Kabanata 14

32 4 0
                                    

"Kaya ka nag upload ng video? Hindi ka naman malandi niyan no?" Agad kong sinamaan ng tingin si Abbi at hinampas ng unan.

"Ano ba!"

"Oh, ano pa bang ibang dahilang gaga ka? Aminin mo, hindi ka kinilig? Hindi ka natuwa o nagwala nang patahimik?" Ngumuso ako kasi parang lahat ng sinabi niya ay... totoo.

Nanggigil niyang kinurot ang pisngi ko at pilit ko naman niyong iniwasan.

"Kita mo na, kita mo na!"

"Eh, sobra lang naman akong natuwa! Hindi ko kasi 'yon ine-expect no. Duh, siya 'yung dahilan nang pagsulat ko ng nobelang 'yon at hindi ko inaasahan na darating 'yung araw na mapapansin niya ako! Na posible pala! Tapos... napansin niya pa ako gamit ang isang bagay... na para naman talaga sa kaniya!"

"O kaya ka gumawa ng video na ganon?"

"Eh... hindi ko na napigilan ang sarili ko eh. Sobrang saya ko kaya kagabi."

"Kita mo na talaga! Kaya ngayon 'yung mga Segens mo, ang iingay! Mga kinikilig! Pinaghahanap tuloy 'yung mga creators na nagsipag rekomendahan ng libro mo tapos nagsisipag gawa pa sila ng mga speculations at theory nila!" Ngumuso ako ulit at napa isip sa sinabi niya.

"Congratulations talaga kapag umabot ka ng dispatch! Papalakpakan talaga kita!"

"Eh, writer naman ako... Diba pwedeng pov lang 'yung video ko?" Kumunot ang noo ko.

Nagsalubong din ang mga kilay ni Abbi at saglit na natigilan, nag-iisip, ganon.

"Oo... pwede nga 'yon... pero kasi! Saktong-sakto naman 'yon sa'yo teh! Tamang-tama para sa'yo kaya halata talagang totoo eh." Piangdikit ko ang mga palad ko na naglikha ng ingay at medyo nagulat si Abbi ro'n. Ngumiti ako nang alanganin sa kaniya.

"Hayaan mo na 'yon, please? Wala naman akong binanggit na pangalan no, wala naman akong kino-confirm." At wala naman akong balak sabihin o aminin sa mga readers ko na si Theo talaga ang inspirasyon at rason ko sa pagsulat ng nobela ko na sinuportahan nila.

"Ginawa ko lang naman 'yon kasi hindi ko talaga ine-expect. Sobra 'yung saya ko buhat nang napansin niya ko. Na posible palang mapansin niya ako. Dai!" Sinulyapan ko si Abbi. "Alam mo naman kung gaano kami kalayo sa isa't-isa tapos ako lang ang nakakakilala sa kaniya noon pero ngayon... posible palang makilala niya rin ako." Galing talaga ni Lord, napangiti ako.

Minataan ako ni Abbi ng may pagdududa. "Hindi ka umasa? Kahit katiting?"

Bumuga ako ng hangin at umiling. "May girlfriend siya no. Alam mo naman diba?"

"Eh, paano kung wala?"sumingkit ang mga mata nito.

Ngumuso ako. "Whey net?" At sabay pa kaming napatalon sa kinauupuan namin sa pagtawa, nag apiran pa kami.

"Sabi ko na nga ba eh!"

"Hindi, joke lang! Imposible 'yon. Diba? Alam mo naman kung paano niya i-flex 'yung babae tiyaka all in one na 'yung girl, imposibleng pakawalan niya pa 'yon."

"Bakit? Nakita mo bang pino-post niya parin 'yung girl?"

Umiling ako. "Hindi ko na pinapanood mga videos niya." Tumaas ang isang kilay ni Abbi. Ano na naman ba?

"Pagkatapos mong pakinabangan?" Nanlaki ang mga mata ko at kaagad ko siyang hinampas, shuta 'to.

"Hoy, hindi ah! Gaga. Grabe ka naman. In-unfollow ko siya matapos kong i-let go ang feelings ko sa kaniya sa pamamagitan ng pagsusulat, remember?" Ngumisi sa akin si Abbi at umiling.

"Pero... finollow ko ulit siya, hehe."

"Marunong kana talaga! Tadyakan kita sa puson eh." Inismiran ako ni Abbi.

Gushing You From Afar (EDITING)Where stories live. Discover now