Chapter 11: Unexpected Actions

6 1 0
                                    

Kirsten's bright smile greeted me as I boarded the jeep. Nakatali ang maikli niyang buhok, para hindi makakasagabal sa mga katabi niya, at nakasabit sa kanyang mga tenga ang earphones niya. May hawak din siyang papel na puno ng highlights at annotations sa gilid.

Tumabi ako sa kanya at dumikit nang konti dahil sa barker na laging sumisigaw ng "usog nang konti" Hindi na nga kami makahinga dahil para na kaming tinapa sa pagkakadikit namin tapos sasabihin pa nila na kulang pa ng tatlo.

Hindi ito pinansin ni Kirsten at nagpatuloy sa pagbabasa ng kanyang reviewer habang hinihintay na lumarga ang jeep na sinasakyan namin. Hindi ko alam kung paano nila nagagawang magreview habang nakasakay sa loob ng jeep at nareretain ito sa utak nila. Hindi ba sila nadidistract sa paligid nila? Sinubukan kong magreview dati sa loob ng sasakyan habang umaandar ito pero nahilo lang ako at hindi na maalala ang mga terms na binasa ko.

Mahina kaming napausog paloob nang magsimulang umandar ang jeep. Songs from the 80s onward blared on the mini speaker plastered on the wall that separates us from the driver.

Hindi pa gabi pero Wonderful Tonight ni Eric Clapton ang nangunguna sa playlist ni manong driver. I hummed along with the song and lightly swayed my head, slowly surrendering to the soft melody of the song.

I opened my eyes when I felt a weight on my shoulder. I smiled upon seeing Kirsten sleeping while her hand was still holding her handouts. Umayos naman ako nang upo para komportable siya sa pagtulog, at maingat na kinuha ang handouts niya para hindi ito mahulog sa sahig.

The ride to Feldenmore University was peaceful and quiet than usual. Parang may something sa araw na ito na hindi ko ma-explain; it felt good and calming at parang ayaw ko nang mahinto pa itong biyahe na ito. I chuckled inwardly when Yeng Constantino's Jeepney started playing.

Ayaw ko pa sana siyang gisingin kaso malapit na kami sa H kaya wala na akong magawa kundi tapikin ang balikat niya para magising siya. She looked disoriented when she looked up and met my eyes, and covered her mouth to yawn. Her eyes widened at the same time as the jeep stopped at the corner near our building.

Bumaba na kami at hinintay na makaalis ang sasakyan bago tumawid. Binalik ko sa kanya ang reviewer niya, at nagsimula naman siyang basahin iyon. Paminsan-minsan ay tumitingala siya at bumubulong sa hangin — gaya ng ginagawa ni Kuya Charlie kapag kinakabisado ang isang kanta — bago ibalik ang tingin sa papel.

"Bakit kasi hindi nagreview kagabi." I teased, earning a glare from her.

"Nakalimutan ko..." mukhang may idadagdag pa sana siya pero naisipan niyang hindi na lang sabihin. I let her be and walked quietly beside her while she crams for her upcoming quiz.

Puno na ang table sa kiosk nang makalabas ako sa building namin. Marami na rin ang pumipila para bumili ng lunch nila kaya umupo ako sa isa mga upuan ng Tinker's Haven at hinintay si Kirsten.

Pabagsak siyang umupo at humalumbaba sa mesa pagkarating niya sa pwesto ko. Nginitian ko siya nang nakakaloko at tinanong kung kumusta ang quiz niya. Isang malalim na buntong-hininga ang sinagot niya bago umupo nang maayos.

"Alam mo, sinubukan kong i-memorize ang mga terms na feeling ko lalabas sa quiz namin." simula niya, her hands flailing in every direction to make a point. "Tapos pagtingin ko sa testpaper, three items lang pero essay worth 10 points each!"

Parang sasabog na siya sa inis dahil sa test niya. She was grunting from time to time and rolling her eyes as she repeated her complaint. Hindi ko alam kung paano siya i-comfort kaya wala akong nagawa kundi ang tawanan siya. I'll be a hypocrite kung sasabihin ko sa kanyang mag-advance study sa susunod, dahil nagcacram din ako paminsan-minsan.

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon