Kabanata 33

27 2 1
                                    

“Umalis ka bigla!? Ni hindi mo man lang hinintay ang respond niya? Ni hindi mo chinat kung nakauwi ba siya nang ligtas?” Umamba akong iiwas nang akmang ibabato sa akin ni Abbi ang unan na nasa likod niya. Ngumuso at guilty na tumango habang nakapangalumbaba.

“Kawawa naman ‘yung tao. Sinabi niya na sa’yo na grabe siya nasaktan doon sa last na niligawan niya, sana man lang binigyan mo siya nang maayos na sagot. Pektusan kita eh.” Inirapan ako ni Abbi. Napa buntong hininga ako.

“Dapat tinapos niyo ‘yung pag-uusap niyo na, Sorry Theo, ayaw ko na sa’yo at may nanliligaw na kasi sa akin. Hindi ‘yung basta mo iniwan ‘yung tao, mag o-overthink pa ‘yon, tamo.” Mas lalong humaba ang nguso ko. Ang magkasalubong na kilay ay mas lalo pang nagsalubong.

“Hindi sa hindi ko siya gusto…” Nanlaki ang mga mata ni Abbi at mabilis siyang tumuwid sa pagkakaupo.

“Edi gusto mo pa siya? Psh, obvious naman.” Umirap ulit siya at muli akong hinarap. “Kung siya pala ang gusto mo at hindi si William then bakit mo siya inalisan nang gano’n?” She raised her brow at me.

I licked my lips and so it parted. My eyes blinked twice. “I felt overwhelm. Kasi matagal ko nang tinanggap na imposibleng mangyari ang lahat ng nangyayari ngayon… sa amin. I was just his secret admirer from afar before. Ni hindi niya nga alam na nag e-exist ako. Tapos ito ngayon… nagkita kami, nag-usap, nagkasama tapos…” nanghihina ‘kong tinignan si Abbi. “Tapos nagkaaminan. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari.” Kumuha si Abbi ng chips habang hindi inaalis ang mga mapanuring mata sa akin, nagdududa.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko.

“Tiyaka syempre… nanliligaw sa akin si William. Mali na nga ata na nakikipag usap ako sa ibang lalaki habang may nanliligaw sa akin.” Kaagad akong nakatanggap ng hampas kay Abbi sa braso.

“Hindi ‘yon mali! Ano, porket nanliligaw si William ay bawal ka nang makipag-usap sa ibang lalaki? Hindi mo naman nilandi si Theo. Ano ‘yon, pag naging kayo bawal ka nang makakita ng lalaki? Psh.” Pinagmasdan ko lamang siya ng pakuwari ko’y may sasabihin pa siya.

“Tiyaka hindi ibig sabihin na nanliligaw ang lalaki, eh one hundred percent sure ng magiging kayo. Na sa dulo, ay siguradong oo ang ibibigay mong sagot sa lalaki o sa nanliligaw sa’yo. Nanliligaw ang isang tao para i-prove niya ang feelings niya for you pero nasa sa’yo ang desisyon. Ikaw ang mag de-desisyon kung mag ne-next level ba ang relationship niyo since ikaw ang nililigawan. Kaya isang sugal ang panliligaw. Hindi mo kasalanan kung wala ka talagang nararamdaman sa nanliligaw sa’yo sa kabila ng mga ginawa niya. Kesa naman tanggapin mo siya sa buhay mo tapos wala ka talagang pake sa kaniya? Mas masaklap ‘yon.” Kinagat ko ang labi ko at malalim na bumuntong hininga.

“Pero may pake ako kay William,” saad ko.

“Nakikita mo ba siya bilang boyfriend mo?” Ilang sandali akong natigil at napa-isip. Tumaas ulit ang kilay ni Abbi sa akin.

Dismayado akong umiling.

“See?”

“Pero pinayagan ko siyang ligawan ako…”

“Hindi mo nga ‘yon kasalanan! Tatadyakan na kita sa puson eh,” napipikon nang aniya.

“Ang mali ay ‘yung magbigay ka ng mix signals! Iyong pinaramdam mo na may pag-asa tapos sorry sa huli ang sasabihin mo,” dagdag niya pa.

“Nako-konsensya ka lang. Pero kung hindi mo kakausapin si William nang maayos at bigla mo nalang igho-ghost, bukod sa kasalanan ‘yon ay kakaltukan talaga kita.” Napasimangot ako.

“Hindi ko naman ‘yon gagawin.”

“Pero ginawa mo kay Theo.”

“Nalilito lang ako niyon.” Nginiwian niya ako. Ibinalik niya sa plato ang chips na hawak niya at ibinigay sa akin ang buo niyang atensyon.

Gushing You From Afar (EDITING)Where stories live. Discover now