Chapter 20 : Gian

133K 1.6K 20
                                    

Chapter 20 : Gian

I was happy kasi bati na kami ni Shane, hindi ko naman talaga sinasadyang sigawan siya. Kaya naman tinulungan ko na siyang magligpit ng kinainan namin.

"Number mo?"

Kinuha ko na sa kanya in case of emergency.

"Thanks. Papasok na ako ha. Mag-iingat ka sa pagddrive"


"I'm glad you liked my gift. Buti nagkasya sayo. Bye Wifey."

Sobrang natutuwa ako kasi sinuot niya yung gift ko sa kanya. Sigurado ako nakita na din niya yun ponytail na inilagay ko sa loob ng shoes.

Wifey. I love calling her wifey cause she's my wife.

Pauwi na ako from school ng tumawag si Lolo at nagsabing sa bahay daw siya matutulog.

O.O

Lagot!

Kaya naman agad kong tinawagan si Shane para ipalipat sa kanya ang mga gamit niya sa Master's Bedroom.

I decided na bumili na lang ng pagkain sa labas. Wala akong time magluto. Yung buong gamit ko kailangan kong ilipat kasi sa room ko patutulugin si Lolo.

Itinext ko na lang si Shane bout sa foods, at sabi ko maghanda na siya. Nakakakaba, baka mahuli kami ni Lolo na hindi magkasama sa isang kwarto, baka sumama ang loob nun at kung anong mangyari.

Pagkadating ko, dali-dali kong inilipat ang mga gamit ko. Si Shane, pinapanood lang ako.

"Ahmm Gian, hindi ka ba kinakabahan?" tanong niya.

"Kinakabahan? Medyo. Baka kasi mabuko tayo ni Lolo, mahirap na."

"Isang gabi lang naman siguro ang lolo mo dito noh?" tanong ulit niya. Nagiging makulet na siya ngayon at gusto ko yun para palagi niya akong kakausapin.

"Ewan ko. Hindi sinabi" eh wala naman kasi talagang sinabi si Lolo. Sabi niya lang dito lang siya matutulog.

Naiwan si Shane sa kwarto ko habang patuloy akong naglilipat ng gamit ko.

"Huy!" nagulat ata. Hahaha. Nakita ko kasi siyang may tinitingnan sa mga gamit ko. Lapitan ko nga.

"Ano yan?? Anong ginagawa mo dyan??"

"Wala. Tinitingnan ko lang yung mga cd's mo. Ang dami kasi."

CD daw? Eh kita ko namang hindi yung CD's ko ang tinitingnan niya.

"Talaga? Mga cd's ko ang tinitingnan mo, baka naman yang mga pictures ko na nakadisplay? Nagagwapuhan ka lang saken, aminin mo na."

Sarap niya talagang asarin.

"Ang kapal mo ha! Eh ano naman kung gwapo ka? Hindi kita type! Hmp!" at lumabas na siya ng kwarto.

I opened the photo album. Alam ko naman na ito ang tiningnan nya.

Mahalaga saken ang photo album na 'to. Full of my childhood memories.


Matapos kong ilipat ang mga gamit ko bumaba na din ako.

"Wifey!" tawag ko.

Hindi sumasagot.

"Wifey!" ulit ko.

Bingi? O nagbi-bingi-bingihan?


"What did you just call me??" tanong niya.

Aba, gusto pa niya atang ulitin ko. Sige. Gusto ko din namang binabanggit yun eh.

"Wifey" ulit ko.

Bakit parang namumula siya?

Lapitan ko nga.

"Ba--kit mo a--ko tinata-wag ng ganun??"


"Coz you're my wife, remember?"

Mas lalo pa akong lumapit. Halos magkadikit na nga ang mga mukha namin.

O.O

Muntik na siyang matumba, buti na lang nasalo ko. Syempre hindi ko naman hahayaang masaktan siya.



"Ehem!!"

Sabay kaming napalingon sa pinto.

"Lo!" sabay pa ang tawag namin.

"Wrong timing yata ang pagpasok ko ah."

"Tamang tama lang ang dating nyo Lo, dinner is ready", sabi ko. Pero ang totoo, opo Lolo wrong timing nga po.

Gusto ni Lolo na bigyan kami ng monthly allowance.

"Ako na po ang bahala sa mga gastusin namin dito. I know my priorities and responsibilities. Kung ano po ang sitwasyon ko ngayon, panindigan ko po. As a husband, I must provide everything my family will need."

