Kabanata 36

25 2 1
                                    

Alas syete palang ng umaga nang lumabas ako ng aking kwarto na naka white shirt at itim na short, bagong ligo at may tuwalya pa sa ulo.

“Oh, ang aga natin magising apo ha. Mukhang naligo kana rin.” Lumapit ako kay Lola para halikan siya sa kaniyang pisngi.

“Morning, La.” Kaagad ko ring namataan sina Papa at Mama sa hapag-kainan. Anong araw ngayon? Bakit parang walang pasok si Mama?

Lumapit ako sa kanila para batiin din sila. “Good morning Ma, Pa,” sambit ko. Ngumiti sa akin si Papa nang halikan ko rin siya sa kaniyang pisngi. Muli naman akong lumapit sa kinaroroonan ni Lola.

“Pupunta kasi rito La si Theo, ayos lang ba?” Sinulyapan ko rin sina Mama at Papa na nagkatinginan.

Ngumiti nang malapad si Lola. “Mag de-date kayo rito, apo?”

I nodded twice and smiled at her too. “Opo. Manonood ng kdrama. Magdadala rin daw siya ng pagkain, La.”

Nanatili ang ngiti ni Lola. “Nako, kahit huwag naman na. Magluluto naman ako. Nakakahiya at ga-gastos pa siya.” Bumuntong hininga ako.

“Ayon nga ang sabi ko La pero… hayaan na natin. Nanliligaw eh.” Ngumisi ako. “Basta’t sabi ko ay huwag ng masyadong damihan at ‘yong tama lang. Pang breakfast siguro ang dadalhin niya,” dagdag ko pa.

“Osiya, dahil diyan ay mas lalo ‘kong sasarapan ang tanghalian natin. Saan ba kayo? Sa sala… sa bakuran o sa…” Itinikom ni Lola ang bibig niya, nagpipigil ng ngiti. “o sa kwarto mo?”

“Mama…” Nilingon ko si Papa na nasapo ang kaniyang noo. Ngumuso ako sa naging reaksyon ng ama.

“Oh bakit, Anton? Malaki na naman ‘tong si Alex. Alam niya na ang mga ginagawa niya.” Hindi ko alam kung inaasar ba ni Lola si Papa kasi nagawa niya pang tumawa bago sagutin ang Ama ko.

Parang nanghihingi naman ng tulong na tumingin si Papa kay Mama. Napangiti ako at muling napanguso.

“Sa sala lang kami, La. Ayos lang po ba, Pa? Ma?”

Mama smiled at me and then I remember what I noticed earlier.

“Oo naman.”

“Siya nga pala Ma, wala kang pasok?”

“Wala, nak. Nag leave ako ng one week. Dahil…” Sinulyapan niya ang katabing si Papa. “may pag-uusapan kami ng Papa mo.”

My forehead creased and my eyes formed like a hawk while eyeing them. “Maganda ba ‘yan? Hindi naman kayo nag-aaway?

Bahagyang natawa si Mama at umiling. “Hindi Alex.”

Tumango ako, nakahinga nang maluwag. “Buti naman at matatanda na kayo.”

“Nak…” Parehas nilang suway ni Papa.

“Hehehe.” Nag peace sign ako sa kanilang dalawa.

“Kung gano’n na darating pala si Theo ay magpaganda kana, apo. At kung mag a-almusal naman pala kayong dalawa dahil nag-almusal na kaming lahat ay uminom ka muna kahit ng gatas na choco.” Medyo nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Lola. Mayabang ‘kong hinawi ang buhok ko.

“Hindi na kailangan, Lola. Maganda na ako no.” Napangiti lalo si Lola sa inasta ko. Luh, totoo kaya Lola.

Tumango-tango sila habang nakangiti. “Oo, apo. Tama. Osiya, aayusin ko na ba ang sala?” Mabilis akong umiling.

“Ako na riyan, La. Chill kalang diyan.”

“Hindi ka muna iinom ng gatas?”

“Iinom, La. Pagtapos ‘kong ayusin ang sala. Saglit lang naman ‘yon at hindi naman gaanong marumi.”

Gushing You From Afar (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon