Kabanata 13

32 6 0
                                    

Nang minsan kong buksan ang tiktok account ko ay hindi ako makapaniwala sa ibinungad nito sa akin. Hindi ko na kasi ito gaanong binubuksan simula no’ng… in-unfollow ko si Theo.

“Hey, what’s up guys! For today’s video, I want to recommend a good novel that I’ve read recently. The name of the author is Ms. Andrayter. Her 1st novel is so worth to read so please try it guys. You won’t regret, I’m telling you.”

“Grabe ‘yung kilig. Iyong pain, ‘yung kalokohan, talagang ang dali maka relate. Ang daming lessons about self-love. Worth it siyang basahin, netizens!”

“Suportahan po natin ang napaka gandang nobela ni Ms. Andrayter. Tungkol sa isang content creator at isang viewer so kung kinikilig na kayo kapag napapanood niyo ang mga paborito niyong creators, mas lalo kayong kikiligin pag nabasa niyo ‘yung novel niya.”

“Grabe ‘yung patience ng main character. Dito mo malalaman na may iba’t-iba talagang defenition ng love and ‘yung bida, ginamit niya ‘yung nararamdaman niya to build something beautiful. Basahin niyo guys para sabay-sabay tayong maka relate!”

“Highly recommended! Grabe!”

 

Sa oras na ‘yon…

Halo-halo ang nararamdaman ko.

Naiiyak ako sa tuwa. Grabe si Lord no? Grabe ‘yung timing niya. Palaging tama.

Hindi ko naman inaasahan lahat ng ito. Ang gusto ko lang… ma-express ang sarili ko. Ma-express ang nararamdaman ko kahit na hindi diretso sa taong gusto kong makaalam nito.

Tapos ganito ang nangyari. Sobrang daming opportunities and blessings.

He turned my insecurities, pain and love into something... worthy.

He turned those feelings into a beautiful new masterpiece.

Ang galing lang… kasi ‘yung mga bagay na negative, ‘yung mga pangit nating pinagdadaanan, kayang-kaya niyang kontrolin, baguhin at gawing isang magandang bagay.

At ibibigay niya ‘yon sa oras na itinakda niya para mas madama natin. So we could embrace it more, appreciate it more and be more happy by his blessing.

That’s how great and powerful he is.

For the first time, gumawa ako ng video sa tiktok. Gumawa ako to thank everyone for appreciating my 1st work as an author, for acknowledging me as a writer and for giving their supports to me and to my work.

We are all God’s instruments whom he will use for each other. To help one another. You just don’t notice it yet but maybe as of this moment, the small thing that you did for someone was a big blessing to them.

Naniniwala ako na hindi magiging posible lahat ng ito… kundi dahil sa mga taong ito.

Gustong-gusto kong makatapos ng sarili kong nobela dati pa, pero ngayon lang nangyari. Ngayon lang naging posible.

And it’s because God used someone to push me in following my dream.

Napangiti ako kasabay nang pagkawala ng luha mula sa aking mata.

Hindi ko alam kung anong gusto kong maging dati... Kumuha ako ng kurso kahit wala pa akong nakikita sa sarili ko na pwede kong gawin pang habang buhay. Kumuha lang ako ng kurso para patuloy na makapag-aral. Kasi kailangan. Kasi kailangan kong pumili.

At hanggang ngayon… hindi ko parin alam ang gusto ko. Hindi ko parin alam ang mga bagay na para sa akin… Iniisip ko nga dati kung may nakalaan ba talaga para sa akin.

Gushing You From Afar (EDITING)Where stories live. Discover now