Chapter 32: Patawad, Paalam

1 0 0
                                    

Umabsent ako ng isang linggo pagkatapos nun. Tatagal pa sana iyon kung hindi ako pinilit – tinakot – ni Irene. Sa tuwing nagtatagpo ang mata namin ng kakambal ko, lagi kong nakikita ang sakit at lungkot na dapat ako ang may suot nun. Nararamdaman niya ba ang nararamdaman ko? I felt guilty for letting her worry about me so I went back to school.

Tuluyan nang nagbago ang paligid ko. Hindi na kami nag-uusap ni Jasper pagkatapos ko siyang sugurin sa bahay nila. Kinausap ako ni Gwen noong nalaman niya ang ginawa ko at sinabing huwag nang idamay si Jasper dahil siya naman ang may pakana nito. Ayaw niyang masira kami ni Jasper, pero sana naisip niya ring maaari kaming magkasakitan noong pinaplano niyang gamitin ako.

Marupok na kung marupok pero hindi ko kayang magalit kay Gwen kahit ganoon ang ginawa niya. Aaminin kong hindi ko pa kayang makipagkaibigan ulit sa kanya pagkatapos ng nangyari. Wala na akong nararamdaman sa kanya and she looked like a normal person in my eyes – walang mahiwagang aura na nakapalibot sa paligid sa tuwing makikita ko siya.

I was alone, and I'm fine with it. Ayoko munang makipag-usap sa kung sino, kahit pa taga Rendezvouz ito. Nakahalata naman sila kaya binigyan muna nila ako ng space. Kuya Vanguard became my substitute kaya kinuha ulit nila si Kuya Ivaun as guitarist habang naka-break ako. Ang sarap pala sa pakiramdam na umuwi nang maaga at matulog na lang buong maghapon.

Pero panandaliang saya lang ang ibinigay nun sa akin. My fingers were itching to pluck some strings and my ears wanted to hear some raw music; sa huli, bumalik din ako sa Rendezvouz. Wala silang sinabi o tanong man lang, na ikinatuwa ko.

"Ito lang ang gusto kong sasabihin sa inyo," panimula ni Ate Aira. Binigay namin ang atensyon namin sa kanya. Opening act nanaman kasi kami ngayon para sa Paskuhan ng Gensan. Hindi na kami kinakabahan gaya ng dati pero sa kailaliman ng isip namin, kinakabahan pa rin kami. "Walang mahuhulog sa stage ah,"

Lahat kami ay napatingin kay Roll at Kuya Vanguard saka tumawa. Accident prone kasi ang dalawa kapag nasa stage na, para bang ayaw ng stage na i-accommodate sila.

"Then don't fight somebody as well." balik ni Kuya Vanguard, dahilan para tumawa ulit kami. May isang beses kasi iyon na may narinig siyang nagsasabi na pangit daw ang rendition namin, kaya sinugod niya at binigyan sila ng 30-minute lecture tungkol sa musika namin.

"Hindi ko kasalanang hindi sila biniyayaan ng Diyos ng magandang pandinig," sabi niya at umirap. Niyakap naman siya ni Kuya Ringgo at hinalikan ang gilid ng noo nito. Sanaol.

"Paalala lang na waiting room 'to." pagpaparinig ni Kuya Charilie at kunwaring tinotono ang gitara. Binato naman siya ni Ate Aira ng bottle cap, dahilan para umalma si Roll dahil sa kanya pala iyon. Ang gulo at ang ingay namin sa loob kaya hindi nila namalayang may pumasok sa tent. Napalingon kaagad ako at dismayadong tinignan ang kakambal ko; kasama niya ang girlfriend ni Kuya Charlie, which was not a surprise since they've known each other because of their org.

"Why are you here?" tanong ni Roll nang makita ang kakambal ko. Iyon din sana ang gusto kong itanong sa kakambal ko dahil hindi ko siya binigyan ng backstage pass.

"Hindi ako pumunta dito for you no," Irene rolled her eyes, dahilan para bumuntong-hininga ako.

"Sino bang nagsabi na you're here for me?" ismid ni Roll at inirapan din ang kapatid ko. "I was just asking kung bakit ka nandito. Don't tell me crush mo pa rin ako?"

