan? Bakit di ko makita? Alin? Ang magpaalam ng maaga sa pagkadalaga ko? Ang magmukhang tanga sa harap ni Gian ng malaman niyang hindi ako marunong magluto? Ang makisama sa isang tulad ni Gian na bipolar na sobrang suplado na minsan sweet to the point na di ko na maintindihan ang ugali? Ang hindi maranasan ang true love?

Yung ibang magulang nga sobrang higpit sa mga anak na babae kasi baka makapag-asawa ng maaga, pero sina Papa, hay, ewan.

Naiiyak na naman ako. Buti na lang andito na ako sa kwarto, para kahit mag-emote man ako, walang makakaalam.

Ayoko pang mag-asawa. Ayoko pa talaga. Ang dami ko pa kayang gustong gawin sa buhay ko.

Ano kaya kung tumakas na lang ako? Kung hindi ko kaya sila siputin bukas? Tapos lalayo na lang ako.

Pero syempre joke lang yun. Hindi ko kayang gawin sa pamilya ko yun.

**

Maaga akong nagsing kinabukasan. Di naman ako excited.

Kinapa ko sa ilalim ng unan ko ang aking cellphone.

-.O

2 new messages. 5 missed calls.

Marry Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now