Kabanata 12

40 7 0
                                    

After 3 months…

 

“Happy 3000, reads…”

“Happy 5,000 reads! Thank you so much for reading…”

“Happy 8,000 reads! I can’t believe that my first novel could reached thousands of reads..”

“Seryoso!? Happy 10,000 reads!”

“Happy 1k followers! From 0-1,000!? Grabe, maraming salamat po!...”

“Happy 20,000… 30,000 50,000 reads! Maraming-maraming salamat sa pagbabasa at pag appreciate ng 1st novel ko. Alam kong maraming mali sa pagkakasulat ko dahil hindi naman ako isang ganap na manunulat talaga kaya hindi ako makapaniwala na… aabot sa ganito ang nobela ko. Maraming salamat po.”

“HAPPY 100,000 READS! Maraming-maraming salamat sa pagbabasa. Hindi ko na alam ang sasabihin ko bukod sa salamat. Grabe, grabe kayo. Salamat, sobrang salamat. Palagi niyong tatandaan na sobra-sobra ko kayong naa-appreciate.”

“Happy 300,000 reads! All of these things are blessings for me. Even all of you, my readers that’s why I decided to name you guys. From this day, I’m going to call you Segens. My segens. A german word which means ‘blessing’. You’re one of my blessings this year guys and thankyou for being my Segens.”

“Mga ka-wattpaders, naghahanap ba kayo ng babasahin? Try niyo ‘yung story ni Andrayter. Iyong first novel niya! Worth it, promise!

“Don’t have something to read on your library? Read and download Andrayter’s first novel! Nakakakilig, nakakatawa, nakakaiyak, lahat na mararamdaman niyo. Report niyo account ko pag hindi niyo nagustuhan!”

“Guys! Omygosh! Nabasa niyo na ba ang 1st published work ni Andrayter!? Basahin niyo! Simula palang damang-dama ko na kasi nakaka relate ako. Hustisya!”

‘Thank you for being my moon... I hope that someday, our path will cross and by then, I can tell you how much you have affected me.’  “SHUTAAAA, BAKIT ANG SAKIT!? BAKIT AKO NAIIYAK, AUTHOR!? HUHUHU”

“Grabe kana, Alexandra!” Natawa ako sa reaksyon ni Abbi habang binabasa ang mga nagpo-promote ng story ko sa iba’t-ibang groups and pages sa facebook.

“Hindi pa ako nangangalahati pero may pain na! May pain! Ms. Andrayter kapag ito ay hindi happy ending, hindi na ako mag bo-boyfriend! Hindi na ako maniniwala sa lovelife at isusumpa kita! Huhuhu!”

“Oh, may nanumpa pa sa’yo,” sabay kaming natawa ni Abbi. Napailing ako habang nakangiti.

“Grabe, Alex. Hindi na biro ang ginawa mong novel. Masaya na ako na nagawa mong makatapos ng nobela eh kasi gustong-gusto mong gawin ‘yon diba? Pero grabe ang pagtalbog ng puso ko sa nararating ng gawa mo. Iba ka!” Pinaypayan ni Abbi ang sarili niya na parang mauubusan siya ng hininga. Binigyan ko lang siya nang nahihiyang ngiti.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya kasi kahit ako, hindi ko rin talaga inaasahan na gagawa ako ng mga thank you messages dahil may narating o naabot ang novel o account ko. Hindi ko alam na maraming makaka relate sa akin, sa gawa ko. Hindi ko inaasahan na… ganito karami ang pwedeng maabot ng nobela ko.

Hindi ako maka disagree kay Abbi kasi kahit ang mga social medias ko, dumadami ang naka follow. Dumating na ako sa point na gumawa ako ng isa ko pang facebook account para roon i-post ‘yung mga post na gusto ko mga close friends at family lang ang makakakita.

Iyong Ig ko na halos 200 lang ang naka follow noon, ngayon ay nagdagsaan narin.

Sa Ig, umaabot na ng thousands ang heart kahit kaka post ko palang. Kaya minsan natutulala ako at natitigilan, iniisip na baka may nag hack sa account ko at hindi na ‘yon akin sa dami ng hearts and followers, isama niyo pa ang notification. Pero nakikita ko parin naman ang mga pictures ko kaya alam kong akin ‘yon.

Gushing You From Afar (EDITING)Where stories live. Discover now