Chapter 30 : Shane

117K 1.3K 64
                                    

Chapter 30 : Shane

Maaga akong umalis at umuwi ako kina Mama. Syempre nagtaka sila kung bakit ako umuwi doon. Tinanong nila kung nag-away ba kami, sinabi ko na masama ang pakiramdam ko at ayoko munang pag-usapan yon.

Ang dami ng missed calls mula kay Gian, pero hindi ko pinapansin, hindi ko nga din siya nirereplyan. Sinungaling siya!

>3<

*ring* *ring* *ring*

Si Alex.

Isa pa to. Ano namang kailangan niya?

"Hello", sabi ko.

"Shane, magkita tayo. May mahalaga tayong pag-uusapan", sabi niya.

"Alex, wala ako sa mood makipaglokohan sayo."

"Hindi ka pa din naniniwala sa kin? Totoo lahat ng sinabi ko sayo. In fact, nabalitaan ko nag-usap na sina Lolo at Gian tungkol sa kumpanya."

Naniniwala na ako, pero ayokong malaman ni Alex na naniniwala na ako sa kanya.

"Alex, please. Ayoko ng pag-usapan ang kumpanya na yan. Wala na akong pakialam."

"Shane, please. Importante ang pag-uusapan natin. Magkita tayo mamaya."

I ended the call.

"Shane, anak andito si Gian sa baba, gusto ka niyang makausap", sabi ni Mama.

"Paalisin nyo na siya. Ayoko siyang makita", sabi ko.

"Shane, kung ano man ang problema nyo, pag-usapan nyo. Lahat naman nadadaan sa magandang usapan."

Tama si Mama. Kailangan ko ngang makausap si Gian, dahil may sasabihin ako sa kanya, kaya hinarap ko na siya.

"Shane, nag-usap na kami ni Lolo tungkol sa kumpanya--" panimula ni Gian.

"Enough Gian. I don't wanna hear anything about that company. Wag mo namang ipaalala ang kalokohan mo."

"Shane, nagkakamali ka. Hindi mo ako naiintindihan--"

Hindi ko talaga siya pinapatapos sa pagsasalita.

"At ako pa talaga ang mali ngayon? Siguro nga Gian, tama ka. Hindi na nga siguro tayo nagkakaintindihan kaya mas mabuti pa, maghiwalay na lang tayo."

Nagulat si Gian. Nagulat pa siya? Eh ito naman talaga ang plano niya diba? Pwes uunahan ko na siya.

"You can't do this Shane", sabi niya.

"Bakit naman? Dahil gusto mo ikaw ang gagawa? Kailan mo pa gagawin? Kapag mahal na mahal na mahal na kita? Para mas masakit, ha, Gian? Pwes tama na ang sakit na nararamdaman ko, dahil kapag pinatagal pa natin to, baka hindi ko na kayanin", tumulo na naman ang luha ko.

Sinubukan niyang punasan ang pisngi ko, pero nag-iwas ako.

"Hindi mo na kailangang gawin yan Gian, umalis ka na."

**

Pagkaalis ni Gian, nakatanggap ako ng message mula kay Allyna. Magkita daw kami ngayon kaya heto hinihintay ko siya sa lugar na sinabi niya.

Ang tagal naman niya.

"Mabuti naman nagpunta ka."

Paglingon ko.

O.O

"Alex??!"

"Sorry but I had to use my sister's phone para magkita tayo. Gusto ko lang na mag-usap tayo."

Ganun ba kaimportante ang sasabihin ni Alex at kailangan pa niyang gamitin ang Ate niya.

Naging malikot ang mata ko at may napansin ako sa isang restaurant.

O.o

Magkasama na naman sila. Bakit niyayakap ni Gian yung babaeng yun?

>.<

Tama lang talaga na nakikipaghiwalay na ako kay Gian. Manloloko talaga siya!

(-.-")

But there's a part of me na gustong hilahin si Gian mula sa babaeng iyon. Gusto ko siyang ilayo at sabihin sa babae na huwag niyang hawakan ang asawa ko.

Pero wala akong lakas ng loob. Nakipaghiwalay na ako diba?

Bigla na lang tumulo ang luha ko.

"Shane.. Bakit?" niyakap ako ni Alex, at umiyak na ako ng tuluyan sa dibdib niya.

"Shane, stop crying", alo ni Alex. Inakay niya ako papunta sa isa sa mga restaurant sa lugar na iyon. Mabuti hindi sa kung saan andon sina Gian.

"Nakipaghiwalay na ako kay Gian", sabi ko kay Alex.

"Mabuti kung ganon", nagulat ako sa sinabi niya. Bakit siya nagsasalita ng ganon?

"Ano ba ang importanteng sasabihin mo?" tanong ko sa kanya.

"Shane, magsama na tayo."

O.O

"ANOOO??!"

"Can't you see? Tayo naman talaga ang dapat na mag-asawa ngayon dahil ako ang unang lalaking apo, not Gian."

"Nababaliw ka na Alex."

"Shane, tayong dalawa ang biktima dito. Kapag nagsasama na tayo, sa akin na ipapamana ni Lolo ang kumpanya."

Tumayo na ako.

"Maiwan na kita Alex, nasasayang ang oras ko sa mga bagay na walang kwenta."

Marry Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now