Chapter 4: Fall

2 1 0
                                    

Ngayon ang araw na tutugtog kami bilang opening act ng isang sikat na banda. Tinignan ko ang mga kasama ko habang iniipit ang neck ng bass sa mga daliri ko.

Kuya Charlie was pacing back and forth while singing softly and forming his fingers into different chords in the air; nagtutuno naman ng gitara si Kuya Vanguard. Roll, on the other hand, ay prenteng nakaupo sa isang upuan habang nakatingala, at si Kuya Ringgo naman ay nasa isang gilid kasama si Ate Aira; they were fencing gamit ang isa sa mga nabaling drumstick ni Kuya.

"Sorry, I'm late," napatalon naman si Kuya Charlie sa biglaang pagsalita ni Ate Norrie. "Hey, Van," matamis siyang ngumiti kay Kuya Vanguard saka mabilis na tumakbo at yumakap sakanya.

"Ang pait naman ng water," reklamo ni Roll habang umiinom ng tubig, "'singpait ng nararamdaman mo ngayon,"

"Ma-ihi ka sana mamaya," naiinis kong sabi saka lumayo sa kanya. Tumawa naman siya at umalis sa backstage, pupunta sigurong CR.

Ilang oras pa ay naisipan na rin ng mga organizers na magsimula na. The crowd cheered nang lumabas kami.

Lagi kaming tumutugtog sa harap ng maraming tao, nananalo nga kami sa contests na sinasalihan namin pero iba talaga kapag parte ka ng opening act ng isang sikat na banda. Yung feeling na ayaw mong madisappoint ang idolo mo at hindi sila magsisising kayo ang pinili nila para sa opening act.

I took a deep breath bago inikot ang volume knob.

"Good evening, Generals!" Panimula ni Roll na sinundan ng mga hiyaw mula sa mga manonood sa ibaba. May iba pang sinabi si Roll bago kami nagsimulang tumugtog.

Napangiti ako nang matapos kami; the crowd cheered, at may iba pang pumapalakpak at sumisipol habang pababa na kami ng stage. Akala ko payapa kaming makababa ng stage kaso bigla kaming may narinig na parang nahulog.

"Vanguard!" Tawag ni Kuya Ringgo at dinaluhan si Kuya. Buti na lang hindi napuruhan ang gitara niya. Tahimik kaming sumunod sa kanya sa backstage saka tumawa nang malakas.

"Kuya microphone lang ang hinuhulog sa stage pagkatapos ng performance, not yourself," paalala ni Roll saka tumawa ulit.

"Grabe dude," gatong ni Kuya Charlie, "hindi naman yun ang napag-usapan nating agaw-pansin na performance,"

Kuya Vanguard rolled his eyes at mahinang napatawa sa katangahan niya, bago umupo sa monobloc chair. Mabilis naman siyang dinaluhan ni Ate Norrie at tinanong kung may masakit ba.

"Boys," sita ni Ate Norrie sa amin bago binalik ang atensyon sa boyfriend niya. Ilang segundo pa lang kaming nananahimik sa gilid nang pumasok si Ate Aira na may dalang dalawang buko juice.

"Balita ko may gitarista dawng nadapa sa stage kanina," sinubukan naming pigilan ang tawa namin kaso panira si Ate Aira. Sabay naming pinakawalan ang tawang kanina pa namin kinikimkim.

"Pwede ba, Aira!" Ate Norrie sighed in frustration, dahilan para matahimik kami, at hawakan ni Kuya Van ang kamay niya para pakalmahin ito. "Your jokes aren't funny anymore,"

Tinaas ni Ate Ai ang dalawang kamay na may buko juice bago lumapit kay Kuya Ringgo at ibinigay ang isang buko juice. Kapag nasa iisang lugar silang dalawa, may tensyon talagang sasakop sa lugar na iyon. Gaya ngayon, parang may electricity sa mga mata nilang dalawa.

"Ang daya, si Ringgo lang may juice," pabirong reklamo ni Kuya Charlie saka ako siniko, at pinadilatan ng tingin. Agad ko naman itong nakuha kaya nagsalita na rin ako.

"Oo nga," I agreed, "hindi lang naman si Kuya Ringgo ang nagperform sa stage kanina ah,"

"Boyfriend? Boyfriend?" Hamon ni Ate Aira sa amin. Edi ikaw na may jowa.

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon