Chapter 24: Musika

4 1 0
                                    

Music. Sabi nila malalaman mo kung ano ang iniisip ng isang tao sa pamamagitan ng musika, kung ano ang mga katagang gusto nilang ilabas na hindi nila kayang sabihin nang harap-harapan. Masaya man tayo o hindi, hindi natin maiiwasang kunin ang cellphone, mp3 player, o radyo para makinig ng mga kantang nababagay sa nararamdaman natin. Music has its way of reaching our hearts and helping us understand its message, hence why people quote it as the purest form of communication.

"This is from an unknown sender." panimula ng isang member ng Tribune habang binabasa ang nakasulat sa yellow na sticky note. "Hello po, pa-shout out po ako kay Khylee Taranza. Crush na crush kita simula nung nakita kita doon sa orientation day. Akala ko picture lang ang kinukuha mo, pati rin pala puso ko. Pa-request po ng Enchanted ni Taylor Swift,"

Nagsimula nang tumugtog ang kantang ni-request nung sender mula doon sa booth ng Tribune at Music Club. May ibang mga estudyanteng nagtitilian at tinutukso ang mga kaibigan nila sa pag-aakalang sila ang sender ng anonymous message, habang ang iba naman ay patuloy lang sa ginagawa nila at nag-uunahan sa pila sa mga nagtitinda ng mga pagkain.

Sumandal ako sa poste ng tent ng Okil Pintados habang hinihintay na matapos si Gwen sa face painting niya. Nauna akong natapos dahil yung pinakasimple lang ang pinili ko, at si Ate Aira ang nagpinta – para ngang hindi niya inayos ang pagpinta dahil bilang sa mga daliri ko ang strokes na ginawa niya. Gwen glanced at me with her slightly opened eyes and smiled at me. Ngumiti rin ako at binigyan siya ng thumbs up, pahiwatig na maganda ang pagkakapinta nung sakanya, pero parang hindi niya ata naintindihan.

Inalis ko ang tingin sa kanya at nagsimulang maglakad-lakad sa photobooth nila; may iba't-iba designs sila para sa background, at may ilang props din na nakadisplay sa isang mesa para sa mga gustong gumamit nito. Kinuha ko ang isang star-shaped na magic wand at palihim na winagayway ito bago binalik sa lalagyan.

Maganda siguro kung kasama ko si Kirsten, may taga-kuha ako ng picture at madadagdagan sana ng mga magagandang pictures ang DSLR niya. Kahit siguro harap-harapan kong pansinin yun, ngingitian niya lang ako at lalampasan na parang classmate niya sa elementary na nakita niya sa mall. Unfair lang na pinapansin niya pa rin sina Jasper at Roll, pero ako parang kakilala niya na matagal niya nang hindi nakikita. Para siyang si Gwen noong hindi pa kami.

Sumulyap ako sa pwesto ni Gwen at nakitang tapos na siya at tinitignan ang mukha sa maliit at bilog na salamin. Nagtagpo ang mga mata namin kaya matipid siyang ngumiti at binalik ang salamin sa babae bago dahan-dahang naglakad papunta sa akin. I blinked several times to see Gwen clearly, for a second, nakikita ko si Kirsten sa kanya. Dahil ba iniisip ko siya kanina?

"How do I look?" tanong niya habang iginilid nang bahagya ang ulo niya para makita ko nang maayos ang face paint sa gilid ng mata niya. Ngumiti ako at nag-thumbs ulit.

"Maganda," sabi ko at umakbay sa kanya. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at iginiya ako doon sa photobooth. Kumalas siya mula sa pagkakaakbay ko at kinausap ang photographer.

"Which one's nice?" pinakita niya sa akin ang iba't-ibang designs para sa background. Lahat naman sila maganda kaya sabi ko siya na ang pumili. Kumunot ang noo niya at tinaasan ako ng kilay. "Mamili ka,"

Alam kong may pagkamaldita si Gwen, pero hindi ko inaasahan na makikita ko ito ngayon. It scared me a bit, but Kirsten's way terrifying – mata palang talo na. Umiling ako at huminga nang malalim para maalis siya sa isip ko bago tinuro ang design na una kong nakita.

Nginitian niya ako bago bumalik doon sa photographer tapos sa akin. She tiptoed to reach and placed the red mickey mouse headband on my head, causing me to crouch so she won't struggle putting it on. Kinuha niya ang isa pang mickey mouse headband at sinuot iyon bago humarap sa camera.