Matagal siyang tinitigan ni Irene – nakaawang ang bibig sa gulat, at parang nandidiri sa sinabi ni Roll. Mahina akong tumawa habang pinapanood silang dalawa – kahit masakit sa tenga ang ka-conyohan nila. Bagay talaga silang dalawa maging comedic duo.

"Excuse me, I don't like you na kaya. Move on din when you have the time," sabi ni Irene bago lumingon sa akin. Lumipat na ng upuan si Roll para makalayo sa kakambal ko. "Good luck, Jarr!"

Niyakap niya ako bago umalis kasama ang girlfriend ni Kuya Charlie. Anong nakain nun at biglang bumait?

The lights were blinding and the screams were deafening when we entered the stage. Nagsalita naman si Roll habang inaayos namin ang instruments. Inabot ko ang batok ko nang maramdaman kong may sticky note na nakadikit sa kwelyo ko. Ano nanamang pakulo ng kakambal ko.

No matter what, I'll always be your fan – I

Inangat ko ang tingin ko at hinanap siya sa dagat ng mga tao. They all look the same from up here, but I saw her at the side with her camera, ready to capture the moment. Hindi niya inangat ang tingin niya mula sa DSLR niya at basta-basta na lang umalis.

Ngumiti ako. Kahit sa sandaling iyon, masaya na akong nakita siya sa malayo. Hindi ko na siya hinanap pang muli at hinayaang ang Tadhana na mismo ang magtatagpo sa aming dalawa.

"Saan tayo kakain?" tanong ko habang tinitignan ang mga stall na nadadaanan namin. Kanina pa natapos ang performance namin at naghahanap na lang kami kung saan kami kakain.

"Pizza na lang tayo." Buntong-hininga ni Kuya Ringgo dahil kanina pa kami nag-iikot sa plaza para lang sa pagkain.

"Puro naman pepperoni ang sineserve nila,"

"Para kang tanga Kayums,"

"Jollibee na lang tayo," Eury, Kuya Charlie's girlfriend, suggested.

"Ayaw ko nang magmanok!" reklamo ni Ate Aira.

"Edi mag-burger steak ka – uy, hi Kris!"

Huminto kami sa paglalakad nang banggitin ni Kuya Charlie ang pangalan niya. Huminto rin siya sa paglalakad at napatingin sa akin. Pareho kaming hindi makagalaw sa kintatayuan namin at pawang nakatitig lang sa isa't-isa. Hindi ko namalayang umalis na pala ang mga kasama ko at iniwan kaming dalawa.

"Kumusta?" I breathed.

"Ikaw ang kumusta?" tanong niya pabalik. "Sinabi ni Jasper sa akin ang nangyari. You punch good." pareho kaming natawa sa huli niyang sinabi.

"I'm sorry," sabi ko at tinignan siya sa mga mata niya. Her striking eyes softened as she smiled.

Umaasa ako. Umaasa akong babalik kami sa dati naming turingan, pero malabo pa iyon sa ngayon. We're too broken to go back to how we used to be. Marami nang nangyari sa amin at sariwa pa ito sa mga isipan namin na mahirap itong kalimutan sa ngayon.

Pero sana, sa tamang panahon, magawa naming bumalik sa dati. Yung tipong kaya naming ngumiti at tumawa nang ganito nang hindi iniisip ang mga alaala ng nakaraan; at kung sakaling maalala namin ito, wala na ang sakit na kalakip nito.

We bid farewell and went on our separate ways, knowing that we'll see each other again.




•°•○•°•○•°•○•°•○•°•○
A/N:

I know, matagal-tagal din bago ako nakapag-update. Actually last year pa to nasa drafts ko, but I did not have the courage to post this kasi hindi pa ako tapos sa pagsusulat ng next installment ng series na ito – hanggang ngayon, hindi pa ako naka-usad sa third book dahil maraming responsibilities, at hindi ko rin kabisado ang instrument na tinutugtog niya.

Anyway, I'm posting this chapter na para matapos na ang kwentong ito – and perhaps urge me to start writing the third installment and finish it before this year ends.

Sincerely L♡ving,
Zeen

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Where stories live. Discover now