Chapter 16 : Gian

139K 1.9K 55
                                    

 Chapter 16 : Gian

Gulat na gulat si Shane nang halikan ko siya sa kasal. First kiss niya ba 'yon? Psssh. Nahalikan na kaya siya ni Alex?Naiinis ako sa naiisip ko.

I know its her 18th birthday kaya bumili ako ng gift para sa kanya. Rubber shoes ang pinili ko, alam ko hindi naman yan mahilig sa mga stiletto, yung mga high heels. Simple lang kasi si Shane, that's why I like her.

I chose pink. Alam ko din na pink is her favorite color. Madami akong alam tungkol sa kanya, dahil kapag gusto mo ang isang tao, magiging interesado ka sa mga gusto at ayaw niya.

Pagkadating namin sa bahay, andun na nga ang gift ni Lolo. A red spots car? Pssssh.

"Yan na talaga ang kwarto mo?" tanong ko sa kanya ng akmang papasok siya sa isa sa mga kwarto.

"Yeah. Why?"

"Ok. Dito na lang ako sa katapat na kwarto mo" sabi ko.

"Akala ko gusto mo dun sa Master's Bedroom?"

"Ayoko. Ayaw mo naman eh" sabi ko. Para pa ngang nagtaka siya sa sagot ko.

Ano naman kasi ang gagawin ko sa Master's Bedroom kung wala naman siya? Ang laki-laki ng kwartong yun, tapos ako lang mag-isa? Malungkot yun. Gusto ko syempre kasama siya.

Nang pumasok si Shane, hinihintay ko siyang lumabas at bumaba, pero wala. Hindi bumaba. Nakapagluto na din ako ng dinner. I cooked adobo. Tinawag ko na din siya pero di naman sumagot.

Honeymoon namin tonight diba? Pero para sa aming dalawa, honeymoon is just a word.

*ring ring ring*

Its Chad.

"What?"

"Sorry to disturb you bro, I just wanna say congrats. Naku, sige na bye na, baka nakakaabala na kami sa ginagawa niyo ni Shane dyan" sabi ni Chad at tumawa pa siya ng nakakalokong tawa.

"Si Gian ba yan?" narinig ko si P.J. yun.

Bakit magkakasama sila? Asan ba sila? Bakit maingay?

"GIAN, CONGRATS! THE MOVES HA!" sigaw din ng iba naming kabanda.

Pagkatapos nagtawanan pa sila.

"Hello. Asan ba kayo?" tanong ko.

"Dito sa The Lights", sagot ni Chad.

The Lights, isa sa mga bar na tinutugtugan din namin.

"Anong ginagawa niyo dyan? Tutugtog kayo?" may gig ba ngayon? Bakit hindi ko alam?

"Oo sana, kaso wala ka naman."

"Pupunta ako dyan. Tugtog tayo."

Lumabas na ako ng bahay. At sumakay sa kotse ko. Iba na ang buhay ko. Hindi na ako binata. May responsibilidad na ako. Ayokong umaasa sa Lolo ko, kahit papaano gusto kong may mapatunayan.

Safe naman dito si Shane kahit iwanan ko siya. Isa pa, wala din naman akong ginagawa, ano? Magtititigan kami? Eh alam ko naman mas gugustuhin noong magkulong sa kwarto niya kesa makipagusap saken.

Nag-iwan na lang ako ng note sa ref. Sigurado mababasa naman ito ni Shane.

**

"Bakit mo iniwan ang bride mo?" tanong ni Chad ng makarating ako.

"Anong tutugtugin natin?" tanong ko. Iniiba ko talaga ang usapan.

"Tonight is a hot night, bakit ka pa nagpunta dito?" singit ni P.J.

Marry Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon