Kabanata 25

25 2 1
                                    

“Magiging ayos ka ba rito?” Nilingon ni Abbi ang malaking bahay sa aming likuran habang hindi pa binabitawan ang magkabila kong balikat.

I smiled shortly and nodded my head which made her sighed again.

Tinitigan niya ako ng ilang sandali sa aking mga mata bago ako muling niyakap. Isinandal ko naman ang baba ko sa kaniyang balikat.

Tinapik-tapik niya ang aking likuran.

“Magiging maayos din ang lahat, okay?” I pursed my lips and closed my eyes, trying to stop my tears from falling again.

Muli siyang bumuntong hininga nang maghiwalay kami.

“Nag-aalala ako sa’yo. Pwede ba, i-chat mo ako kapag kailangan mo ako? Kahit anong oras pa ‘yan. Alam kong busy ako nitong mga nakaraan pero Alex, kaibigan mo ko habang buhay. Walang magtatalikuran sa pamilyang ‘to.” Tila hinaplos ang puso ko nang marinig ang mga salitang ‘yon mula kay Abi.

“Hindi ka nga rin nagsasabi ng mga pinagdadaanan mo sa akin nitong mga nakaraan,” I scoffed, making her swallowed hard.

“Ito naman, ang bilis mag fireback. Sasabihin ko rin naman sa’yo! Next time, hindi pa ako ready pag-usapan ulit ‘yon ngayon,” sambit niya at ngumiti nang mapait.

Ako naman ngayon ang bumuntong hininga.

Hindi pa man sinasabi sa akin ni Abbi, alam ko na lumipat sila ng bahay ng kapatid niya. Na bumukod sila.

Pero ayoko naman siyang pilitin na magsalita tungkol doon. Maghihintay ako na siya mismo ang magsabi sa akin ng tungkol sa bagay na ‘yon.

“Pero ayos ka na ba ngayon?” nanliliit ang mga mata ko nang itanong ko ‘yon, nagdududa.

Ngumiti siya at tumango. “Oo, mas okay ako ngayon kesa nitong mga nakaraan.”

Bumuntong hininga ako.

Kung ano man ang pinagdadaanan ni Abbi na hindi sinasabi sa akin ay hinahangad kong… lumipas na. Na malagpasan niya.

“Kailangan ko rin ito,” sabi ko at bahagyang nilingon ang resthouse ni Ms. Ina. Malaki ang bahay at malawak ang lupain. Kung hindi ako nagkakamali ay parang may malaki pang space sa loob, sa harap at magkabilang gilid ng main door.

“Kailangan ko rin mag bakasyon. Makapag-isip. Makahinga. Lumayo.” Nilingon ko si Abbi at nginitian. Hindi naman nawala ang pag-aalala niya sa kaniyang mga mata.

“O basta i-chat mo ‘ko ha! Tawagan mo ‘ko.” Nakangiti akong tumango.

“Paano ka pala uuwi niyan? Mag ta-taxi ka?” kunot-noo kong tanong.

“Oo, ako ng bahala ro’n. Wag mo nang isipin ‘yon. Ako pa ba.” Bahagya akong natawa nang umirap siya.

“Mag-iingat ka ha.”

“Aba’y malamang.” Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin. Itong babaeng ‘to.

Tatadyakan ko ‘to sa puson eh.

“Charot lang, osige na. Pumasok kana.”

“Osiya. I-text mo ‘ko kapag nakabalik kana,” saad ko at hinila na ang aking maleta.

“Chat nalang. Ay dm, para sosyal. Mukha akong naka iphone pag sa instagram eh.” Napailing nalang ako habang siya naman ay tumawa.

“Thankyou! Loveyou!” Kumaway ako ng nasa harap na ako mismo ng gate.

“Yuck. Loveyou too! I-chat mo ko ha!!”

Huminga muna ako nang malalim bago pinindot ang doorbell. Sinulyapan ko ulit si Abbi at nakitang nakapamulsa siyang nakatingin sa akin, hinihintay akong makapasok.

Gushing You From Afar (EDITING)Where stories live. Discover now