Chapter 28 : Shane

125K 1.6K 86
                                    

Chapter 28 : Shane

"Shane!"

Si Alex.

Ano naman ang kailangan nito? Sabi ni Gian ayaw daw niya sumasama ako kay Alex. Alam ko naman nagseselos lang siya.

"Ano naman ang pag-uusapan natin. Don't tell me.." sabi ko, wag niyang sabihing tungkol sa aming dalawa? Matagal na kaming tapos.

"Yes", sagot niya.

O.O

Nasisiraan na siya!

Tungkol daw sa aming tatlo nina Gian. Ano kaya yun? Gusto ko ding malaman kaya sumama ako pero hindi talaga kami pwedeng makita ni Gian.

"Alam mo ba kung bakit kayo nagpakasal ni Gian?" tanong niya. Nagtatanga tangahan ba si Alex? Napaka nonsense ng tanong.

"Ano bang klaseng tanong yan Alex? It's a fixed marriage. Alam mo yan. Dinala mo ako dito para lang itanong yan?" nauubos ang oras ko.

"I know. What I wanna ask is, ano ang nakapagpapayag kay Gian para pumasok sa fixed marriage na to?"

"Ayaw niyang mawala ang Lolo ninyo at gusto niya ding tuparin ang hiling ng mga Lolo natin", sagot ko. Saan ba talga pupunta ang usapang ito?

"WRONG!"

Bakit kailangang sumigaw? Tsaka tatanong tanong siya tapos sasabihin niya mali sagot ko? Hindi ko siya maintindihan.

"Mana ang dahilan ni Gian kaya siya pumayag na magpakasal sayo."

Gusto kong matawa at the same time mainis.

"Alex, ano bang sinasabi mo? Puro na lang ba kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin?"

"Shane, if you could only open your eyes, makikita mong hindi ako ang sinungaling dito. Its Gian."

Nambintang pa!

"I can't believe sinisiraan mo na naman ang pinsan mo."

"Totoo ang sinasabi ko. Narinig kong nag-uusap sina Lolo at si Tito Jaime. Narinig ko na kapag napakasal na siya sayo ipapamana na sa kanya ang kumpanya. Siguro yun ang kondisyon ni Lolo kay Gian basta ba pakasalan ka niya", now he's creating his own story.

"Hindi ka lang sinungaling Alex, nakikinig ka pa sa usapan ng may usapan."

"Maaaring niloko kita dati, but this time, totoo ang sinasabi ko. He's just after the company. At ito pa ang hindi ko mainitindihan."

Sige Alex, ano pa ang kasinungalingang baon mo?

"Hindi ba ang unang apong lalaki ang nakatakdang ipakasal sayo? Limang buwan ang tanda ko kay Gian. Ako ang unang apo, Shane ako!"

Sa puntong yun, napaisip ako. Tanda ko pa naman ang birthday ni Alex at alam ko ang birthday ni Gian, at sa lahat ng sinabi ni Alex, doon ako naniniwala sa sinabi niyang mas matanda siya kay Gian.

"Shane! Andito ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap."

Sina Faye at Ara. Iniwan ko na si Alex.

"Ano bang ginagawa nyo ni Alex dun?" tanong ni Ara.

"Wala. May sinabi lang siya sa akin."

"Ano naman yun?"

"Wala. Hindi naman importante."

**

Nakaupo kami sa couch at nanonood kami ng t.v. nang tanungin ko si Gian. Gusto ko lang kasing makasigurado.

Marry Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon