Chapter 35 : The Final Chapter

159K 2.2K 267
                                    

Chapter 35 : The Final Chapter

(I'll be using 3rd person POV)

Iniuwi na ni Gian si Shane sa kanilang bahay.

"Wifey, huwag mong haluin ng haluin. Hayaan mo lang siyang kumulo", utos ni Gian kay Shane.

"Ganun ba yun? Ang dami naman pala niyang arte", sagot ni Shane. Tinuturuan kasi ni Gian si Shane ngayon magluto.

"Hubby, ano bang paborito mong ulam?"

Nilapitan ni Gian si Shane at niyakap.

"Kare-kare", sagot nito.

"Kare-kare? Diba mahirap lutuin yon? Pwede mo bang ituro sa akin yon para ipagluluto kita", sabi ni Shane.

"Gusto mo talagang matutunan yon?" tanong ni Gian habang palapit ng palapit ang mukha niya kay Shane.

"Oo naman. Para ako na ang magluluto dito sa bahay."

"Ako din, gusto ko yon. Gusto ko ng tikman ang mga luto mo, pero mas gusto kita.." at unti-unting bumababa ang kamay ni Gian sa likod niya.

*O*

"GIANNN!!!!"

Kumalas sa pagkakayakap si Shane.

"O? Bakit?"

"Nagluluto ako! Ano ka ba?!"

"Bakit? Ano bang ginawa ko? Wala naman ah."

>.<

"Wala nga. Wala pa", bulong ni Shane.

Akala yata nito di ko alam binabalak niya, sabi ni Shane sa sarili.

**

Pagkatapos ng isang buwan ay nagkaroon ng salu-salo sa mansyon ng kanilang Lolo Enrique.

Imbitado ang mga kaibigan nina Gian at Shane. Kaya naman present sina Faye at Ara, at hindi din mawawala sina Chad, Matt at P.J.

Present din ang Mama at Papa ni Shane. Ang Tito Eric ni Gian at si Allyna.

Si Alex?

Upang maliwanagan siya, sinabi na sa kanya ang totoo niyang pagkatao. Noong una ay hindi matanggap ni Alex ang katotohanan pero nang kausapin siya ni Lolo Enrique at iparamdam at sabihin ng huli na kailanman ay hindi iba ang tingin niya kay Alex ay natanggap na din niya ito.

Bawat apo naman ay may ibibigay na mana si Lolo Enrique, yun nga lang kay Gian talaga ang kumpanya.

Ngunit nakiusap si Alex sa Lolo niya na gusto muna niyang umalis ng bansa. Kailangan niyang magbakasyon kaya naman hindi nakadalo ngayon.

Nagsimula nang tumugtog ang banda nina Gian.

(Click the song on the right side to play themusic! Enjoy! )

"Good evening everyone! I dedicate this song to my one and only wife, Shane."

"Forever can never be long enough for me

To feel like I've had long enough with you

Forget the world now, we wont let them see

But there's one thing left to do"

Lahat ay kinikilig sa pagkanta ni Gian. Kinuha ni Gian mula sa audience si Shane at dinala sa gitna.

"Marry Me, today and everyday. Marry Me, if I ever get the nerve to say hello in this cafe

Say you will

Say you will

MARRY ME"

Hindi mapawi ang ngiti ni Shane habang kinakantahan siya ni Gian.

Lumuhod si Gian sa harap ni Shane at may kinuhang box mula sa bulsa.

"Mrs. Shane Sandoval-Santillan, will you MARRY ME..again?"

Halos maiyak si Shane sa narinig mula kay Gian.

"YES! Of course, I will marry you over and over again!" sagot ni Shane.

Tumayo si Gian at hinalikan si Shane.

"Mahal na mahal kita", bulong ni Shane.

"Mas mahal kita", sagot ni Gian.

Pagkatapos magpropose ni Gian ay inihahanda na ang pagkain.

"Lapitan mo na kasi", udyok nina Chad kay Matt.

"Oo nga. Pagkakataon mo ng makausap si Ara!" sabi naman ni P.J.

Para silang highschool na halos itulak na nila ang kaibigan para lang makausap ang crush nito. Sa wakas, napilit din nila ito.

"A-ah. Hi! Ara!" bati ni Matt.

Ngumiti naman si Ara. "Hi!"

"Ah. Ara, are you free this Sunday?" tanong ni Matt.

"Sunday? Yah. Why?"

"Can I ask you out?" lakas loob na tanong ni Matt.

Ngumiti si Ara. "Sure."

*

Nang maihanda ang mga pagkain ay napansin ni Gian na hindi kumakain si Shane.

"Wifey, may problema ka ba? Paborito mo itong hipon diba? Kumain ka na", sabi ni Gian.

"Apo, ok ka lang ba?" tanong ni Lolo Enrique.

"Opo Lolo", sagot naman ni Shane.

"Friend, bongga tong party ng lolo ni Gian", bulong ni Faye.

Pero hindi sumagot si Shane.

"Shane, ok ka lang talaga?" tanong ni Allyna.

"Wifey, gusto mo ba ipagbalat kita?"

"Anak, may sakit ka ba?" tanong ng Mama ni Shane.

"Hubby, pwede bang ilayo mo yang hipon sa akin?" utos ni Shane.

Nagtaka naman si Gian.

"Huh? Eh diba paborito mo to?"

"Ayoko ng amoy niyan. Ilayo mo sa akin yan", utos ni Shane.

Bigla na lang tumayo si Shane at parang naduduwal. Tumakbo siya sa banyo at sinundan siya ni Gian.

Biglang nagsalita si Lolo Enrique at ngumiti.

"Finally, matutupad na ang pangarap kong magka apo sa tuhod!"

*THE END*

Marry Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now