Kabanata 31

27 2 1
                                    

“Hindi suportado ang pamilya ko sa relasyon namin ng Mama mo. Ayaw nila sa relasyon namin. Dumating sa punto na… itinaboy na ako ng mga magulang ko at sinabing hindi na ako pag-aaralin kapag pinagpatuloy ko ang pakikipagrelasyon kay Olivia.” Bumuntong hininga ako habang nakahalukipkip.

Nandito parin kami ni Papa sa sala ngayon. Nakasandal ako sa sofa habang siya ay nasa aking tabi, nakaupo at may sapat na distansya sa pagitan naming dalawa.

“Syempre pinili ko si Olivia. Lumayas ako sa amin at sumama ako kay Olivia dahil hindi namin maiiwanan ang Lola Emma mo at Papa ni Olivia dahil kabaliktaran ng pamilya ko, sobra-sobra ang suporta nila sa relasyon namin ng Mama mo. Tinuring nila ako na parang anak.” He smiled sadly while reminiscing those moments of them together with my Mama and grandparents.

“Kahit wala akong pera o ipon, kahit na tumigil na ako sa pag-aaral, naglakas loob akong sumama sa Mama mo. Na makitira sa kanila. Kinapalam ko ang mukha ko kahit na hindi ko alam kung anong gagawin sa sobrang naghahalo-halo na lahat sa isip ko. Hindi ko matanggap na… kayang gawin ‘yon sa akin ng mga magulang ko.” He swallowed hard and he blinked twice. Nagsimulang manikip ang dibdib ko habang nakikinig. Naririnig ko maski na ang sakit sa boses niya.

“Tapos nabuntis ko ang Mama mo. Alam ko naman na sa oras na ginawa namin ‘yon, malaki ang tiyansa na magbubunga. Pero no’ng sinabi niya na sa akin… natauhan ako. Natakot ako. Lalo. Para saming dalawa. ” Lumingon si Papa at ngumiti. Kuminang ang mga mata niya dahil sa nagbabadyang luha.

“Paano kita bubuhayin, anak? Paano ko kayo bubuhayin ng Mama mo? Paano ko siya mapapanagutan? Matutulungan? Mas lalong gumulo ang isip ko. Mas lalo akong hindi nakatulog sa gabi. Hindi ko na alam ang gagawin hanggang sa… hindi na ako nakapag-isip ng tama. Sinabi ko kay Olivia… na hindi pa ako handang maging Ama. Na hindi ko siya kayang panagutan. Hindi ko kaya kayong panagutan. Na hindi pa ako handa maging Ama. ” Kinagat ko ang labi ko at yumuko. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko nang pakiramdam ko ay maluluha narin ako.

“Itinaboy ko siya, anak. At isa ‘yon sa pinaka gago ‘kong desisyon. Hindi ko alam kung paano ko nakayanang makita ang Mama mo na umiiyak at nasasaktan sa harap ko. Unti-unting nawawasak… dahil sa akin.” Hindi na nag-abala pa si Papa na itago ang mga luha niya sa akin. Pinunasan niya ang pisngi niya nang bumuhos ang mga ito.

“At alam mo ang mas masakit?” He glanced at me and from there, I saw how bloodshot his eyes are.

“Hindi nagmakaawa si Olivia sa akin. Hindi niya ako pinigilan. Umiyak lang siya nang umiyak pero pagkatapos niyon… tumango siya. Na tila kahit ano mang desisyong gawin ko para sa aming dalawa ay tatanggapin niya. Re-respetuhin niya.” Humikbi ako habang iniiisip ang maaaring itsura noon ni Mama. Umiiyak, sobrang nasasaktan at nabigo dahil… hindi siya tinanggap ng pinaka mamahal niya nang malamang… buntis siya.

Kahit kailan, hindi ko nakita si Mama na nagkaroon ng relasyon sa ibang lalaki. Simula nang magkaroon ako ng kamalayan, wala akong nakitang lalaking dinala niya sa bahay para ipakilala sa akin o ipakilala ako bilang anak niya.

Hindi niya na nagawa pang magmahal pagkatapos ni Papa.

Kaya alam ko, hanggang ngayon… si Papa parin. Ito parin ang pinipili ng puso niya. Nasaktan man siya nang husto sa lalaking ito, ito parin.

Siya parin.

Sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging bukas ang isipan ko sa bagay na ito. Na masasaktan man ako, hangga’t maaari ay pipigilan ko ang sarili ko na magalit at magsalita para manghusga.

“Nagising nalang ako kinabukasan na wala na ang Mama mo at ang Lolo at Lola mo. At doon ko napagtanto… na mas lalo akong mababaliw kung wala ang Mama mo sa piling ko. Kung wala si Olivia sa buhay ko. Mas lalong hindi ko alam ang gagawin. Nang mawala siya, hindi lang ang utak ko ang nagulo. Buong sistema ko. Pakiramdam ko noon tuluyan na talaga akong mababaliw dahil hindi ko siya mahanap. Wala siyang iniwan para malaman ko kung saan sila pumunta. Sobrang nabaliw na ako sa kakaisip.” Umiling nang umiling si Papa habang umiiyak. Huminga ako nang malalim habang patuloy ako sa pakikinig sa kaniya.

Gushing You From Afar (EDITING)Where stories live. Discover now