Kabanata 32

26 2 0
                                    

Nang makarating ako sa loob ng mall, kinuha ko ang phone ko para magtipa ng message.

To: Theo

Nandito na ako. Nasaan kana?

Sent.

Ngumiti ako at lumingon-lingon. Dahil sa nangyari kahapon, gumaan na ang pakiramdam ko. Na parang sobrang laking tinik ang nawala sa dibdib ko.

Pero sa message na natanggap ko kay Theo, parang bumalik ang bigat. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Kaagad ‘kong sinipat ang cellphone ko nang tumunog ito.

From: Theo.

Sa likod mo.

Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na lumingon sa aking likuran. Bahagyang nagparte ang labi ko at napalunok ako nang makita siya.

Naka itim na hoodie at light blue jeans. Medyo kita ang white shirt niya sa loob nang suot na hoodie. Nakasalamin din siya.

Ang buhok ay naka-ayos kung saan mas lamang ang bilang ng kaniyang buhok sa kanan kesa sa kaliwa dahil sa hati.

I bite my lower lip when he smiled at me. A smile that makes him more… attractive in my eyes, showing his white teeth.

“Hi,” he greeted first.

Napalunok ako bago siya binigyan din ng isang ngiti. “Hello.”

He licked his lips before his eyes went down in my body.

I dressed myself with a white cropped top which has very thin straps. Black short jeans and a white long and flimsy polo shirt as a cover up.

Theo looks more casual but very attractive.

Ang lakas ng dating.

“Let’s eat first? Saan mo gustong kumain?” He asked while staring directly to my eyes.

Chinat niya ako kahapon para mag-usap at napag-usapan namin na dito nalang sa mall na parehas na malapit sa amin. Kung saan may seaside.

Huminga ako nang malalim.

“Dito ba sa loob? Or diretso na tayo sa seaside?” tanong niyang muli ng hindi kaagad ako nakasagot.

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. “Dito nalang muna siguro.” Feeling ko kasi medyo mainit pa sa labas.

“Sige. Tara?” Humigpit ang kapit ko sa bag ng muli siyang ngumiti.

Please lang, hindi na kumakalma ang puso ko.

Nakangiti akong tumango at sabay kaming naglakad.

Napagpasyahan naming sa Giligans kumain. Nag order ako ng kanin at ulam since lunch time na. Kalamares at sinigang na hipon. Kalamares narin ang pinili ni Theo at pang family size na kasi ‘yung sinigang na hipon kaya hati na kami ro’n.

Para naman sa dessert ay nag order lang kami ng leche flan and softdrinks and water as our drinks.

“Ang ganda mo,” he stated right after the waiter got our orders.

Napapikit-pikit ako at unti-unting napa tuwid sa aking kinauupuan habang nakatingin sa kaniya. Buti nga at hindi ako naglaglag sa kinauupuan ko! He smiled when he noticed my reaction.

“Sorry. Kanina ko pa gustong sabihin ‘yon at narealize ko na hindi ko talaga kayang hindi ‘yon sabihin sa’yo.” Kinagat niya ang labi niya at nag-iwas ng tingin. Nag-init naman ang magkabilang pisngi ko.

Kaswal niya lang ‘yon na sinabi pero… grabe ang naging epekto sa akin.

I swallowed hard to prepare myself in telling him my thoughts.

Gushing You From Afar (EDITING)Where stories live. Discover now