Chapter 8: Childish

5 1 0
                                    

Puno ng banderitas ang bawat daan na nadadaanan ng sasakyan, pagpasok namin sa Feldenmore University. The once silent campus, during the day, was filled with loud noises from the students wandering around, wearing their respective college shirts - may iba ring nakasuot ng uniform ng ibang paaralan. Mukha nanamang piyesta ng isang purok ang paaralan namin.

Puno ng booth ang paligid ng gym ngayon kaya sa parking space ng Social Science building na lang pinarada ni Kuya Ringgo ang sasakyan niya — naghihintay rin kasi doon si Kuya Vanguard sa amin. Nasa harap ng bulletin board si Kuya Vanguard at nagbabasa ng mga flyers na nakadikit doon nang pumasok kami sa loob ng building nila.

Tahimik na tumakbo si Kuya Charlie sa kanya at inakbayan ito. Muntik pa ngang matumba si Kuya Van dahil sa gulat habang si Kuya Charlie naman ay tinawanan lang siya; hindi na rin mapigilang ngumiti ni Kuya Vanguard bago lumapit sa amin.

Noong Sabado, nagawang hilahin palabas ni Kuya Charlie si Kuya Vanguard sa bahay nila at dinala ito sa mall — hindi ko alam kung paano niya napilit si Kuya na samahan siya, pero feeling ko dinaan niya ito sa dahas. Nagulat nga kami noong tinext niya kami na pumunta ng mall dahil manlilibre daw si Kuya Van — at alam naming walang alam ang dati naming gitarista na manlilibre siya.

Kahapon din, hindi rin namin inasahan na papayag siyang sa kanila kami matutulog. Nakagawian na namin itong matulog sa kanila kapag Intramurals, pero dahil sa aksidente, hindi na kami umasa. We've been shut out for almost three months kaya akala namin hindi pa siya handang pagbuksan kami ulit ng pinto. Buti na lang at may naidulot ding mabuti ang pagdistansya niya sa amin. His eyes were still lifeless pero at least ngumingiti na siya at nakikipagbiruan na sa amin kagaya nang dati.

"Hala, Kuya Ringgo oh,"

My reverie was broken nang magsalita si Roll. Pinanood ko sila habang nababalisa na si Ate Aira at tinignan nang masama si Roll. Hindi ko alam kung bakit parang may kuryente mula sa mga mata ni Kuya Ringgo habang tinitigan si Ate pero feeling ko may ginawa nanaman itong kalokohan na hindi nagustuhan ng boyfriend niya. Mahinang tumawa si Kuya Charlie kaya napatawa na rin ako dahil sa mukha ni Ate Aira. Ayan kasi.

"Mauna na kami," walang emosyong sabi ni Kuya Ringgo at umalis, mabilis naman kaming sumunod sa kanya habang nagpapaalam sa dalawa.

Nakailang balik na kami mula sa paghahakot ng sound system sa practice room pero tahimik pa rin si Kuya Ringgo. Hindi naman siya madaldal pero iba ang katahimikan niya ngayon eh. Na-curious na ako kaya tinanong ko na si Roll na kasabay kong magbitbit ng bass drum.

"Kuya got mad kasi pinapaselos siya ni Ate Aira," bulong niya saka tumawa. Napa-oh na lang ako at tumahimik na.

Ang swerte na ni Ate kay Kuya Ringgo kasi maunawain ito, hindi seloso, at hinahayaan siya sa trip niya sa buhay. Tapos si Ate naman naghahanap ng paraan para galitin si Kuya; kapag talaga matuluyan yang si Kuya Ringgo, tatawanan ko talaga siya. Mas matindi pa naman ang impact ng selos sa mga taong hindi seloso.

The jam was a success. Malinis ang pagtugtog namin, hindi kagaya noong mga nakaraang araw. Hindi na ipinipilit ni Kuya Charlie ang parts ng lead guitar kapag nagpapractice kami simula noong nagkausap silang dalawa ni Kuya Vanguard sa mall. Whatever Kuya said must have been powerful for Kuya Charlie to follow.

Para kang nanonood ng free concert dahil sa music jam na itinayo ng Music Club. Walang fee para sa mga taong gustong tumugtog o manood since sponsored ito ng Social Science department. The aim is to spread awareness about the different culture of different tribes here in SOCCSKSARGEN.

Katabi namin ang booth ng tiga Okkil Pintados kung saan may maliit na area para sa mga pictures and accessories na gawa ng mga tao from Lake Sebu, at ang kabila naman ay area para sa mga gustong magpa-face paint at magpa-henna.

Matapos ang session namin, kanya-kanya na kami ng gala. Dumiretso sa bilihan ng pagkain si Kuya Ringgo, habang si Kuya Charlie ay bumalik sa SocSci building dahil may practice pa raw siya, at kami naman ni Roll ay hinahanap ang kaibigan naming si Jasper.

Nakita namin siya malapit sa bentahan ng Pizza, tatawagin ko na sana siya nang makita kong kasabay niya si Gwen. Tatalikod na sana ako pero pinigilan ako ni Roll at siya na mismo ang tumawag kay Jasper.

Nakita ko kung paano bumilog ang mga mata niya noong nakita ako bago umalis. Tinawag siya ni Jasper pero tuluyan na siyang nawala. Ano pa bang reaksyon ang aasahan ko? Ililibre ko talaga ang mga kaibigan ko kung papansinin ako nun.

Tumakbo si Jasper patungo sa amin at inakbayan kami.

"Where were you? Kanina ka pa namin hinahanap,"

"Yung high blood mo," Jasper joked at Roll's reaksyon. Umikot naman ang mata ni Roll at nagsimula nang maglakad. "May nakita akong nagbebenta ng keychain diyan sa may gilid,"

Dahil nakaakbay si Jasper sa aming dalawa, napaliko rin kami nung lumiko si Roll papunta sa direksyon na itinuro ni Jasper. Ilang oras nanaman kaya kaming maghihintay sa kanya bago siya makahanap ng magandang key chain.

Last year inabot kami ng 30 minutes kakahintay kay Roll na makapili ng key chain. Ngayon 15 minutes lang, buti na lang talaga! Akala ko uupo nanaman kami sa gilid ng daan habang hinhintay siya. Nakatulog na nga ang mga paa ko habang naglalakad kami papuntang Educ para sa photobooth, hindi ko lang sinabi dahil baka pagsisipain ng dalawa ang mga binti ko.

"Hoy, why are you stalling?" Sigaw ni Roll dahil sa hina ng lakad ko.

"Mauna na kayo." pagtataboy ko, "susunod lang ako,"

Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata nila bago lumapit sa akin. Tatakbo na sana ako kaso parang kinuryente ang mga paa ko kaya napamura na lang ako habang pinagsisipa nila ang mga binti ko at mabilis na tumakbo palayo sa akin pagkatapos.

Para kaming mga batang naghahabulan sa gitna ng pathway, at di alintana ang mga taong nababangga namin. Our laughter echoed as we ran for our lives; sila para makaiwas sa akin, at ako para maabutan silang dalawa. Kahit college na kaming tatlo, hindi pa rin mawawala ang pagiging isip-bata namin, and I think it's okay to be like that sometimes.



Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Where stories live. Discover now