Chapter 15: Her

3 1 0
                                    

Nasa kabilang kalye lang ng Feldenmore High School ang café at madalas dito humihinto ang jeep kapag pauwi na kami. As usual, maraming taong tumatambay sa loob ng café kaya nahirapan akong hanapin si Kirsten.

Nakaupo siya malapit sa floor-to-ceiling na salamin, wearing a thin cardigan over her black t-shirt and jogging pants while staring outside the window. Hinila ko ang upuang nasa tapat niya dahilan para lumingon siya sa gawi ko. Our eyes met, and I stared long at her eyes I always tend to fear.

Sa paraan ng pagtitig niya, parang wala siyang pakialam kung anong iniisip ko ngayon habang inoobserbahan ko siya, para bang pagod siyang makipagsapalaran sa mundong ito. She's too empty to care.

She gently slid the cup of coffee she ordered towards me and watched me drink it. Hindi na nakakapaso ang init pero mainit pa rin siya. Tama lang pala ang dating ko.

Tahimik naming pinagmasdan ang mga tao sa loob at labas ng café. Paubos na ang kape ko pero hindi pa rin siya nagsasalita. Ayaw ko rin namang magtanong dahil baka magbago ang isip niyang ikwento sa akin ang kung ano mang bumabagabag sa kanya.

"She loves to sit near the window," she blurted out as she stared at the starless night. Bilog at maliwanag ang buwan ngayon, pero paminsan-minsan itong natatakpan ng mga ulap na dumadaan sa harap nito. "Lagi niyang sinasabi na maganda ang kalangitan kapag gabi na, at mahilig siya sa buwan. But she only had few experiences staring at the night sky for too long and appreciate its beauty. Lagi kasi siyang nagkukulong sa kwarto niya, she's too busy going on adventures with her paperbacks, and too lazy to go out." tumawa siya at pinaglaruan ang straw ng frappe niya. "Alam mo, hindi ko yun maaya nang basta-basta. Dapat ipapaalam ko muna sa kanya one week before the date na gagala kami or else hindi siya makakasama.

"She needs her family's consent before she could get out of her house, at kahit paulit-ulit niya na yung ginagawa, she's too hesitant everytime she asks permission. You remind me of her. Doon sa part na takot kayong magpaalam o mag-offer ng tulong kasi baka i-reject kayo,"

Kagaya noong nasa National Bookstore kami, parang hindi ako ang kausap niya sa paraan ng pagtitig niya. Kakaiba sa pakiramdam. Kung tumitig siya parang matagal na kaming close sa isa't-isa. It's filled with longing, affection, fondness and other expressions you cannot name but feel. Her eyes were like kaleidoscopes during that time, shimmering from the chandelier's warm light.

"That girl is so predictable yet so unpredictable. She's a walking contronym," mahina siyang tumawa at bumuntong-hininga habang sumasandal sa upuan niya. "Mahilig siya sa mga words na hindi usually ginagamit, at maririnig mo lang sa mga matatalinong tao. Pero hanggang doon lang din, babasahin niya once or twice, maybe thrice ang salitang yun tapos move on ulit siya hanggang sa makalimutan niya.

"She's a geek, she loves taking those personality tests made by Bright Side or other YouTube channels, pero kapag makikita mo siya, she looks like another normal person who loves to scroll up and down on social media. She's a musician too and siguro dahil sa love niya for music naging fan siya ng banda niyo. Same goes with me,"

Kinukwento niya sa akin ang isang mahalagang bagay sa buhay niya pero ni isang luha ay hindi ko nakitang tumulo sa mukha niya. Sa ilong niya lang ata laging dumadaan ang panyo niya dahil sa sipon niya.

"Pero alam mo, once she becomes a fan of something... she gets overly supportive – and obsessive siguro? Alam mo ba na lagi yan siyang present sa tuwing may competition, gig, o concert kayo? Gaya ng class record niya sa mga teachers namin, wala siyang absent sa mga events niyo, she was always there, cheering. At alam mo bang sa araw ng competition niyo, she met an accident?"

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. "I'm sorry," was the only word I could say that time.

Umiling siya at ngumiti bago tumitig ulit sa kalangitan. Nawala na ang buwan pero nakikita ko pa rin ang liwanag nito sa gilid ng mga ulap na tumatakip dito.

"Bakit ka nag-sosorry? Hindi mo naman kasalanang naaksidente siya? Tanga rin kasi ang babaeng yun eh. She was so impatient and excited to go and support her favorite band, she forgot to check on her brakes bago umalis," sabi niya. Tintigan niya ang baso niya at pinaglaruan ito bago muling nagsalita, "the person we visited sa sementeryo... that was her,"

Naalala ko kung paano siya umiyak sa puntod ng kaibigan niya, kung paanong nawala lahat ng katapangan niya at bigla na lang siyang bumagsak sa damuhan at walang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. Kahit pala matagal nang wala ang isang tao sayo, iiyakan at iiyakan mo pa rin kahit nakausad na ang lahat.

The thing with losing people metaphorically is that you can easily move on when you lose them while they're still alive, you can get your life back and treat the people you once cared for as if they're only winds passing by. But in the literal sense, when they part from this world, it felt like all your world were also buried six feet under the ground and you grieve forever.

Ang unfair lang sa part na payapa silang namayapa, pero ang mga taong iniwan nila ay nagluluksa pa rin hanggang sa makatulog ito sa pagod. Pero hindi rin naman natin sila masisisi, dahil hindi rin nila ginustong iwan ang pamilya nila nang walang maayos na pamamaalam.

Pinagmasdan ko ang likod niya habang naglalakad kami sa madilim na daan. Tanging mga ilaw mula sa mga bahay ang nagsilbing liwanag para sa mga taong dumadaan dito.

Huminto kami sa isang malaking bahay at bigla na lang umilaw ang lamp post na nakatukod sa harap ng bahay nila. Humarap siya sa akin at matipid na ngumit sa akin.

"Salamat..." she trailed off, "...for listening." huminga ulit siya nang malalim habang tumitingala sa langit. "You're the first person who heard this part of my story, kahit sa pamilya ko hindi ko ito kinwento. It's refreshing, and magaan sa pakiramdam na nakwento ko siya sa iyo,"

Ako naman ang napangiti sa sinabi niya. "Should I be flattered na ba?"

Tumawa siya at mas lalo akong napangiti. Mas bagay sa kanya kapag ngumingiti at tumatawa siya — lumiliwanag ang paligid.

"You sound like Roll," komento niya kaya napatawa na rin ako. Tinapik ko ang balikat niya at matipid na ngumiti.

"Basta kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako,"

Nagtagpo ulit ang mga mata namin. Tinitigan niya ako na para bang may hinahanap siyang sagot mula sa mga mata ko. May binulong siya sa sarili niya habang nakakunot at nakayuko ang noo niya, pero hindi ko na ito narinig. Muling umangat ang ulo niya at isang ngiti ang gumuhit ulit sa mga labi niya.

"Yakapin kita ah,"

Hindi na ako nakapagreact dahil bigla na lang pumulupot sa bewang ko ang mga braso niya. Mahigpit ang pagkakayakap niya na para bang isa akong teddy bear, pero hindi na ako nagreklamo dahil alam kong kailangan niya lang talaga ito.

Kumalas na rin siya pagkatapos ng ilang segundo at humakbang nang tatlong beses palayo sa akin.

"Salamat, ingat ka pauwi." paalam niya bago pumasok sa bahay niya. Kumaway muna siya at hinatid ako ng tingin habang naglakad paalis.

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Where stories live. Discover now