Chapter 29: A Song for Two

7 0 0
                                    

Ang tagal na pala nung huli akong tumingala sa kalangitan at makita ang nakabubulag na mapuputi at malalambot na ulap. Mukha akong baliw habang tumatawa nang mag-isa dito sa Tinker's Haven dahil naaalala ko ang nakasisilaw na ngiti ni Kirsten. Huminto ako sa katatawa at binalik na ang tingin ko sa sinasagutan kong assignment. Bukas pa naman ang deadline nito pero kailangan ko itong tapusin ngayon para free na ako mamayang gabi.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtingin-tingin ng mga movies na pwede naming panoorin ni Gwen mamaya, kaso hindi ko alam kung anong genre ang gusto niya. Mahilig din ba siya sa mga chick flick movies gaya ng iba o yung mga sci fi movies? Baka RomCom ang gusto niya o fantasy and adventure?

"Ito, maganda 'to." mabilis akong lumingon kay Jasper na kanina pa pala sumisilip sa phone ko.

"Napanood mo na?"

"Hindi pa, pero magugustohan yan ni Gwen." tuluyan akong humarap sa kanya at tinignan siya. Kung may taong mas nakakakilala kay Gwen, si Jasper 'yon. Para silang kambal na saging na hindi mapaghiwalay. "She may look serious but trust me, she's a child at heart." tinapik niya ang balikat ko bago umalis para sa susunod niyang klase.

Tinignan ko ulit ang itinuro niyang movie kanina at nag-book ng dalawang tickets para mamaya. Nagdududa pa rin ako dahil baka pinagtitripan lang ako ng kaibigan ko, pero si Jasper 'yon; if anything, he wants us to be happy together. Napangiti ako sa iniisip ko at tumayo na. Kung sakaling may magustohan si Jasper, susuportahan at tutulongan ko rin siya para maging masaya sila sa isa't-isa.

Huminto ako sa ilalim ng isang puno nang makita ko si Kirsten na nakatayo sa ledge ng mini garden ng department namin. Nakatingala siya habang nakataas ang isang kamay na may pink na eyeglasses, at ang isang kamay niya ay nakahawak sa kamera. Halos lahat ng mga estudyante na napapadaan ay napapatingin din sa direksyon niya at sinusubukang hulaan kung anong ginagawa ni Kirsten sa ilalim ng matirik na araw.

Tumingala rin ako para tignan kung ano ang tinitignan niya; asul na kalangitan lang at mga ulap na parang halo na nakapalibot sa araw. It was not a perfect circle but it was a rare sight to see.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya, at hindi ko alam kung dahil ba sa matagal kong pagtitig sa kalangitan kaya parang may aura sa buong katawan niya at nagmukha siyang liwanag sa paningin ko kahit na naka-itim siya. Pumikit ako at umiling para maalis ang lumulutang at maliliit na bilog sa mga mata ko. Tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad patungong classroom nang hindi lumilingon.

Maagang natapos ang klase namin kaya matagal-tagal din akong naghintay kay Gwen sa harap ng H building. May meeting nanaman sila para sa plano nila sa Intramurals kaya heto ako at payapang nakaupo sa Tinker's Haven – napapalingon sa entrance ng building kapag may lalabas at papasok sa building; para akong batang iniwan sa lobby habang nagtatarabaho ang mga magulang niya.

Nagsimula nang magliwanag ang paligid dahil sa mga lamppost na isa-isang umiilaw, at kinakalaban ang kadiliman. Sa sobrang bored ko, hindi ko namamalayang binibilang ko na pala ang mga langaw na lumilipad palapit sa mga ilaw, kahit na nakakaduling.

Tamad akong napalingon ulit sa entrance at nagliwanag ang mukha ko nang makita ko si Gwen kasama ang ibang officers. Tumayo na ako at sinalubong siya, at gulat akong napatingin sa kanya nang bigla niya akong yakapin sa harap ng mga kasama niya. Normal lang ito para sa iba, pero unang beses itong ginawa ni Gwen eh. Masyadong private si Gwen, at may sarili siyang paraan para ipakita na mahal ka niya. Hindi rin siya touchy kaya nakakapanibago na ang sweet niya... sa harap ng maraming tao.

Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya pabalik, dahilan para tuksuhin kami ng ibang officers.

"Sumuko ka na, may nanalo na,"

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Where stories live. Discover now