Special Chapter 2 : Gian

135K 1.5K 45
                                    

Special Chapter 2 : Gian

"Oh diba masarap?" sabi ni Shane saken habang kumakain kami ng breakfast. Yung breakfast na ipinagmamalaki niyang siya ang nagluto.

Matapos kong malunok ang kinakain ko, sumagot ako. "Oo, masarap nga", tapos ngumiti ako sa kanya.

Mas ngumiti siya.

"Sabi ko sayo eh, masarap akong magluto!" pagmamalaki pa niya.

"Oo, masarap nga itong niluto mong scrambled egg", ulit ko.

Nakakatawa talaga siya. Akala ko talaga nung una kung anong klaseng breakfast na ang ipinagmamalaki niya sa akin , yun pala nagluto lang siya ng scrambled egg, bacon, hotdog and fried rice.

Pero syempre sobrang naappreciate ko lahat ng inihanda ni Shane, luto yata ng misis ko yun.

Kung hindi ko asawa itong nasa tabi ko ngayon, sigurado sobra na akong naconscious. Eh kasi naman kanina pa niya ako tinititigan.

"Kumain ka kaya?" alok ko sa kanya.

"Nah, mamaya. Ah Hubby, nasabi ko na ba sayo na ang cute mo, I mean, ang gwapo mo!"

O.O

Parang ngayon ko lang ata narinig kay Shane yung salitang ang gwapo ko daw. Marami naman talaga ang nagsasabi, pero mula kay Shane? Parang bago ata yun. Dati naman hindi siya vocal tungkol dun.

Teka, dala lang ata ito ng pagbubuntis niya ah?

(-.-")

"Talaga? Gwapo ako?" tinitigan ko din siya.

"Oo. Ang gwapo gwapo mo? Soooobra!" wagas yung ngiti niya habang sinasabi niya yun.

Para naman akong isang highschool na gustong kiligin. Parang ewan. Lalo akong nagpacute sa kanya at binanatan ng aking killer smile nang magsalita siya..

"PAKUROT??"

>.<

"Ang gwapo mo Hubby, pakurot ulit ako. Hindi na sa ilong sa pisngi na!" habol pa niya.

Gusto kong mapakamot sa ulo. Akala ko pa naman mas lalong nate-turn on sa akin si Shane sa pagpapacute ko, yun pala may binabalak. Pssh.

"Kumain ka na lang. Pagtitripan mo na naman ako", sabi ko. Nakakaasar.

"Isa lang ulit. Sige na. Please."

Patuloy lang ako sa pagkain.

"Hindi ako kakain kapag hindi ka nagpakurot!"

Aba't nanakot pa!

Hindi ko pinansin. Tapos hindi nga niya ginagalaw ang pagkain niya.

"Aish. Oo na. Oo na. Basta kumain ka na", sabi ko na lang. Buntis kasi eh. Psssh.

"Yey!" para talaga siyang bata.

**

"Magbihis ka na. Aalis tayo", utos sa akin ni Shane habang nanonood ako ng tv.

Wala naman kaming planong lakad ngayon ah? Pagtingin ko sa kanya, nakabihis na siya. Prepared. Kakatapos lang naming maglunch.

"Saan naman tayo pupunta? Ang init init Wifey. Dito na lang tayo sa bahay", sabi ko.

"Pupunta tayo sa mall", sabi niya.

"Ano namang bibilhin mo?" tanong ko.

"Kahit ano. Sige na, Hubby. Tara na. Tapos manood na din tayo ng movie", she suggested.

Marry Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now