Mabuti naman naintindihan ako ni Lolo, alam ko naman na hindi niya kami pababayan.

After ng dinner, tinawag niya si Shane.


"Si Wifey na po ang bahala. Kung saan nya po gusto", sagot ko kay Lolo ng itanong niya kung saan namin gustong mag-honeymoon. Niyakap ko siya.

Nakita ko kung gaano kasaya si Lolo.

"Nakakatuwa talaga kayong tingnan."

Tumingin pa sa akin si Shane, buti naman nagets niya ang ibig kong sabihin.

"Hahaha. Sige po lo, paguusapan na lang po namin ni Hubby yan."

^__^

HUBBY?! Hahaha. Tinawag niya akong Hubby. Ang sarap palang pakinggan.

Sa sobrang tuwa ko, hinalikan ko siya sa pisngi.

**

Nauna si Shane sa kwarto at pagpasok ko binato ako ng unan. Nagalit kasi hinalikan ko daw siya.

Galit siya, masaya ako.

^_^

Nahiga na lang ako sa kama at pumikit. Ayaw pa nga akong patulugin dito sa kama, dun daw ako sa couch eh di dun siya, siya nakaisip eh. Hahaha.

"Aray ano ba?" hampasin ba naman ako, hulihin ko nga ang kamay.

"Eh di matulog ka sa tabi ko", sabi ko sa kanya, ayaw din naman pala niya sa couch eh, di hamak naman kasing mas masarap matulog sa tabi ko.

Pinipilit niyang tanggalin ang kamay niya kaya mas hinigpitan ko ang hawak.

"Gian!"

Ang kulet ng babaeng to. Hubby dapat. Hindi Gian.

"Sshh. Wifey. Matulog ka na."

"Eh paano ako matutulog hawak mo ang kamay ko."

Hinila ko na lang siya at niyakap. Pwede bang ganito na lang magdamag?

"Matulog ka na", utos ko. Sana nga makatulog na lang siya sa dibdib ko para magdamag ko siyang niyayakap.

Pero maya maya bigla na lang siyang kumalas sa yakap ko.

(-.-" )

Sayang.

At talagang sa dulo pa siya ng kama sumiksik.


"Hindi kita niyayakap!" yan ang sagot niya saken nung umaga. Eh huling huli ko naman na niyayakap niya ako. Siya ang kusang yumakap saken. Nagising ako na naaamoy yung mabango niyang buhok. Hinayaan ko lang siyang yumakap. Pagkakataon na niya yun. Hahaha.

Unti unti akong lumapit sa kanya at unti unti din siyang lumalayo..

"Aaaaahhhh!" sigaw niya.

Muntik na siyang mahulog sa kama, syempre nasalo ko ulit siya.

SANA SA SUSUNOD, SA AKIN NAMAN SIYA MAHULOG.^_^


**

"Si Alex at Shane yun ah!" sabi ni P.J.. Napatingin ako sa tinitingnan niya.

>.<

Bakit magkasama sila?

"May feelings pa din ba si Shane dyan sa pinsan mo?" tanong ni Chad.

I just shrugged.

"Oh! Who is she?"

"Sino??" nagtinginan ulit kami sa tinitingnan ni P.J.

"Ano namang trip yun? Naka-long sleeves pa." sabi ni P.J.



Kilala ko na kung sino yun. Ang atensyon ko ay na kay Shane at Alex lang.

"P.J., hindi mo ba nakilala ang babaeng yan? Si Allyna yan", sabi niChad.

"Eh bakit naka-ganyan?" tanong ni P.J.

"May kailangan na naman yan kay Alex", sagot ko. Sigurado ako dun.

"Hi Gian!"

Si Bree.

"Goodluck sa pagtugtog nyo sa Friday!" sabi niya at napatingin satinitingnan nina Chad. "Nagkabalikan na ba ulit sila? Si Shane talaga,walang kadala-dala. Hahaha" tapos umalis na siya.

"Lakas talaga ng tama sayo nun noh?" sabi saken ni P.J.

"Hala! Hinila na si Shane!" sabi ni Chad.

I was alarmed. Saan naman dadalhin ni Allyna si Shane. Sumunod pa si Alex.

"Gian, wala ka bang gagawin?" tanong ni Chad.

"May dapat ba akong gawin?

Marry Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now