Chapter 34 : Shane

130K 1.6K 40
                                    

Chapter 34 : Shane

Nagulat ako ng biglang nagpunta si Gian sa bahay namin. Ayoko nga siyang makita diba, pero ngayong nandito na siya, iba ang naramdaman ko, doon ko naramdaman ang pagkamiss sa kanya. Gusto ko siyang yakapin, yung mahigpit.

"Shane, bago mo ako paalisin, hayaan mong sabihin ko muna sayo to. Hindi ako nagpunta dito para makipagtalo sayo. Gusto ko lang malaman mo na aayusin ko na ang annulment papers", sabi niya.

O.O

Annulment papers?? Aayusin na niya agad? Papakawalan na nga niya ako?

Hoy Shane, anong inaarte mo dyan eh diba ikaw nga ang may lakas ng loob na makipaghiwalay kay Gian?! Sabi ko sa sarili ko.

Ang sakit palang marinig. Ang lungkot. Parang ayoko na. Ayoko ng makipaghiwalay. Hindi ko yata kakayanin. Please Gian, tell me nagbibiro ka lang.

"Shane, gagawin ko to hindi para saktan ka, kundi para palayain ka at magawa mo ang sa tingin mong ikaliligaya mo. Kung gusto mo na talaga akong mabura sa buhay mo, wala akong magagawa. Pero shane, tandaan mo na hindi kita niloko at mahal na mahal kita."

Pagkasabi niya noon, gusto kong maiyak. Gusto kong magsalita. Gusto kong pigilan si Gian, pero natatakot ako. Gusto ko siyang yakapin, pero wala. Na-stuck ang mga paa ko. Hindi ako makagalaw.

Naramdaman ko na lang na unti unti siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako.

I miss his hug!!

"Mahal na mahal kita", he whispered.

Gustong gusto kong sabihin na mahal na mahal ko pa rin naman siya pero para akong na-coma, hindi makagalaw, hindi makapagsalita. Hinihiling ko na sana yakapin pa niya ako ng matagal, na sana huwag na niya akong bitiwan.

Kung panaginip ito na yakap niya ako, sana huwag na akong magising. Mas gugustuhin ko pang ganito, na yakap yakap niya ako, pero bigla na lang siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin.

Then he left.

Pagkaalis niya, sumabog lahat ng emosyon na nararamdaman ko. Gustong gusto kong sumigaw, pero walang boses na lumabas mula sa bibig ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin, basta nararamdaman ko na lang ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko.

Mas mahirap pala ang ganito, yung umiiyak na walang boses. Mas madali pala kapag sumisigaw ka, kasi nailalabas mo ang nararamdaman mo, pero ito, nakamamatay.

TToTT

**

Ang mga sumunod na araw ay mas naging napakalungkot, until Allyna called me.

Madami siyang sinabi sa akin. Ang tungkol kay Syd, na ako daw talaga ang mahal ni Gian. Natuwa ako ng marinig ko iyon.

"At yung tungkol sa mana, kay Gian talaga ipapamana ang kumpanya ever since. Si Gian ang unang apong lalaki, not Alex. Ampon namin si Alex."

O_____O WHAT?? AMPON SI ALEX???!

"Huwag ka ng magtanong tungkol doon, isa lang ang goal ko, at yun ay maayos kayo ni Gian. Nito lang din nalaman ni Gian ang tungkol sa mana so hindi talaga yun ang dahilan kaya ka niya pinakasalan. Kilala ko si Gian, maprinsipyo siyang tao. Mahal na mahal ka ni Gian."

Gusto ko na namang maiyak sa sinabi ni Allyna. Haist. Napakaiyakin ko talaga. Ibig sabihin hindi talaga ako niloko ni Gian?

"Nang sinabi sa akin ni Gian na makikipaghiwalay na siya sayo, ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Hindi iyon madali kay Gian. Hindi mo na ba siya mahal?"

Tiningnan ko si Allyna sa mata at sumagot.

"Mahal na mahal ko si Gian", tuluyan ng tumulo ang luha ko.

Niyakap ako ni Allyna.

"Huwag ninyo ng pahirapan ang isa't isa. Huwag ninyong sayangin ang mga oras na dapat magkapiling kayo", payo niya.

Tama siya.

"At ikaw lalaki ka, kapag hindi mo to inayos, lagot ka sa akin!" sabi ni Allyna.

Nagulat ako. Nakayakap pa din ako sa kanya, kaya kumalas ako at tumingin sa tinitingnan niya.

O.O

Si Gian, nasa pinto!

Tumayo na si Allyna.

"Aalis na ako. Mabuti naman Gian, dumating ka na. Kayo ngang dalawa ang mag-usap", sabi niya at bumaling siya sa akin at ngumiti.

"Hindi ko pupunasan ang luha mo, alam ko naman kung sino dapat ang gagawa niyan", sabi ni Allyna tapos umalis na siya.

Lumapit sa akin si Gian. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Maaari ko na bang punasan ang luha mo?" tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya, at tumango, tapos pinunanasan na niya ang luha ko.

"Alam mo naman na ayokong nakikita kang umiiyak diba?" sabi niya, asar yung luha ko, lalong tumulo, sa tuwa siguro na kaharap ko na siya ngayon.

"Akala ko ba mahal mo ako, bakit mo ako palalayain?" tanong ko.

"Kaya nga kita palalayain eh kasi mahal kita. I want you to be happy, hahayaan kitang hanapin ang kaligayahan mo."

"Nahanap ko na yun Gian, at muntik ko na ding pakawalan, sana hindi pa huli ang lahat."

Tinitigan ako ni Gian.

"Mapapatawad mo pa ba ako sa lahat ng sinabi ko sayo? Gian, Im sorry, hinusgahan kita. Im sorry, naniwala ako kay Alex. Im sorry--"

Bigla na lang akong hinalikan ni Gian.

"Mahal na mahal kita, tandaan mo yan at hindi kita kayang lokohin at iwan. Ikaw lang naman dyan ang--"

Hindi di ko siya pinatapos magsalita.

"Sorry na nga, eh bakit kasi nagtanong ka kay lolo ng annulment noon?"

"Itinanong ko yun para makisiguro ako na di mo ako iiwan, sabi ni lolo, bawal daw ang annulment, so natuwa ako, kung ano ano kasi iniisip mo."

"Sorry, nagkulang ako ng tiwala sayo", naiiyak na naman ako.

"Ssshh. Huwag ka ng umiyak. Kalimutan mo na ang anullment hinding hindi kita iiwan. Hindi kita hahayaang makuha ng kahit na sino. Mahal na mahal kita Wifey."

"I love you too Hubby."

"You're still Mrs. Gian Santillan right?"

"Always and forever", sagot ko.

And we sealed it with a kiss.

THE END...??

Marry Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now