Chapter 11 : Shane

161K 1.9K 25
                                    

Chapter 11 : Shane

"Baka malunod ka."

Huh? Sino yun? Pagtingala ko, si Gian pala. Pagakaupo niya sa tabi ko, nakita ko yung mga babaeng dumadaan nagtitinginan sa amin.

Ang tagal naman kasi nina Ara. Nakakainis. Hindi naman ako sanay na kausap tong si Gian, pero sa tingin ko kailangan ko ng masanay.

"Baka puyat. Nakita ko sila sa Cuddles kagabi eh."

"Nagpunta sila sa Cuddles kagabi?! Hay. Kaya pala hindi ko makontak."

"Shane!"

Sina Faye. Papalapit.

"Sige Shane, alis na ako. Mag-usap na lang tayo mamaya", sabi ni Gian, tapos umalis na siya.

Mag-usap mamaya? Anong pag-uusapan namin? Ah. Oo. Yung kasal. Hay Shane, kailangan mo na talagang sanayin ang buhay mo na palaging nandyan si Gian.

"Bakit kayo magkausap ni Gian?" tanong ni Ara tapos tumabi siya sa kanan ko.

"Anong pinag-uusapan ninyo?" sabi naman ni Faye na halatang kilig na kilig at tumabi sa kabila.

"Oo nga! Grabe! Super duper crush ko na talaga siya!! Ang gwapo niya kasi!" isa pa tong si Ara.

"So ano na nga? Ay teka, magkwento ka muna tungkol sa nangyari kagabi", sabi ni Faye.

"Mamaya na natin pag-usapan yun, ano munang pinaguusapan ninyo ni Gian?" pangungulit ni Ara.

"Hindi, Shane. Sino muna ang pakakasalan mo?" si Faye.

"Si Gian muna. Ano sinasabi niya say--"

"Hepppp!! Wala pa kaming pinag-uusapan ni Gian, pero mamaya mag-uusap kami. Pag-uusapan namin ang tungkol sa kasal naming dalawa", sabi ko.

Tahan yung dalawa eh. Natameme. Hindi makapaniwala.

I nodded. "Yes. You heard me right. Si Gian ang mapapangasawa ko."


Hindi pa din nagsasalita yung dalawa.

"Uy! Napipi na talaga kayo?" sabi ko.

"No way! Shane, ang daming lalaki, bakit si Gian pa?" sabi ni Ara.

"Hindi naman ako ang pumili remember? So ayaw mo kay Gian para sa akin kasi crush mo siya? Kagabi ko pa gustong sabihin, nasa Cuddles naman pala kayo." sabi ko.

"Paano mo nalaman?"

"Sinabi ni Gian, nakita daw niya kayo."

"Oh my God! Kilala niya kami? As in, natatandaan niya kami??!"

"Ewan. Siguro. Bakit hindi ninyo ako isinama?"

"Wow ha. Di pa nga kayo kasal ni Gian, gusto mo na agad bakuran? Striktong misis to. Hahaha", sabi ni Ara.

"Sira! Eh kasi naman, nagmukmok lang ako kagabi. At tsaka kung kasama niyo ako kagabi, hindi tayo sa Cuddles pupunta. Sa ibang bar."

"Ay, mag-isa ka. Gusto ko yatang mapanood si Gian noh", sabi ni Ara tapos bigla siyang ng-emote. "Pero kailangan ko na siyang i-let go kasi pakakasalan na siya ng best friend ko. Huhuhu"

"Wag ka ng mag-emote. Di bagay sayo", sabi ni Faye. "Tara na nga sa classroom, baka ma-late pa tayo."

**

Pagkatapos ng klase, nakita ko si Gian sa may pinto ng classroom ko.

"Hi!" sabi niya.

Nag-smile ako. Ano kayang ginagawa nito sa building namin?

"Isasabay na sana kita. Si Lolo kasi tumawag sa akin. Gusto daw niya tayong makausap", sabi niya.

Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya.

Yung mga tao nakatingin na naman sa amin. Siguro nagtataka na sila kung bakit ako laging kinakausap ni Gian.

"Let's go?" yaya niya.

"Ok."

Narinig naman nina Faye ang usapan naming dalawa kasi nasa likod lang namin sila. Tiningnan ko na lang sila tapos nag-smile silang dalawa.


On our way papunta sa kotse niya, sinusundan kami ng tingin ng mga estudyante pati mga professors.

"Sino siya? Bakit kasama niya si Gian ko?" sabi nung isang babaeng nadaanan namin.

Gian ko talaga? Kelan pa naging kanya si Gian? Kapag kasal na kaming dalawa, masabi niya pa kaya yun?

"Saan sila pupunta?"

"Hi Gian!"

"Gian! I-date mo naman ako!"

"Gian! Please be my husband!"

Mga sinisigaw nung mga babae. Husband agad? Kaloka sila.

Nakarating din kami sa parking lot. Hanggang doon nagbubulungan pa din ang mga tao.

"Sino siya? Bagong gf ni Gian?" bulong nung babae.

"Parang kilala ko siya. Hindi ba ex yan ni Alex Santillan?" sabi ng kausap nito?

"Oh! Tinuhog niya ang magpinsan? Ang cheap ha."

Narinig ni Gian ang sinabi nung babae. Kumunot ang noo niya. Nilapitan niya ang babae.

"Hi Gian!" nagpacute pa yung babae.

"Kung wala kayong sasabihing maganda, huwag na lang kayong magsalita", sabi ni Gian sabay talikod.

Nakita kong namutla yung babae sa pagkapahiya.

