Kabanata 6

36 8 0
                                    

I sighed as I watched their video for the nth time.

At habang patagal nang patagal, mas lalo kong nakikita kung gaano sila ka perfect para sa isa’t-isa. Kung paano sila ka-para sa isat-isa.

Na parang simula pa lang no’ng ipinanganak sila, nakatadhana na silang magkita, magkakilala at magkasama.

“How I wish that was me…” I whispered out of nowhere, can’t concealed the pain.

Tumingin ako sa kawalan at pilit na natawa.

How ironic.

Nasasaktan ako habang… ‘yung taong dahilan ng pagkirot ng puso ko ay walang kaalam-alam.

Hindi niya nga alam na merong ako na nabubuhay dito.

The pain is too much.

And I can’t help myself but cry. That’s the only thing I can do to ease myself even just for a bit.

Sa pag iyak, hinahayaan ko ‘yung sarili ko na masaktan. Walang pagtanggi, walang pag-iwas. Nasasaktan ako… at tinatanggap ko.

Walang masama sa nararamdaman ko.

Walang mali kung nasasaktan ako.

Kasi ito, ang tunay kong nararamdaman at tinatanggap ko.

How I wish that was me in that video… with you.

The one you're complementing, your video calling, Iyong ka duet mo sa tiktok videos, ‘yung taong pinagku-kwentuhan mo about sa buhay mo, ‘yung taong sabik na sabik mong makita…

Sana… Sana ako ‘yon.

I found out that Theo’s girl is also from another city, far from him. So yeah, they’re having a long distance… courtship?

Kung hindi ako nagkakamali, nililigawan ni Theo ‘yung girl.

Ang lately, mas napapadalas ang pag flex niya sa… babae doon sa account niya.

And I can see that he’s happy. He’s really happy.

While I’m here, watching him through my small screen, crying… because he’s already happy with someone.

Hindi ko alam kung ilang beses na pero muling nasaksihan ng buwan ang sakit na sumusugat hindi lamang sa aking puso kundi maging sa aking mukha, na pilit kong itinatago.

Na sa ilalim ng madilim na kalawakan na tanging buwan at mga bituin lamang ang nagsisilbing liwanag, nasilayan ng mundo ang pagkalas ng luha mula sa aking mga mata.

The dark sky saw one of my darkest moment.

And by just looking and without saying anything, the moon already knows my secret.

I fall inlove with someone I have never met. And now my heart aches for that person.

Eleven pm na ng gabi ng may kumatok sa pintuan ko. Pi-nause ko ang kdrama na pinapanood ko at tiyaka tumayo.

“Apo?” tawag ni Lola bago ko siya pagbuksan ng pintuan.

“Bakit po, Lola?” tanong ko, binubuksan na ang pintuan ng aking kwarto.

Nakangiti ako ng makita ko si Lola. Bumaba lamang ang tingin ko ng mapansin ang umuusok at doon, nakita ko ang tray na dala niya gamit ang medyo nanginginig niyang kamay na may bowl na may lamang umuusok pang sopas.

Nakakatakam!

Dali-dali kong kinuha kay Lola ang tray. Nakangiti si Lola ng ibigay niya ‘yon sa akin.

“Nilutuan ko kasi ang Mama mo niyan dahil mukhang pagod sa trabaho at syempre, meron ka rin.” Mas lalong lumapad ang ngiti ko.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko ng maisip ko bigla ang sinabi ni Lola. “Okay lang po ba si Mama, La?”

Gushing You From Afar (EDITING)Where stories live. Discover now