Chapter 1: Unknown Number

9 1 0
                                    

A Year Later...

Kung tao lang ang cellphone ko, matagal na itong natunaw sa mga titig ko. I always have that effect; yung tipong susulyapan ko lang sila, at maya-maya'y maririnig ko na ang mga tili nila. Buti na lang talaga at kaunti lang ang babae sa block namin; hindi ko alam kung makakapag-focus pa ako kung lagi silang nakatitig sa'kin.

Napabuntong-hininga ako at kinuha ang phone ko sa mesa saka mariin itong tinitigan, nagbabasakaling baka bigla itong umilaw. I sighed again saka binuksan ang phone ko at nagpunta sa messages at paulit-ulit itong nirefresh. Kahit seen mo lang, okay na ako.

"Ang aga-aga, ang tamlay-tamlay ng hitsura mo," Jasper commented habang binubulsa ang susi ng kotse niya.

"Oh, andyan ka na pala," masigla kong bati saka tinitigan ulit ang cellphone kong biglang umilaw. Dali-dali ko 'tong kinuha at tinignan kung kanino galing ang text. Talk 'n Text lang pala. I let out a disappointed sigh bago ito nilapag sa mesa.

"Birthday niya ngayon," he reminded but I already knew. Hinding-hindi ko makakalimutan ang birthday niya. "Gusto mo ikaw ang plus one ko sa party niya mamaya?"

I sighed and shook my head. She's been avoiding me ever since she rejected me. Clearly, she doesn't want to see me; and as much as I want to see her, I won't, dahil ayokong masira ang birthday niya dahil sa'kin.

I sighed in defeat bago tumayo at ibinulsa ang cellphone ko.

"Nah, I don't want to ruin her mood," sabi ko. "Masasaktan lang ako,"

Umalis na ako sa Thinker's Haven at pumasok sa building namin. Hanggang ngayon masakit pa rin, at hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa dahilan kung bakit ni-reject niya ako. Halos dalawang taon ko siyang niligawan tapos biglang 'I can't be your girlfriend,' ang ibabalik sa'kin.

I did not regret courting and loving her, at hindi rin ako galit sa desisyon niya dahil alam kong maiintindihan ko ang rason niya. If only she would tell me.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko siya sa hallway. Walang ekspresyon siyang nakatitig sa harap habang pinapakinggan ang lalaking katabi niya. I smirked upon the situation. Hindi na yan nakikinig.

Lumingon siya sa gawi ko, at narinig ko ang pagsinghap niya bago tumalikod at mabilis na naglakad palayo sa'kin. Hinabol naman siya ng kasama niya, habang ako ay naiwan sa hallway. May ginawa ba akong masama para iwasan mo ako nang ganito?

•°•🎶•°•

"Ang project ninyo, huwag niyong kalimutang ipasa," our professor reminded bago umalis ng room. Nagsitayuan na rin ang mga blockmates ko at nag-uunahang lumabas sa classroom. Nakipagsiksikan na rin ako sa mga nagkumpulang estudyante para makalabas. Mamaya niyan hindi ko na maabutan si Jasper sa labas.

Lumiwanag naman ang mukha ko nang makita siyang papunta sa kotse niya.

"Uuwi ka na?" Tanong ko nang makahabol ako sa kanya. "Sabay na ako,"

"Sure, pero hihintayin ko pang matapos ang klase ni Joy," sagot niya. Tumango naman ako saka umupo sa backseat.

Bahala nang maghintay ng ilang oras basta libre ang pamasahe. Nakaya ko ngang maghintay ng halos dalawang taon para sa sagot niya, ito pa kayang ilang oras lang para sa libreng sakay.

Pinaandar na ni Jasper ang sasakyan saka nag-drive papuntang East Building kung saan ang building ng mga Senior High. Marami na ang nagkalat na mga estudyante kaya bumusina pa si Jasper para makadaan ang sasakyan. Huminto siya sa tapat ng isang room bago pinatay ang makina ng sasakyan.

Lumabas kami ni Jasper para magpahangin at panoorin ang mga estudyanteng naglalaro ng volleyball sa gilid ng building.

Parang kailan lang, dito rin kami nagkaklase tapos ngayon, pinapanood ko na lang ang ibang estudyante na naglalaro – chill lang sa buhay nila. Para bang walang stress na kumakalabit sa balikat nila.

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Where stories live. Discover now