Chapter 27: A Box Filled With Goodbyes

2 1 0
                                    

Para akong sinasakal habang nagmamaneho ako papunta sa bahay ni Gwen. Sumulyap ako sa gilid at umiwas din ng tingin nang magtagpo ang mata namin sa binatana ng passenger's seat. Tumikhim ako at napagdesisyunang i-on ang radyo para mawala ang katahimikang pumapalibot sa loob.

🎶 Sana sinabi mo

Para 'di na umasang may tayo pa sa huli 🎶

Pinatay ko ulit ang radyo at tiniis na lang ang ilang minutong katahimikan. Narinig ko siyang bumuntong-hininga bago pinikit ang mga mata niya. Gusto kong magsalita, pero parang may nakabara sa lalamunan at pinipigilan ako – dinaig ko pa si Roll kapag napapaos siya. Ganito ba talaga ang feeling kapag magka-away kayo? Gusto mong ayusin ang gusot pero pakiramdam mo hindi ito ang tamang panahon para gawin yun. Kailangan ba ng timing para maayos 'to? Hindi ba pwedeng pag-usapan na lang ngayon para hindi maaksaya ang ilang araw na hindi kayo nagpapansinan?

"Thanks." hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng bahay nila. Kung hindi siya nagsalita, hindi ko rin mapapansing lumabas na siya ng sasakyan. "We'll talk... tomorrow," hindi niya na hinintay ang sagot ko at sinara na ang pintuan bago naglakad papasok ng bahay nila.

Now, it's my turn to sigh.

•°•🎶•°•

"Jarren!" muntik ko nang mabitawan ang bass ko dahil sa biglaang pagpasok at pagsigaw ni Irene; hindi na ako magtataka kung magigising ang mga kapitbahay namin dahil sa boses niya. Pinasadahan ko siya ng tingin at binalik ang atensyon ko sa pagtugtog. "Did you segregate your clothes na?"

Tuluyan akong huminto sa pagtugtog at nginisihan siya. Inirapan niya lang ako at dire-diretsong naglakad papasok sa walk-in closet ko. Sinundan ko siya at nakitang may nakasabit na na mga damit sa braso niya. Inagaw ko ang blue na polo mula sa kanya at tinignan siya nang masama.

"Hindi ko nga ito idodonate!"
"Last week pa kita sinabihang mag-segregate ka na ng clothes na idodonate mo," naiinis niyang sabi at nilipat ang mga damit ko mula sa closet papuntang kama. "kukunin na ng committee ang donations natin bukas kaya kung ayaw mong gumalaw, then I will gladly decide which clothes to donate, for you." nakapamewang niyang tinignan ang mga damit ko at inutusan akong kumuha ng dalawang kahon.

Sinimulan na namin ang paghihiwalay ng mga damit na idodonate ko at ang mga hindi. Nilagay ko sa isang kahon ang regalo ni Gwen sa akin kasama ang mga damit na hindi ko gustong i-donate.

Bati na kami ni Gwen at ibinaon na namin sa limot ang nangyari doon sa café. Naiintindihan ko na rin kung bakit ganoon ang pag-iisip niya at kung bakit niya nasabi yun. As a child, she witnessed her family falling apart – yung akala niyang perpektong relasyon ng mga magulang niya, nauwi lang sa sigawan at hiwalayan. Hindi ko rin siya masisisi kung bakit minsan nag-uurong sulong siya sa mga desisyon niya, lalo na sa aming dalawa. She's guarded. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin magawang mag open-up at sabihin sa akin ang mga nararamdaman niya. She keeps everybody at arm's length.

"How about this?" tinignan ko ang long sleeve na parang ginupit mula sa quilt ng lola namin at napangiwi – pati si Irene napailing dahil sa design. Ba't ko ba yan binili? Ah, oo, yan ang theme ng acquaintance namin dati.

"Pwede gawing trapo?" tanong ko habang may tinitignan sa cellphone ko. Ang tahimik ni Miss Senior High ngayon. "Hindi ko yan i-dodonate, pero ayoko ring suotin yan,"

"You're right." Irene scrunched up her nose and tossed the poor fabric somewhere near the door. "I don't want anybody to fall victim sa ganyang damit. Tama na iyong ikaw ang naging sacrificial lamb," parehas kaming napatawa at bumalik na sa ginagawa namin – siya, nag-aayos ng mga damit ko habang ako naman ay nakatutok sa phone at pinakinggan ang isang bass cover na nadaanan ko sa newsfeed. Masama akong lumingon sa kakambal ko nang biglang nahulog ang cellphone ko dahil sa aim niya. "Would you stop that? Tulongan mo muna ako dito,"

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon