Chapter 13 : Shane

145K 2K 34
                                    

Chapter 13 : Shane

Napakabilis ng araw. Bukas na kami ikakasal ni Gian. Tomorrow is Sunday. Since Saturday ngayon, half day lang ang pasok ko sa school.

"Kelan nyo balak sabihin dito sa school na magpapakasal na kayo ni Gian? Bukas na yun diba? Sigurado magkakagulo ang buong campus", sabi ni Faye.

Bakit nga ba hindi namin napapagusapan ni Gian yun?

"Hindi ko alam", sagot ko.

"Baka naman ayaw talaga ni Gian na ipaalam to maintain his popularity, kasi nga naman kapag nalaman ng mga tao na ikakasal na siya, mababawasan na ang fans niya", sabi ni Faye.

"Sobra ka naman. Hindi naman siguro. Basta ako, kahit ikasal kayo, crush ko pa din siya. Oy, Shane wag ka magseselos ha, crush lang naman. Hahaha", sabi ni Ara.

"Sira! Bakit naman ako magseselos? Kasal lang kami sa papel, feelings not included", sabi ko.

"Feelings not included ka dyan! Baka mamaya nyan, lalapit ka samin ni Ara at sasabihin mong "Oh my God! Mahal ko na ata siya! Anong gagawin ko?", sabi ni Faye na uma-acting pa.

Nakakatawa siya. "Tumigil nga kayong dalawa. Uy. Pasensya na kayo ha. Di ko kayo maii-invite, sa sarili ko pang kasal. Kasi naman, puro pamilya ko at pamilya lang ni Gian eh. As in private. Sa second wedding na daw kami magimbita, bongga daw yun", paumahin ko sa dalawa.

"Ok lang yun. Naiiintindihan naman namin. Pero Shane, masaya ka ba?" seryosong tanong ni Faye.

"Sus! Syempre masaya yan. Kaw ba naman ang ikasal sa isang Gian Santillan!" sabi ni Ara.

"Ara, seryoso ako. Shane?" tanong ulit ni Faye.

"Hindi ko pa masasabing masaya ako. Hindi pa naman kasi nagsisimula, pero hindi ko din naman sinasabing malungkot ako. Wala naman kasi akong nakikitang dahilan para maging malungkot, yun nga lang, may pagkasuplado si Gian."

"Mapapaamo mo din yun. Hahaha", pangaasar ni Faye.

"Speaking of the hearthrob", bulong ni Ara. Lumingon ako. Dito ba siya papunta? Bakit? Ang tagal din naming hindi nag-usap.

"May klase ka pa ba?" tanong niya sa akin.

Si Ara, kinikilig.

"Wala na. Pauwi na nga kami. Bakit?"

"Sumama ka saken", utos niya. Utos talaga, hindi tanong. Like a boss.

Naglakad na siya, pero hindi naman ako sumusunod. Nang maramdaman niyang walang Shane na sumusunod, huminto siya at tiningnan ako.

Nung pagtingin niya saken, automatic gumalaw ang mga paa ko at sumunod sa kanya. Ang bilis naman niyang maglakad. Wala yata siyang balak hintayin ako.

Ang layo naman. Saan niya ba talaga ipinark ang kotse niya? Saan ba kami pupunta? Labas na to ng school, maglalakad lang ba talaga kami hanggang sa makarating sa pupuntahan namin.

Sa wakas. Nakita ko din ang kotse niya. Sumakay siya. Bakit parang walang tao sa lugar na to? Sumakay na din ako.

"Saan ba tayo pupunta?" di na ako nakatiis. Tinanong ko na siya.

"Kay Lolo", sagot niya.

"Bakit hindi sa loob ng campus mo ipinark ang kotse mo?"

"Wag ka ng maraming tanong. Magseat belt ka", utos niya. Suplado na naman. Kapag ganito kami lagi. Hindi magwowork ang tinatawag nilang "relasyon".

Hindi na lang ako nagsalita habang nasa byahe. Hanggang sa makarating kami kina Lolo Enrique.

Nadatnan namin siya sa terrace.

"Ready na ba kayo para buaks?" tanong niya.

Walang sumagot sa tanong.

"Pinapunta ko kayo dito dahil meron akong regalo para sa inyo" sabi ni Lolo. "Eto", at may iniabot siyang mga susi.

"Susi na ano po ito Lo?" tanong ni Gian.

"Susi ng bahay ninyo."

Nagkatinginan kami ni Gian.

"Pagkatapos ninyong ikasal bukas ay dyan na kayo titira. Bakit hindi ninyo puntahan ngayon?"

"What do you think Shane?" tanong sa akin ni Gian.

Natulala na naman ako. Kasi naman. Ang daming surprises. Ang dami ng pumapasok sa isip ko. Magsasama na nga pala kami ni Gian sa iisang bubong. Oh my!

"Kaw ang bahala", sagot ko.

"Sige na puntahan nyo na ngayon. May mga furnitures na doon. Kumpleto na.", utos ni Lolo at sinabi niya sa amin ang address.

Umalis na kami. Tahimik pa din ako sa kotse. Pumasok kami sa isang subdivision. Yung mga nadadaanan naming bahay sa loob ang lalaki. Ang gaganda.

Tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay.

"We're here", sabi ni Gian.

Ito ang magiging bahay namin? Dito kami titira? Ang sosyal naman.

Color black ang gate. May garden pa. Pumasok kami ni Gian, pero sa labas na lang niya pinarada ang kotse niya. May 2nd floor ang bahay. Binuksan ni Gian ang pinto. Tama si Lolo, kumpleto na ang furnitures sa bahay.

"Wow!", nasabi ko. "Ang ganda naman ng bahay na ito."

"Tara sa taas", yaya ni Gian.

The 2nd floor has 3 rooms. Yung isa master's bedroom. Pumasok ako doon tapos sumunod si Gian.

Naku. Nasa iisang kwarto kami. Hindi pwede to. Dapat lumabas na ako.

Palabas na ako ng magsalita si Gian. Napatigil naman ako sa paglalakad.

"Kasya naman siguro tayo sa kamang ito diba?" sabi niya.

Nilingon ko siya. Anong sabi niya?!

"Anong tayo?" tanong ko.

"This is the master's bedroom. Dito tayo matutulog. May problema ba doon?" tanong niya. Lumapit ako sa kanya.

"Meron. Ano ka? Sineswerte? Hindi tayo magsasama sa isang kwarto. May iba pa namang kwarto dito, dun ako matutulog. Kung gusto mo dito. Eh di dito ka", sabay labas ako sa kwarto.

Huh! Ano bang iniisip niya? Na kapag mag-asawa na kami eh magagawa niya ang gusto niya? In his dreams! Kahit pa si Gian Santillan siya at maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya eh hindi ako papayag sa gusto niya.

Sumunod na pala sa akin si Gian.

"Wait. Ano bang iniisip mo? If gusto mong matulog sa ibang kwarto, fine with me. Pero wag mo akong sisihin kapag nalaman ni Lolo na hindi tayo magkasama sa iisang kwarto."

Natigilan ako. Oo nga. Lagot.

Eh di iisip ako ng paraan. Basta, hindi ako papayag na magsama kami sa iisang kwarto.

"Hindi niya malalaman, kung hindi mo sasabihin", sabi ko.

Naiinis na talaga ako kay Gian. Mukhang di talaga kami magkakasundo nito ah.

"Ok. Bahala ka."

Marry Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now