"Gian, I'm sorry. Kung ano man ang nasabi--"

Pero hindi na siya pinansin ni Gian. Pinagbuksan na niya ako ng pinto ng kotse at sumakay na din siya.

Ngayon ko lang nakitang ganoon si Gian although hindi ko naman siya palaging nakikita. Pero never kong nabalitaan na may inaway, sinigawan o minura siyang babae. Ngayon lang.

Habang nagdrdive siya, nakakunot pa din ang noo niya. Natatakot tuloy akong magsalita, isa pa wala naman akong maisip na sasabihin.


"Tumawag ka na ba sa inyo?"

Sa wakas, nagsalita din siya. I looked at him. Hindi galit yung mukha niya.

"Huh?" sabi ko.

"Nagpaalam ka na ba na kasama kita at pupunta tayo kay Lolo?" tanong niya.

Pssshh.. Oo nga. Lagot ako. Bakit ba nakalimutan kong magpaalam.

"Ah. Eh hindi pa. Sandali."

Kinuha ko ang cp ko sa bulsa ng palda ko. Pagtingin ko. Shit. Battery empty.

He looked at me and asked, "May problema ba?"

"Nadrain na battery ng cp ko", sagot ko.

Napailing lang siya. Nagpatuloy lang siya sa pagdadrive. Paano na yan? Lagot ako nito sa bahay.

Eh di mamaya na lang ako magpapaliwanag pagkauwi ko.

First time ko magpunta kina Lolo Enrique. Ang laki ng bahay niya. Mansyon eh. Pagkapasok namin sa loob, nakakalula.

"Pakisabi kay Lolo andito na kami", sabi ni Gian sa katulong. Umakyat naman ang katulong at tinawag si Lolo.

Habang bumababa sa hagdan si Lolo ay nakangiti ito ng makita kami sa sala.

"Kamusta mga apo ko?" tanong ni Lolo at hinalikan kami. "Have a seat."

"I'm really happy na pumayag kayong dalawa. I'm sure masayang masaya din ang lolo mo Shane."

Nakangiti lang ako. Tapos lumapit yung katulong may dalang pagkain.

"Magmerienda muna kayo", sabi ni Lolo.

Uminom lang ako ng juice, busog pa naman kasi ako.

"Nakausap ko na ang inaanak kong Mayor. Siya ang magkakasal sa inyong dalawa. Si Mayor Aguirre, kilala niyo naman siya diba?"

"Opo", sabay naming sagot.


"Umaasa ako na magwowork ang relasyon ninyo, Gian, Shane. Alam kong mahirap ang fixed marriage pero sa simula lang naman yun, kapag natutunan ninyo ng mahalin ang isat isa ay madali na. At sa tingin ko naman ay hindi kayo mahihirapan. Basta Gian, wag na wag mong sasaktan at paiiyakin si Shane ha. Sige ka, mumultuhin ka ng bestfriend ko."

Nagbiro pa si Lolo. Matutunang mahalin ang isat isa? Mangyari nga kaya yun? Eh ang suplado naman nitong si Gian.

"Opo Lo. Hindi ko po siya sasaktan", sabi ni Gian tapos tumingin pa siya sakin. Kinikilig ba ako? O dapat nga ba akong kiligin?

Hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung paano siya napapapayag?

"Kung magkakaproblema kayo, ayusin nyo muna, pag-usapan. Lahat naman nadadaan sa usapan, basta wag kayong maghihiwalay. Naniniwala ako na hindi kayo aabot sa puntong yun."

Hiwalayan? Eh diba gusto nga ni Gian ng annulment na kaagad. Hay Lolo, mukhang mali ang mga predictions mo.

"At isa pang dahilan kung bakit gusto ko na kayong ipakasal ay gusto ko ng magkaroon ng apo", dugtong pa ni Lolo.

Huwwaaattt???? Apo? Apo agad? Tiningnan ko si Gian, nagulat din siya.

"Apo?!" sabay ulit naming tanong ni Gian.

"Oo. Apo. O? Anong kagulat-gulat doon? Magiging mag-asawa naman kayo kaya normal lang na bigyan ninyo ako ng mga apo."

Bakit di ko naisip yun? Oo nga naman. Magigingmag-asawa kami kaya... Kaya..

Hindi!!


Ibig sabihin.. Gagawin namin ni Gian yun??

O.O

Nagulat din si Gian. So ayaw niya talaga sa akin? Hmp.

Pagkatapos ng pagpapayo ni Lolo ay umalis na kami ni Gian.

Pagkauwi ko sa bahay, inihanda ko na ang paliwanag ko kung bakit medyo nalateang uwi ko pero naunahan ako ni Papa sa pagsasalita.

"Anong sabi ng Lolo ni Gian?" tanong ni Papa.

Huh? Paano niya nalaman na doon ako galing?

"Nagtxt sa akin si Gian. Sinabi niya na kasama ka niya at papunta nga dawkayo doon."

May number pala siya ni Papa. Anyway, nakakainis si Gian, pinakaba pa niya akokung paano mageexplain eh itinext naman pala niya si Papa. Hmp. Im starting tohate him. Di man lang niya sinabi sa akin. >.<

Nagkwento ako kay Papa. Naalala ko tuloy yung tungkol sa apo, pero syempre diko yun sinama sa pagkekwento ko kay Papa.
Pssshh.. Nakakainis. Apo? Kami ni Gian, gagawa ng baby?? Magugunaw na angmundo. Hindi mangyayari yun! Ayoko! Sorry Lolo, pero sobra na. Pinagbigyan nakita, di ko yata magagawa yun.

On the other hand, hot naman si Gian. Paano kapag inakit niya ako? Tapos..Tapos.. Hindi!! Hindi talaga!! He wont do that!

Marry Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now