Chapter 24 : Gian

133K 2.2K 173
                                    

 Chapter 24 : Gian

Si Allyna. Ano kaya ang kailagan nito? Pinapasok ko siya sa loob. Hindi naman daw siya magtatagal at yayayain lang daw niya si Shane lumabas. Kaya naman tinawag ko si Shane mula sa kwarto niya.

Nang masabi sa kanya ni Allyna kung bakit ito napadalaw ay tumingin sa akin si Shane. Isang makahulugang tingin.

Nagpapaalam ba siya?

"Gian, don't tell me di mo siya papayagan, naku, kukulitin kita. If you want pwede kang sumama sa amin", niyaya pa talaga ako.

"Wag na. Kayo na lang. Three is a crowd. Makakaabala lang ako tsaka may practice pa kami nina P.J. sa Jam House", sagot ko.

"Ganon ba? Sayang naman. Tsaka apat na tayo if ever sasama ka, kaso may lakad ka pala. Sayang talaga. Let's go Shane."

>3<

"Apat?" tanong ko.

"Oo. Apat. Kasama namin si Alex, nasa kotse siya, hindi na nga lang bumaba. Kung alam mo lang kung paano ko yun pinilit. Naku!"

Kasama si Alex??

>>.<<

Bakit kasama yun? Akala ko sila lang dalawa ni Shane ang magba-bonding? Ano siya chaperone?

Teka, hindi pwede to! Magkakasama na naman sina Shane at Alex? No way!

Nang magpaalam si Shane na aakyat sandali kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa, at nagpanggap na may binabasang text message.

"What's wrong?" sa wakas napansin din ni Allyna.

"Si P.J. nagtext, di daw tuloy ang jam namin. Asar naman o!", sabi ko. Kailangan kong maging artista ngayon.

"So pano? Eh di makakasama ka na?"

"Ok", yun lang ang sinagot ko para hindi masyadong obvious na gusto kong sumama.

Nang makalabas na kami, nakita ko si Alex ang driver. Magkatabi kami ni Shane sa backseat. Syempre. Hindi ko naman hahayaang makatabi ni Alex sa unahan ang asawa ko.

**

Sa mall..

"So what shall we do first? Kakain muna ba tayo or manonood muna tayo ng movie?" tanong ni Allyna.

Ako. Kahit ano, basta kasama ko si Shane.

\(^O^)/

"I suggest na uuwi na lang ako", sabi ni Alex.

Mabuti pa nga umuwi na lang siya. Hahaha.

"No. Hindi ka aalis. Walang aalis", sabi ni Allyna.

Walang aalis? Eh hindi talaga ako aalis, andito asawa ko eh.

Teka.

>.<

Pumasok sa isang botique si Allyna. Napansin kong nagkakatabi sina Alex at Shane kaya naman unti unti akong pumagitna sa dalawa.

Magkatabi kami ni Shane sa sinehan, akala ko si Allyna ang tatabi sa kabilang side niya, pero hindi! Si Alex ang tumabi.

>.<

Kaya naman habang nanonood, ibinaling ko ang ulo ni Shane sa balikat ko, akala ko tututol siya pero hindi.

^____^

Ganyan ang ngiti ko habang nanonood. Naaamoy ko ang mabango niyang buhok. Hindi ko alam kung bakit hindi tumututol si Shane, does she like me too??

Marry Me (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora