Chapter 1 : Shane

375K 4.2K 102
                                    

I posted this story on my first account and now I am transferring it here. I'm pretty sure you will enjoy this kind of story so now, brace yourselves and be ready to fall in love with Gian Zayden Santillan.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 1: Shane

"Ang tagal naman! Oy! Shane, kanina ka pa dyan. Wala ka bang balak lumabas dyan sa cr?"


Kahit kailan ang lakas talaga ng boses niyang si Faye. Napaka eskandalosa, pero wag ka, mahal na mahal ko yang kaibigan kong yan.


At hindi na nakatiis, pumasok na siya dito sa cr.


"Ano ba naman, Shane, stop it na", sabi niya sa akin ng makitang umiiyak na naman ako. Inabot niya sa akin ang kanyang panyo.


"Ang sakit pa din kasi", sagot ko habang humihikbi.


Niyakap niya ako.

One good thing I love about my friends is that they really know when i needed them the most.

Them. Oo, dalawa kasi ang best friends ko. Yang si Faye at si Ara, na ewan ko ba kung nasaan ang babaeng yun ngayon.


"I know it hurts, pero kaylangan mo nang mag-move on. Kalimutan mo na siya. Alam mo ba tatawanan ka lang ni Alex kapag nakita kang ganyan. Knowing Alex, he's a real player. Sige na, wipe your tears na. Mahuhuli pa tayo sa klase."


Sinunod ko naman si Faye.

Napaisip din ako dun, sabagay, tama siya.

Ewan ko nga ba, bakit ako nainlove dun kay Alex. I know he's a player at magaling mambola at ako naman si gaga, nagpabola. Pero, naku, simula ngayon, kakalimutan ko na siya.

Lumabas na kami ng cr ni Faye matapos akong magretouch. Pagbukas namin ng pinto, bumulaga si Ara.

"Eto na." sabi niya, tapos may iniabot na tissue.


"Ha? Anong gagawin namin dyan sa tissue?" tanong ni Faye.


"O, eh akala ko najejebs itong si Shane kaya tumakbo dito sa cr, kaya ayun naisip kong dumaan sa canteen at bumili ng tissue", sagot ni Ara.


Nakita kong tinapik ni Faye ang noo niya.

"Nakup. Hay. Hindi siya najejebs or whatsoever.Nag-emote lang yan. Tara na", yaya ni Faye.

Naglakad na kami papuntang classroom.


"Si Alex na naman pala. Hmp. Ewan ko ba, first time ko pa lang makita yung Alex na yun, alam ko ng walang gagawing mabuti eh. Kaya against ako dun. O, ano gagawin ko sa tissue na to?" tanong ni Ara.


"Itago mo", sagot ni Faye.


"Hi Gian!"


"Gian!"


"Si Gian!"


Pagkaliko namin ng hallway ay yan ang mga naririnig namin sigaw ng mga babae. Yung iba nga nagtitilian pa. Paano naman kasi, dumaan ang campus hearthrob na si Gian.

Gian Santillan.

Lahat ata ng mga babae dito sa school nagkakandarapa sa kanya. Pati yata lalaki. Hay ewan.

Santillan.

Alex Santillan.

Hindi sila magkapatid. Pero magpinsan sila at sobrang opposite ang ugali nila.

Si Alex, madaming kabarkada, laging nasa bar, at player.

Pero yang si Gian, tahimik lang, base sa mga kwento kwento. Pero kapag kumanta, lagot ka, laglag ang panga mo. Vocalist kasi yan ng banda.

Oo, narinig ko na siyang kumanta nung minsang may program dito sa school, at magaling talaga. Kaya nga marami nagkaka-crush dyan.

Aside from the fact that he's really cute.


Pumasok na kami sa classroom.


"Dapat talaga yung course na lang ni Gian ang kinuha ko", narinig kong sabi ng isa naming classmate.

"Gaga, 2nd year college pa lang tayo noh, si Gian, 3rd yr na", sagot ng isa.

"Kahit na, at least magkadepartment kami."


"Eh bakit Marketing kinuha mo?"


"Yun gusto ni Daddy."


Nagkatinginan lang kami nina Faye at Ara.

"Speaking of Gian, nakakainis, di ko siya napanood kagabi sa Cuddles", tukoy ni Ara sa bar na tinutugtugan nina Gian.

"Talaga? May gig pala siya kagabi? Sayang dapat tinext mo ako. Sana nagpunta tayo", sagot naman ni Faye.

"Next time,  punta talaga tayo ha," yaya ni Ara.

"Sama ka Shane? Panoodin natin pinsan mo."

Mang-asar ba. Pinsan daw. Batukan ko kaya ang dalawang to.

"Joke lang. Kalma." sabi ni Faye nang mapansin na sumimangot ang itsura ko. 

"Ex Pinsan ang ibig kong sabihin", sabi ni Faye.

"Sige, mangasar pa. Hmp." sabi ko.

"Eto naman, binibiro lang naman kita. Pero infairness, parehas talagang gwapo yung dalawang Santillan although magkaiba ang pagkgwapo nung dalawa." sabi ni Faye.

"Good morning class..."

Bigla namang dumating si Prof.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment :)

Marry Me (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora