Kabanata 17

29 3 0
                                    

“Ms. Ina, mauuna na po ako. Maraming salamat sa pag invite sa akin,” ngumiti ako nang malapad dito. Lumapit ito sa akin para makipag beso.

“Nag enjoy ka ba? At paano ka pala uuwi? May sasakyan ka?” Sunod-sunod nitong tanong.

“Nag enjoy po ako. Sobra.” Napa sulyap ako sa biglang tumabi kay Ms. Ina. “At opo may susundo po sa akin. Friend ko,” sagot ko pa rito.

“Mabuti kung gano’n. Thankyou sa pag tanggap mo ng invitation namin ha! Sobrang saya ko at ng iba rito na readers mo rin na makita ka! Next time, sama ka ulit ha?” Ngumuso ito at muli akong hinagkan ng yakap na malugod ko namang tinanggap.

“Masaya din po ako, Ms. Ina.” Sobra. Pasikreto kong nilingon ang lalaki na hindi ko aakalaing mahuhuli kong nakatitig sa akin habang ang daliri ay nasa kaniyang labi. Seryoso ang kaniyang mga mata. Nauna siyang mag-iwas ng tingin sa akin. “Maraming salamat po talaga sa pag invite sa akin,” sambit ko nang maghiwalay kami.

“Osiya, mag-iingat ka ha. Asa’n na ba ‘yung friend mo?” Lumingon-lingon ito na tila may hinahanap. Tinext ko na naman si William at sabi niyang on the way na raw siya.

I was about to answer her when suddenly, someone hugged me from the side. “I’m so happy to meet you! I already followed you on instagram ha! Let’s catch up after this.” Nagsabi sa akin si Hannah kanina na pupuntahan niya ang iba pa niyang friends at inaasahan ko na baka hindi na kami magkita rito sa event sa dami ng tao.

Ngumiti ako at tumango-tango. Parang bata namang ngumuso si Hannah. Nanatili ang mga kamay niya sa balikat ko.

“Oo, ifa-follow back kita mamaya.”

“Okie!” masaya niyang tili. Parang kinikilig pa.

May binabagayan talaga ang pagiging cute no? Ang conyo ni Hannah, madalas siyang umarte na parang bata pero kapag nagseryoso naman siya, sobrang attractive niyang tignan.

Kung ako ‘yan, nako. Ako mismo ang unang masusuka sa sarili ko.

Napa lingon kaming lahat nang may mag busina. Bumaba ang salamin ng sasakyan ni William at tiyaka siya lumingon sa banda namin. He smiled when he saw me.

“OMG! Don’t tell me… ‘yan ang friend mo, Alex? Ang gwapo!” Natawa at nailing ako sa reaksyon ni Ms. Ina. Totoo namang gwapo si William pero wala akong balak  sabihin ‘yon lalo na kung maririnig niya pa.

Ano siya, gold?

“Opo, siya pa ‘yung kaibigan ko. Uh, mauuna na po ako.” Bahagya akong yumuko sa kanila. “Hannah… Uh, Theo. Dito na ako.” Ngumiti ako at tatalikuran na sana sila nang magsalita si Theo.

“Alex…”

Napalunok ako bago siya sinulyapan.

“Hmm?” tanong ko.

Lumingon siya sa likod, kung nasaan nakaparada ang sasakyan ni William and then he smiled shortly at me when he faced me again.

“Take care,” he mumbled. His voice was soft and tender.

Ngumiti ako, namumungay ang mga mata. Kung dala ba ng boses niya o ng hangin ay hindi ko alam.

Grabe parin ang pagtambol ng puso ko. Hindi humuhupa. Hindi makapaniwalang ang taong hinahanggan ko mula sa malayo noon ay nasa harap ko na ngayon.

At kinakausap pa ako.

“Ikaw din.” Ilang sandali ko pa siyang pinagmasdan, iniisip na baka ito na ang huling beses na makita ko siya. Pero ang kaniyang salita ay muling umulit sa aking isipan.

Cause this can’t be the last time I’ll see you…

 

Kinagat ko ang labi ko. Kumirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan.

Gushing You From Afar (EDITING)Where stories live. Discover now