Kabanata 8

33 5 0
                                    

Sa gabing iyon, sinulat ko lahat ng plano ko.

Para sa susulatin kong storya.

At this time, sigurado ako, may matatapos na talaga akong sarili kong nobela.

Because I now have an inspiration.

A reason to write and to finish all of the chapters.

Hindi ko ‘to gagawin para kay Theo no. Di niya naman ako kilala, nu siya.

I pouted.

Gagawin ko ‘to… para sa sarili ko.

Magsusulat ako, para mailabas lahat ng nararamdaman ko kay Theo na hindi ko naman masasabi sa kaniya sa maraming rason.

Isusulat ko ang nararamdaman ko.

I smiled while looking at the note I pasted on my to do list board. It was hanging above my working table. I glanced at it one more time before finally sleeping.

Kinaumagahan, ang pagsusulat ang unang inatupag ko. Matapos kong ligpitin ang higaan at mag ayos sa banyo ay umupo kaagad ako sa harap ng laptop ko.

I also wear my eyeglasses. Wala namang grado at hindi naman malabo ang mata ko. Protection lang para sa radiation. Mukha kasing magdamag kong kaharap ang laptop ko.

Nag inat-inat ako bago nagsimulang mag type.

Naisip ko na lahat ng gusto kong sulatin para sa unang kabanata ng isusulat ko kaya ita-type ko nalang lahat. Nasa isip ko na lahat eh, ita-type ko nalang talaga.

Napangiti ako nang sumulyap sa listahan na ginawa ko kagabi. Nakalagay doon ang mga pangyayari na magaganap para sa unang kabanata.

It was eight in the morning when I started writing. It’s good that I have a small fridge in my room. I don’t need to go out to keep myself hydrated.

Hindi pa nga lang ako nag be-breakfast pero hindi pa naman ako gutom kaya ayos lang.

“Apo?” Naramdaman kong bumukas ang pinto kaya lumingon ako saglit. Ngumiti ako nang makita si Lola na nakangiti sa akin, may dalang tray ng pagkain.

“Alas nuebe na at nagtaka ako nang makita ang almusal mo na nasa lamesa parin. May pasok ka na ba? Bakit nakaharap kana sa laptop mo umagang-umaga?” Tinulungan ko si Lola na ilapag ang tray sa gilid ng laptop ko.

“May… ginagawa lang ako, La. Pasensya na po. Sobrang excited kasi akong gawin ‘to kaya… hindi na ako lumabas kanina para mag almusal. Ito kaagad ang ginawa ko.” Ngumiti ako nang maikli. Sumulyap si Lola sa laptop ko. Hindi ko sinabi sa kaniya na nagsusulat ulit ako ng nobela. Alam naman ni Lola na nagsusubok ako pero palagi ko ring binubura ang sinusulat ko.

Mahilig din daw kasi magbasa si Lola ng mga pocket books noong kabataan niya kaya nang malaman niyang nagsusulat ako, natuwa siya.

“Sa school ba ‘yan?” Umiling ako at kinagat ang labi.

“Isa’t-kalahating buwan pa po La bago ang pasok ko,” sagot ko. Ilang sandaling tumitig sa akin si Lola bago tumango, ramdam na ayokong sabihin muna ang ginagawa ko sa laptop ko.

“Osiya kung ganon ay kumain ka muna. Tawagin mo nalang ako pag tapos kana at ako na ang magdadala ng pinagkainan mo sa- “

Kaagad kong pinutol si Lola sa pag-iling. “Hindi na, La. Ako na po ang bahala. Lalabas ako mamaya para hugasan ang mga ‘yan.” Ngumiti sa akin si Lola at marahan na hinaplos ang ulo ko.

“O siya, sige. Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka apo ha? Andiyan lang ako sa sala, manonood.” Ngumiti ako.

“Boys over flowers parin La?”

“Hindi. Meteor garden naman, apo.” Hindi ko napigilan ang tawa ko nang isagot ‘yon ni Lola.

Meteor garden? Eh doon nagsimula ang boys over flowers. Napa iling nalang ako.

Sa balkonahe ako kumain para makapag isip-isip. Baka may maidagdag pa ako sa sinusulat ko. May papel sa gilid ko para kapag may sumulpot na scenario sa utak ko, maisusulat ko kaagad.

Pagkatapos kumain ay lumabas ako para hugasan ang mga pinagkainan ko. Ngumiti lang sa akin si Lola nang makita ako dahil nanonood siya at sinabihan ako na may juice sa loob ng ref.

I went back to my room to continue writing the first chapter of hopefully… my first completed story.

Pagsapit ng hapon, nag timpla ako ng tsaa habang nagpapahinga muna mula sa pagsusulat. Ilang oras narin kasi akong nagsusulat kaya medyo masakit na ang likod at iba pang parte ng katawan ko.

Nag stretching ako at pwede na akong makabuo ng kanta dahil sa pagtunog ng mga buto ko.

I sighed when I thought of some…one.

Kumusta kaya siya?

Sa mga oras na ito… ano kayang ginagawa niya?

Natawa ako nang maisip na baka nakagat niya ang dila niya o di kaya nasamid siya o natipalok dahil sa biglang pag-iisip ko sa kaniya.

But my smile slowly faded.

Masaya… kaya siya?

Sana…

Tumingala ako at pumukit. Ang mga kamay ay nakapatong sa aking noo.

How I wish you knew… that there’s a woman far away from you that’s always hoping for your happiness.

 

I sighed.

Sumulyap ako sa umuusok kong tsaa, may mapait na ngiti sa labi.

Habang nagtsa-tsaa parin, naisipan kong mag social media. Nag scroll lang ako sa twitter ng ilang minuto hanggang sa naisipan kong mag tweet.

@Alesexy • Dec 15 2020

I will just be your silent fan. Your admirer from afar.

I sipped in my tea.

Ayaw kong maubos ang oras ko sa social media kaya hanggat kaya ko pang kontrolin ang sarili ko ay itinigil ko na at muling bumalik sa pagsusulat.

Writing is not easy and it will never be easy.

I didn’t took or I’m not taking any course about writing that’s why I’m not even sure if I’m doing it right.

If I wrote the right words, if my grammars are correct, my style of writing… everything. I don’t know any single thing about this field.

I just… write. Write the things I want to read in a book.

And that’s what good about writing… it was made to express oneselve. The thoughts that you can’t put into your mouth but you can put into words by writing so that you can still… somehow release it. Release your thoughts, your feelings. Express yourself.

At kung ginagawa mo naman ito para sa sarili mo at hindi sa ibang tao, hindi magiging mahirap.

Hindi kailangan kung tama ba ang pagkakasulat.

Hindi kailangan kung tama ba ang mga salita.

Kasi ginawa mo naman, sinulat mo naman, para mailabas ang mga salita na hindi mo kayang sabihin.

Hindi mo naman ginawa para… palakpakan ka o purihin.

I leaned on my chair, smiling while looking at my laptop’s screen.

Congratulations!

You just published Part 2: Simula.

Gushing You From Afar (EDITING)Where stories live. Discover now