Nag-peace sign kami sa unang shot, candid sa pangalawa, at formal sa pangatlo. Pumunta siya sa harapan ko at nilagay ang dalawang kamay niya sa baba niya; nilingon niya ako at sinenyasang gayahin siya kaya ginaya ko rin siya. Ipinatong ko ang mga siko ko sa balikat niya at nilagay ang dalawang kamay sa baba ko at ngumiti para sa pang-apat na shot.

Nakuha namin kaagad ang pictures kaya pareho namin itong tinignan habang naglalakad papunta sa booth ng Tribune at Music Club. Ang cute namin doon sa panghuling shot pati na rin sa pangalawa – ang saya namin, pero parang may nararamdaman akong hindi ko maintindihan. Sabagay magulo na ang isip ko kaya normal lang siguro ito.

"Tayo na ba?" tanong ko at sumulyap sa bandang tumutugtog ng panibagong kanta.

"Walang tayo, pre. Hindi tayo talo." hirit ni Kuya Charlie at tinapik ang balikat ko habang umiiling dahilan para matawa ang mga taong nasa loob ng booth. Pinalis ko ang kamay niya at natatawa ring umiling bago umupo sa isang monobloc chair.

"Huling kanta na ba nila yan?"

"May bukas pa, paaalisin mo na ba sila, Jarren?"

"Ewan ko sayo Kuya Charlie," sabi ko na lang at sumandal sa upuan habang pinapanood ang bandang tumutugtog. "Lakas ng trip mo ngayon ah,"

"Don't mind him, he's just happy," makahulugang sabi ni Kuya Vanguard. Pumalag naman si Kuya Charlie at nagsimula na silang mag-asaran sa gilid; ilang beses nga silang nasita dahil sa ingay nila – naririnig pa naman ito sa labas.

"Oh, tayo na,"

Natapos na ang kanta, at isa-isa na ring umalis mula sa makeshift stage ang mga tumugtog kanina. Nagtapikan pa kami ng balikat bago naglakad para palitan sila.

"Walang tayo, Kuya Charlie, hindi tayo talo,"

"This is from sender You'll Know Me Once You Hear This Message – ang haba naman ng pangalan," sabi ng announcer kaya napatawa rin ang mga estudyanteng nakikinig sa labas ng booth. "Before I write my message, I want to hide the recipient's name through Jade, and I would like to request a song entitled 'Ikaw' by Autotelic – taray ni sender, English lahat. Eto na.

"Jade, the past few years that I've spent my life with you, it was blissful. I finally had the chance to be happy and see the light at the end of the tunnel because of you. You were my sunshine amidst the cloudy days, and you bring out the goodness in me. Sadly, we have to part ways for reasons we cannot comprehend. I know we ended in a good note, and I'm glad that you seem happy after the breakup but know this... it's still you. After all those months without you, it's still you,"

Sa hindi malamang dahilan, sumasang-ayon ang puso ko sa mensaheng pinadala ng sender. Naaalala ko tuloy ang mga panahong iniiwasan pa ako ni Gwen, parang ganito lang din yun. Kahit anong gawin ko para makalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya, sa kanya pa rin ang bagsak ko.

🎶 Hanggang ngayon, patuloy ang pag-ikot

Mga katanungang wala pa ring sagot

Halos libutin na ang buong mundo

Parang walang pagbabago 🎶

Nagsimula nang kumanta si Roll kasabay ang pagkaskas ng gitara ni Kuya Charlie. Pinagmasdan ko ang mga taong nasa labas ng booth na nagsusulat sa sticky note, at nag-uusap. Sino kaya sa kanila si Jade at ang sender? Narinig kaya niya ang mensahe ng ex niya?

🎶 Nasa piling ng iba, ngunit ikaw pa rin

May nagmamay-ari na, ngunit ikaw pa rin 🎶

Sinabayan ko si Roll sa pagkanta ng chorus habang nakamasid pa rin sa mga estudyanteng dumadaan sa booth namin.

🎶 Mula sa pagsara, hanggang sa pagmulat ng mga mata

Bakit ikaw pa rin? 🎶

My eyes glued to her striking eyes as she passed by. Nabitawan niya ang camera niya, mabuti na lang at nakasabit sa leeg niya ang sling kaya hindi ito nahulog sa sahig. She stood there, motionless, as we stared at each other's eyes while I was singing the chorus.

Hindi ko alam kung ano nang nangyayari, pero damang-dama ko na ang kanta ngayon habang tinititigan siya. Nalilito na ako, hindi ko na alam ano dapat ang mararamdaman ko. Kahit malayo siya sa akin napapansin ko pa rin ang panunubig ng mga mata niya habang mabilis niya akong tinalikuran at tumakbo palayo sa booth namin, at sa akin.

"Ikaw pa rin."

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Where stories live. Discover now