Chapter 2 : Gian

225K 3.5K 212
                                    

Chapter 2 : Gian


Hindi na naman kami nag-abot ni Daddy. Maaga siyang pumasok sa office ngayong umaga.

Kagabi naman nasa gig ako. Sabi niya may sasabihin daw siyang importante. Ano kaya yun?

**


"Hi Gian!"

"Gian!"

"Si Gian!"


Ewan ko ba sa mga babaeng to. Dadaan lang naman ako, pero sobra kung magtilian. Kaya ayun ngini-ngitian ko na lang. Pero habang nginingitian ko, mas lalo silang sumisigaw.

Pero iba ang babaeng ito. Itong kasalubong ko. Ano kayang problema nito. Mukhang pugto ang mata.

Parang kilala ko yun.

Tama.

Siya nga.

Yun yung girlfriend ng pinsan kong si Alex.

Hay. Sigurado ako, si Alex ang dahilan ng pag-iyak niya.

Ilang babae na ba ang napaiyak nun? Ewan. Tsk. Tsk.

Ayoko lang talaga ng ganun. Ayokong makakita ng babaeng umiiyak. Wala naman kasi akong nakikitang dahilan para magpaiyak ng babae. 

Yan ang turo saken ng Mommy ko before she died. Huwag na huwag daw akong mananakit ng babae. Ang mga babae daw dapat iniingatan, pinapahalagahan, minamahal at hindi sinasaktan.

I love my mom so much. But unfortunately, she left us. Bata pa lang ako ng mawala siya. But i still believe that everything happens for a reason.

**

"Anong tutugtugin natin next Saturday?" tanong sa akin ni Chad, gitarista ng banda, kaklase ko.

Nakita ko siya na naggigitara pagkapasok ko sa classroom.

"Kayo bahala." sagot ko.

"Try kaya natin yung sa The Script", suggest ni P.J. ang drummer sa banda, kaklase din namin ni Chad.

"Alin?" tanong ni Chad.

Marry Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon