Chapter 5: Isabelle

3 1 0
                                    

Ibinaba ko ang gitara ko bago humilata sa sahig, at tinitigan ang kisame ng classroom. Last practice na namin ito para sa acquaintance day na gaganapin mamayang hapon, at dahil gamay na namin ang kantang nasa setlist, konting polish na lang ang kinailangan namin.

Malungkot akong napangiti nang maalala ko si Gwen. Acquaintance day din yun, and I was so sure about her. Ang mga nigiting binibigay niya sa akin kapag nagtatagpo ang mga mata namin. The way she avoids my eyes while blushing kapag tumititig ako sa kanya habang kinakanta ang mga linya na nagpapaalala sa akin sa kanya. Ni isang beses hindi ko talaga naramdaman ang pag-alinlangan sa kanya. I was so sure of her, but she never was.

Sumulyap ako kay Kuya Ringgo nang ibaba niya ang bass bago umupo sa tabi ko. Itinukod niya ang kamay niya sa likod at nakipagtitigan din sa kisame. He sighed out of nowhere kaya napatingin ulit ako sa kanya. Kuya Ringgo is always optimistic kaya parang ligaw na tono sa pandinig ko ang pinakawalan niyang buntong-hininga.

May halong lungkot sa mga mata niya nung tumitig siya sa iba naming kasama. Halos lahat ng members sa banda ay nasa 3rd Year or 4th Year – ako lang ata ang 2nd Year na naligaw dito. Masaya silang nag-uusap sa gilid at nagtatawanan.

Simula noong umalis si Kuya Vanguard sa banda last week, para kaming namatayan. The band wasn't as lively as before. Kahit sina Kuya Charlie at Ate Aira na parang bomba kapag magkasama, masyado nang tahimik. Kapag pumupunta ako sa practice room, parang may daruma san sa loob na kapag mag-iingay ka mamamatay ka.

Even Kuya Radleigh couldn't open the slot for a new lead guitarist. Sa lahat daw ng henerasyon ng Feldenmore University Band, kami raw ang may matatag na koneksyon sa isa't-isa. Dapat masaya kami sa sinabi niya pero hindi namin magawa. Siguro kung nasa ibang sitwasyon lang kami baka nagawa pa naming ipagyabang yun.

Pero wala eh. Umalis si Kuya Vanguard, at naintindihan namin kung bakit kinailangan niyang gawin iyon. Kahit anong pilit namin sa kanyang bumalik, kung ayaw niya, hindi talaga siya babalik. At kung sakali mang mapilit namin siya, mas masasaktan lang kami habang pinapanood siyang nahihirapang tumugtog. Mas mabuti na siguro ito para gumaling siya sa mga sugat na natamo niya doon sa aksidente.

Kuya Vanguard's passion towards music is overflowing kaya hanga ako sa kanya. At alam kong hindi magtatagal ay babalik din siya sa amin dahil sa tawag ng musika.

•°•🎶•°•

Naging tradition na ng department namin ang Student Buddy System. Lahat ng second year student ay may nakaatas na first year sa kanila para gabayan ang mga ito. It's sort of returning kindness since tinulungan din kami ng seniors namin last year.

Tinignan ko ang hawak kong papel at kinabisado ang picture na nakadikit dito at bumaba na sa first floor. Baka kasi mamaya ma-wow mali ako at ibang student ang ma-tour ko.

"Siya ba ang student buddy mo?" Tanong ni Jasper saka tinuro ang picture ng first year.

"Oo, yung sayo?"

"Wala akong student buddy," proud niyang sabi. "Konti lang kasi ang freshmen sa Civil ngayon,"

Buti pa siya palakad-lakad lang, habang kami dito kailangan pang maglaan ng oras para sa mga freshmen. Bakit ba kasi maraming Mech ngayon?

"Si Gwen ba?"

Ngumisi siya at tumango. "May student buddy yun..." he trailed off.

Hindi ako umimik. Nakatitig lang ako sa papel na hawak ko. One year na, pero siya pa rin. May tatalo pa ba sa'kin sa pagiging martyr? Sinubukan ko namang mag move on pero sa tuwing nakikita ko siya ay bumabalik lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon