Chapter 9: Photograph

5 1 0
                                    

Kapos ang hininga at tagaktak ang pawis namin sa ilalim ng sikat ng araw nang makarating kami sa building ng mga taga Educ. Sabay kaming ngumisi sa isa't-isa at sumandal sa isa sa mga poste ng building habang pinapakalma ang mga puso naming malakas pa rin ang kabog dahil sa pagtatakbo namin kanina.

Tumingala ako sa langit at nahagip ng mga mata ko ang linya ng photo booth. Medyo mataas na ito at sumasangko sa railings ng ramp ng building. Umayos ako nang tayo at hinila silang dalawa papunta doon; may gana pa talaga silang magpabigat kaya nahirapan akong dalhin sila papunta doon.

We were greeted by one of the students when we reached the room for the photo booth. Sumilip ako sa loob at iginala ang mga mata ko. Akala ko may photographer na kukuha ng picture pero may machine talaga sila para doon — yung kagaya sa mga photo booth na nakikita sa arcade. Ang yaman naman ng department na 'to!

"Jarr, halika na," tawag ni Jasper na nasa loob na kasama si Roll, hindi man lang ako hinintay..

Tumakbo ako at nakisiksik sa loob ng photo booth na ikina-irita ni Roll. I faced him and stuck my tongue out before smiling for the camera. Tatlong pose lang ang ginawa namin, formal, wacky, at candid — ang sabi ko kunwari tumatawa kami pero hindi ko na lang sasabihin kung ano ang mukha ni Roll sa candid shot — dahil marami pa ang nakapila sa labas at ayoko ring gastuhin lahat ng pera na inilaan ko para sa linggong ito.

Isa-isa kami ng kopya ng picture kaya kaming dalawa ni Jasper ay tawa nang tawa dahil sa mukha ni Roll habang siya ay nakasimangot na sa amin, dahilan para mas mapalakas pa ang tawa naming dalawa.

"Grabe, Roll, happy pill ka talaga namin," sabi ni Jasper habang sinusubukang pigilan ang kanyang tawa.

"Katawa-tawa ka raw kasi," gatong ko kaya mas lalong kumunot ang noo ni Roll at nag-walk out. Tinawag namin siya pero hindi siya lumingon at dire-diretso lang ang lakad. Hinayaan na lang namin siya at baka tuluyan nang mabwisit sa amin yun kung susunod kami sa kanya.

Naghiwalay na rin kami ni Jasper ng daan, siya papunta kay Gwen at ako naman pupuntang music room. They've been close friends before I started courting Gwen kaya hindi na ako magtataka kung magkasama sila. Minsan, naiinggit ako dahil sa closeness nila. Jasper knows her better than I, at malaya niyang nakakausap si Gwen; tinuturing siya nito bilang kaibigan habang ako parang virus na iniiwasan kapag nakikita ako.

Once you take the risk to cross the line, wala na talagan balikan; at kung babalik man, it will always be back to strangers. It's a rarity if those people end up being friends again after. Kapag ako pinansin ni Gwen, ililibre ko talaga ang Rendezvouz at mga kaibigan ko.

"Sorry -" naputol ang sasabihin niya nang tumingala siya at nakita ako. "Uy Par, ikaw pala yan!"

Natatabunan ang mukha niya ng itim na baseball cap pero nakikita ko pa rin ang nakakasilaw niyang ngiti. Suot niya ang orange at black naming college shirt at nakasabit dito ang hawak-hawak niyang DSLR camera.

"Photographer ka na pala," puna ko bago umupo sa bilog at sementadong upuan malapit sa gym, at pinanood ang mga taong palakad-lakad sa paligid habang nakikinig sa mga taong tumutugtog ngayon sa booth namin.

Kirsten sat beside me and positioned herself to snap a picture of the crowds. Ang astig niyang tignan habang ginagawa iyon kaya hindi ko maalis ang tingin sa kanya hanggang sa natapos siya. Napangiti siya habang tinitignan ang litratong kinuha niya bago lumingon sa akin at inilahad ang camera niya.

"Gusto mong tignan ang mga nakuha kong pictures kanina?" Tanong niya. Tumango ako at dahan-dahang kinuha ang DSLR sa mga kamay niya. She scooted near me, catching a whiff of her shampoo, at paulit-ulit na pinindot ang button hanggang sa makarating kami sa first picture.

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Where stories live. Discover now