Chapter 23 : Allyna

132K 1.9K 122
                                    

Chapter 23 : Allyna

Ako lang ang babaeng apo ni Lolo Enrique. I'm the eldest. Noong mga bata pa lang kami, palagi kaming magkakalaro nina Gian at Alex. Kaya ayoko na tinatawag nila akong Ate kasi ayokong maramdaman na di nila ako kasing edad.

Minsan narinig ni Lolo na Allyna or Yna lang ang tawag sa akin nung dalawa, nagalit si Lolo.

Yang si Gian, may pagkapilyo yan nung bata pa kami. I can still remember when he was 10, nung naka-costume yan na Batman, may hinalikan yang batang babae eh, sa lips talaga, si Tinkerbell. Yung kasi yun costume nung batang babae noon eh. She's cute. *o*

Hindi ko na nga lang matandaan kung sino ba ang may bday noon. Si Alex naman naka Spiderman na costume noon.

Bata pa lang ako gusto ko ng mag-artista, at dahil maganda naman ako, matangkad at talented, hindi ako nahirapang abutin ang pangarap ko.

I am proud of my surname but we decided na huwag ng isama yun sa screen name ko. Gusto ko din namang sumikat in my own way. Kilala kasi ang pamilya namin kasi isa kami sa pinakamayaman sa bansa.

Noong nagpunta ako sa school nina Gian, natuwa ako kasi may nakilala akong girlfriend ni Alex. Magpapasama lang naman akong kumain to my favorite place. Kapag wala si Alex, kay Gian ako nagpapasama. Vice versa. Hindi naman makakatanggi sa akin ang dalawang yan eh. Knowing me, makulet kaya ako. ^__^

Nang malaman kong naaksidente ang girlfriend ni Alex, nataranta ako. I like her pa naman at gusto ko pa siyang makasama. Sinabi ko yun kay Alex. Kaya dali dali akong nagpasama kay Gian.

"Alex, diba girlfriend mo siya? Bakit magkahiwalay kayo ng kotse?" tanong ko kay Alex sa hospital.

"No. She's not my girlfriend. She's Gian's wife", sagot ni Alex.

O______O

WHAT THE???!

All this time, siya pala ang asawa ni Gian! Wala akong nagawa kundi yakapin si Gian. I can see pain in his eyes. Ramdam ko ang lungkot.

Pagkatapos ng insidenteng iyon, hindi na ako nakadalaw sa hospital, gustuhin ko man hindi kayang isingit sa busy kong schedule kaya naman nagdesisyon akong bisitahin siya ngayon.

*ding dong*

Si Gian ang nagbukas ng gate.

"Gian! Andyan ba si Shane?" tanong ko.

"Pasok ka muna."

We went inside the house. So ito pala ang bahay na bigay ni Lolo. It's nice. Maaliwalas sa loob.

"Maupo ka muna. What do you want? Coffee? Juice??--"

"No need. Hindi din naman ako matatagal. I heard pumapasok na ulit sa klase niya si Shane so I guess ok lang siguro na yayain ko siya lumabas, para naman makapamasyal siya, at makapagbonding na din kami."

"Sandali, tatawagin ko lang siya."

Umakyat na si Gian sa taas, tanaw ko dito sa baba ang kwartong pinasukan niya. He knocked first, then he went inside.

Naunang lumabas si Shane sa kwarto. She's smiling, but still mukhang hindi pa ayos ang kamay niya. Halos patakbo siyang bumaba ng hagdan.

"Allyna!"

Tumayo ako at sinalubong siya. "Oh! Be careful", paalala ko sa kanya. Nakipagbeso ako sa kanya. "How are you?"

"Heto ok na naman. Sabi ng doktor, mga ilang linggo na lang daw, pwede ng tanggalin ang benda ng kamay ko."

Marry Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon