Chapter 18: Gwendolyn

6 1 0
                                    

Nasa loob na ang Rendezvouz, maliban kay Roll, nang makapasok kami ni Kirsten sa loob ng venue. Naririnig ko na ang ingay ni Ate Aira at Kuya Charlie habang papalapit kami sa table nila. Lumingon si Ate Aira sa gilid niya at tiningala si Kuya Ringgo na nakikipag-usap kina Kuya Vanguard at Kuya Ivaun, at may tinanong dito.

Kuya Ivaun and Kuya Vanguard greeted us at tinuro ang bakanteng upuan. Tinanong ko sila kung anong pinag-uusapan nung dalawa, at sinagot naman nila ako habang tinuturo yung table napkin na naka-fold na parang landmark ng Sydney.

Apparently, Kuya Charlie was showing off his skills in table napkin folding. Binara siya ni Ate Aira hanggang sa umabot ang topic sa pagpapa-impress sa crush gamit ang skills.

"Kitams, hindi ko yan kailangan, ikaw may kailangan niyan dahil wala ka pang jowa,"

Hoy foul yun, marami kaming single dito oh! Lumingon ako sa gilid ko nung hilahin ni Roll ang upuan at doon umupo. Tinanong niya rin ako kung bakit ang ingay nilang dalawa.

"Hindi mo lang alam." pakantang sabi ni Kuya Charlie kaya lahat kami gulat na napalingon sa kanya. Tinanong siya ni Ate Aira kung may jowa na siya at tumawa lang ang gitarista namin at umiling. "Wala pa,"

"Pa!" sigaw ni Ate Aira kaya may ibang napapalingon sa gawi namin. Dumausdos naman si Roll sa upuan niya dahil sa hiya. "Hoy, ang daldal mo pero hindi namin yan alam. Kwento ka naman, parang di kaibigan,"

"Jarren." napalingon ako — pati na rin ang iba — nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Gulat akong tumayo at nakipagyakapan sa mommy ni Gwen. Nilibot ko ang paningin ko at hinanap si Gwen pero hindi ko siya mahagilap. "It's so nice to see you again,"

Hilaw akong tumawa at napakamot sa batok ko. "Nice to see you din Tita,"

"Hindi ka na bumibisita sa bahay," malungkot niyang sabi. Pilit kong iniwas ang paningin ko sa kanya at awkward na napatawa dahil wala akong maisip na dahilan. Anong sasabihin ko?

"Busy lang po sa acads." pagsisinungaling ko at marahang tinapik ang balikat ni Roll. Pinalis niya lang ito at hindi gumalaw mula sa kinauupuan niya.

Napatango na lang ang mommy ni Gwen at nginitian ako, yung ngiting hindi ko nakikita sa ama ko kapag nirereport ko sa kanya ang mga achievements ko.

"That's good, hijo, bagay talaga kayo ni Gwen, mahilig mag-aral,"

Hindi ko alam bakit, pero bigla na lang akong napalingon kay Kirsten na nakisali na sa usapan nina Kuya Charlie. Siguro na-pressure lang ako dahil sa sinabi ng mommy ni Gwen. Anong gusto niyang mangyari? Magkabalikan kami ni Gwen?

Ngumiti ulit ako nung nagpaalam na si Tita at sumama doon sa kakilala niyang napadaan. Pabagsak akong umupo sa upuan ko at bumuntong-hininga. Parang naubos bigla ang energy ko sa pakikipag-usap pa lang kay Tita.

"You okay?" tanong ni Kirsten kaya lumingon ako sa kanya at nginitian siya, assuring her I'm fine. Pinakita niya naman yung table napkin niya na naka-fold na parang bluaklak. "Tignan mo, tinuruan ako ni Kuya Charlie,"

Napaayos ako nang upo at pinagmasdan ito bago nag-thumbs up habang nakangiti.

"May balak ka bang magpapansin sa crush mo?" biro ko na ikinatawa niya. Umiling lang siya habang nakayuko, at nagpaturo pa ng ibang style kay Kuya Charlie.

Tinapik ako ni Roll pero pinalis ko lang ang kamay niya at hindi siya pinansin. Naiinis naman siyang pumalatak at tumayo bago ako hinila paalis sa table.

Hindi pa nga nagsisimula ang 18 roses nababagot na itong nasa likod ko. Sabi niya dapat daw siya yung pangalawa para matapos na siya at makaupo na.

"Kapatid ka ba niya?" tanong ko at siniko siya dahil kanina niya pa iniikot-ikot ang rosas, mamaya niyan yung stem na lang ang matatanggap ni Joy. Inirapan niya lang ako at tumahimik na.

Filler Notes (Rendezvouz Series #2)Where stories live. Discover now