Chapter 22: Surprise?

4 1 0
                                    

Me:

Miss Senior High...

Miss Senior High:

Po?

I shivered dahil sa lamig ng reply niya, matagal din nga siyang nakareply eh. Baka busy ang batang 'to sa mga projects.

Me:

Busy ka ba?

Miss Senior High:

Oo

Me:

Okay ka lang?

Hindi ko na maiwasang magtanong. Dati kasi kahit busy siya hindi matipid ang reply niya.

Miss Senior High:

Hindi

Wag mo na akong kausapin

I was caught off guard by her reply. Nakatitig lang ako sa message namin at pinipilit isipin kung may nagawa ba akong mali. Nag-back read pa ako dahil baka may nasabi akong insensitive na joke sa kanya, wala naman. Sa huli, hinayaan ko na lang siya dahil baka may pinagdadaanan talaga siya.

"Jarren!" lumingon ako at nginitian si Gwen na kakalabas lang mula sa Number's Building. Umalis ako sa pagkakasandal sa sasakyan at binulsa ang phone ko bago lumapit sa kanya. I hugged her and guided her towards the car and opened the door for her.

"May gusto ka bang puntahan?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at sumandal sa sandalan bago pinikit ang mga mata niya. "Home it is,"

The ride was quiet dahil nakatulog na si Gwen habang nagmamaneho ako, the radio was also turned off dahil hindi siya makakatulog kapag may maingay. Masyadong mabagal ang pag-usad ng mga sasakyan kaya nagising siya dahil akala niya nasa bahay niya na kami.

"Are we there?" takang tanong niya habang nakasilip sa bintana. Mariin siyang pumikit nang biglang nag-high beam ang katabi naming sasakyan.

"Wala pa, matulog ka na lang ulit. Alam kong pagod ka," sabi ko. "Gigisingin na lang kita mamaya,"

Tumango siya at bumalik sa pagkakatulog. I stared at her delicate features before returning my gaze on the road when the lights turned green. For some unknown reason, I feel like there's something missing. Siguro hindi lang ako sanay na tahimik ang biyahe ko. Kapag kasi si Kirsten ang kasabay ko marami kaming napagkukwentuhan kahit wala ng sense. Gwen, on the other hand... nangangapa pa ako kung paano siya kausapin.

Dahan-dahan kong hininto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila at pinagbuksan siya ng pintuan. Matipid siyang ngumiti sa akin at inaya ako kung gusto kong pumasok muna sa bahay nila. Hindi ako maka hindi sa kanya kaya sumunod ako papasok ng bahay nila.

"Mom," buntong-hininga ni Gwen habang dire-diretsong naglakad sa sala, "Jarren's here,"

Narinig ko ang yabag ng mga paa mula sa second floor. Ngumiti si Tita Gale nang makita niya kaming dalawa ni Gwen habang bumababa siya. Niyakap niya ako na para bang hindi kami nagkita sa debut ni Joy last month. Tahimik na umakyat si Gwen papunta sa taas kaya nilingon siya ng mommy niya at tinawag.

"Gwen, why don't you keep Jarren company while I prepare some snacks for you." matamis ang ngiti niya habang kinakausap ang anak niya. Tatanggi na sana ako dahil alam kong pagod na si Gwen, pero hindi ako makasalita. Para namang natauhan si Gwen kaya bumaba ulit siya at sinabayan ako papunta sa sala nila.

Inilibot ko ang paningin ko at pinagmasdan ang mga bagay na nakalagay sa loob ng sala nila habang hinihintay ang mommy niya. Masyadong tahimik sa bahay nila kaya rinig na rinig mula dito ang tunog ng mga kubyertos mula sa kusina. Tahimik din naman sa bahay namin, pero hindi ganito kalungkot sa pakiramdam – ako lang naman ang malungkot.

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Where stories live. Discover now