Kabanata 11

39 6 0
                                    

Dahan-dahan na bumukas ang mga mata ko nang makarinig ako ng ingay. Nilingon ko ang gilid ko para kuhain ang phone ko na tumutunog.

Good morning

5:00 AM

Wala rin bang nag gu-good morning sa inyo? Halina't gawin rin ito sa sarili mo. Gawin lamang itong pangalan sa iyong alarm clock.

Pinusod ko ang buhok ko at humikab. Kinuha ko ang tumbler ko na nasa side table rin at ininom ito.

Kinamot ko muna ang pisngi ko bago tumayo at niligpit ang aking higaan. Humikab pa ako kahit naka pitong oras naman ako ng tulog.

Pinictur-an ko ang maayos kong kama kasi feeling ko aesthetic. Naka sando at pajama lang ako at walang bra kaya sobrang comfy.

Oh bakit? Ngayon lang nakabasa ng babaeng hindi nag ba-bra pag natutulog? Tigilan niyo ko.

Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at nagpa cute.

Hindi ko rin talaga maikakaila na may sarili rin akong ganda.

O kumpiyansa?

I went to the bathroom to wash myself.

I'm planning to walk outside this morning.

And maybe I should bring Golden with me.

Hindi muna ako mag jo-jogging. Ang ma-refresh ang goal ko ngayon. Reset.

Dahil tapos na ako sa pagsulat ng una kong nobela, hi-hinga muna ako. Magpapahinga.

Syempre kailangan ding magpahinga ng isip ko. Iyong feeling na nandiyan lang siya pero sa oras na ito, hindi niya kailangang mag-isip o... gumana.

Malapit narin kasi ang pasukan. Ilang araw nalang kaya preparation narin ito para sa pagbabalik ko sa pag-aaral.

Lumabas ako ng kwarto ko ng naka t-shirt na kulay itim na nakatali sa may bandang tiyan at leggings. Kulay puti naman ang sapatos ko para ternuhan ang headban ko.

Saktong paglabas ko ng kwarto ay ang paglabas din ni Mama mula sa banyo, kakatapos lang maligo.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

Ngayon nalang kasi ako lumabas nang maaga na ganito ang ayos.

"Mag jo-jogging ka?" tanong ni Mama.

Umiling ako. "Magla-lakad-lakas lang, Ma. Isasama ko si Golden."

Tumango si Mama, may pag a-alinlangan. "Osige, ang aga mo ha." Pabiro ko nalang na inirapan si Mama at lumapit na kay Golden.

"Good morning, Golden!" Hinaplos-haplos ko ito dahil nagsimula na itong mag ligalig.

"Na miss mo 'to no? Lumabas nang maaga kasama ako? Ngayon nalang ulit natin magagawa eh." Naisipan ko na huwag nang kabitan pa ng leash si Golden sa umagang iyon.

Mabait naman siya at hindi umaalis sa tabi ko.

"Magla-lakad lang tayo ha? Walang tatakbo, Golden. Hindi kita hahabulin, bahala ka riyan." Naintindihan naman ata ako ng aso ko dahil nanatili lang siyang kalmado nang makalabas na kami.

"Hay..." Huminga ako nang malalim. Ang sarap talaga ng hangin sa umaga. Ang lamig. Ang sarap sa balat.

At dahil ngayon nalang ulit ako nakapag lakad-lakad sa umaga, nag selfie ako. Sa ibang pictures naman ay kasama ko si Golden at may mga pictures din ng paligid ko na pwedeng ipang ig.

Isang beses lang naming inikot ang lugar namin dahil hindi ko naman goal ang magpagod at magpawis. Kaya pagkatapos niyon, umuwi na kami.

"Nay, patulong kana lang ulit sa apo mo na mag online grocery ha? Para may stocks ulit tayo mamaya. Nandiyan sa ref ang listahan ng mga wala." Ayon ang narinig ko pagkabalik sa bahay.

Gushing You From Afar (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon