Chapter 27 : Alex

123K 1.4K 71
                                    

Chapter 27 : Alex

Ang aga aga, kinulit ako ni Allyna na samahan ko daw sila ni Shane sa Mall. Ayoko nga. Pero sabi niya ibibigay daw niya kahit anong gusto ko. Tamang tama, may gusto akong ipabili sa kanya.

Pero nang makaon niya si Shane, kasama si Gian.

>.<

Naman oh! Ano ako dito? Driver! Bwisit talaga!

Gustong gusto ko na ngang umuwi, ayaw lang ni Allyna. Masakit na sa mata ang kasweetan ng mag-asawang ito. Magkaholding hands pa. Agawin ko yan sayo eh!

Nagde-date naman kami dati ni Shane, naghoholding hands din kami pero bakit ganon? Parang iba yung sa dalawang to? Hindi naman sila nag-uusap. Iba yung mga tingin ni Gian kay Shane, lalaki ako, alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin na yon.

**

Then one day kumalat na lang sa school na may asawa na daw si Gian, yun ay walang iba kundi si Shane.

Ano kaya ang pumasok sa isip ni Gian at hinayaan na niyang malaman nila yun? Hindi pa siya nakuntento doon. Ipinakilala pa daw niya talaga si Shane as his wife noong tumugtog sila sa school. Wala ako dun. Wala akong balak panoorin si Gian.

**

Nandito ako ngayon sa bahay ni Lolo Enrique. Inutusan kasi ako ni Daddy na dumaan dito kasi may pinapakuha kay Lolo na mga papeles.

"Si Lolo?" tanong ko sa katulong.

"Ay Sir Alex! Andon po si Sir sa taas, sa study room", sagot ng maid.

Umakyat na ako. I was about to knock when I heard voice. Nakaawang din ang pinto.

"Malapit ng i-mange ni Gian ang kompanya, dapat naghahanda na siya", si Lolo yun.

Alam ko naman na masama ang mag evesdrop, but I find this one interesting. Si Gian at ang kompanya ang involve dito.

"Dad, nagpapasalamat po ako at malaki ang tiwala nyo sa anak ko", sabi ng Daddy ni Gian. Sumilip kasi ako ng konti.

"I know Gian deserve that company and besides, matagal ko ng plano yan since siya ang unang apo kong lalaki, kaya nga siya ang ipinakasal ko kay Shane diba? I know Gian will be happy kapag siya na ang nagpapatakbo ng kumpanya."

Sa mga narinig ko, nalito ako. Nagkaroon ako ng maraming palaisipan.

Ang unang apo ang ipinagkasundo kay Shane? Akala ko kaya si Gian ang pinili ni Lolo ay dahil sa ito ang paborito niya.

Ang kompanya? Sa unang apong lalaki ipapamana ang kompanya? Parang may mali.

"I have to go Dad", pagkarinig ko noon, lumayo na kaagad ako sa pinto.

Pagkalabas ng Daddy ni Gian, saka naman ako pumasok at kinuha ang kailangan ko.

**

"Shane!"

Kanina ko pa hinihintay si Shane na lumabas ng classroom niya. I need to talk to her. Mabuti na lang sabay ang vacant class namin ngayon.

Tumingin lang siya sa akin, nagdadalwang isip pa ata kung lalapitan ako. Kaya ako na ang lumapit sa kanya.

"Alex, anong kaylangan mo?" tanong niya. Bakit parang iwas na iwas siya sa akin? Pinagbabawalan ba siya ni Gian?

"Shane, we need to talk."

Kumunot ang noo niya. "Ano naman ang pag-uusapan natin. Don't tell me.." putol niya. Mukhang alam ko iniisip niya. Kung tungkol sa amin.

"Yes", bigla kong nasagot.

O.O

Nanlaki ang mata niya.

"No. I mean, oo may kinalaman nga to sa ating dalawa tsaka si Gian", bawi ko.

"Si Gian??" doon siya parang naging interesado.

"Come with me", yaya ko sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya. Pero hindi siya gumalaw. I know she doesn't want to come with me.

"Please? This is important."

Pumayag na siya. Now we're here sa part ng school na walang estudyante. Wala naman akong gagawing masama sa kanya, kailangan ko lang talaga siyang makausap.

"Ano ba yon?" tanong niya.

"Alam mo ba kung bakit kayo nagpakasal ni Gian?" tanong ko. Gusto ko kasing malaman kung anong kasinungalingan ang idinahilan sa kanya ni Gian.

"Ano bang klaseng tanong yan Alex? It's a fixed marriage. Alam mo yan. Dinala mo ako dito para lang itanong yan?" alam ko ayaw niyang sumama at naiinis na siya ngayon.

"I know. What I wanna ask is, ano ang nakapagpapayag kay Gian para pumasok sa fixed marriage na to?"

"Ayaw niyang mawala ang Lolo ninyo at gusto niya ding tuparin ang hiling ng mga Lolo natin", sagot niya.

"WRONG!" napasigaw ako kay Shane, naiinis kasi ako sa sagot niya. Bakit siya nagpauto kay Gian? Mas malala pa pala ang panloloko niya kay Shane.

Nakita ko ang pagkalito sa mata ni Shane.

"Mana ang dahilan ni Gian kaya siya pumayag na magpakasal sayo."

"Alex, ano bang sinasabi mo? Puro na lang ba kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin?"

"Shane, if you could only open your eyes, makikita mong hindi ako ang sinungaling dito. Its Gian."

Napapailing siya.

"I can't believe sinisiraan mo na naman ang pinsan mo."

"Totoo ang sinasabi ko. Narinig kong nag-uusap sina Lolo at si Tito Jaime. Narinig ko na kapag napakasal na siya sayo ipapamana na sa kanya ang kumpanya. Siguro yun ang kondisyon ni Lolo kay Gian basta ba pakasalan ka niya", paliwanag ko sa kanya.

"Hindi ka lang sinungaling Alex, nakikinig ka pa sa usapan ng may usapan."

"Maaaring niloko kita dati, but this time, totoo ang sinasabi ko. He's just after the company. At ito pa ang hindi ko mainitindihan", sabi ko, naghihintay siya sa susunod kong sasabihin.

"Hindi ba ang unang apong lalaki ang nakatakdang ipakasal sayo? Limang buwan ang tanda ko kay Gian. Ako ang unang apo, Shane ako!"

Napatingin siya akin. Alam ko naguguluhan na din siya.

Marry Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now