Chapter 37

132 17 0
                                    

Maaga pa lang ay nasa sala na si Cy kinabukasan. I was still in my pajama and his stares still felt like I was the most beautiful girl in his eyes.

"Good morning," his voice is hoarse.

Ngumiti ako ng tipid, sobrang naconcious sa kung ano ang itsura ko ngayon. "Good morning. Aga mo yata?"

He glanced at Lolo watching us. Taas ang kilay niya, inoobserbahan ang bawat galaw namin.

"He informed me that you will see your psychiatrist today." Inayos niya ang suot na relo. "Gusto niyang samahan kita."

Kumunot ang noo ko at nilingon si Lolo na nagkibit-balikat lang. He looked away and focused on his breakfast.

Every month ay may session ako with my psychiatrist. Hindi ko lang alam kung bakit sinabi ni Lolo kay Cy. I find it unnecessary.

"Hindi ka pa ba uuwi ng Pilipinas? You have a work, Cy."

"I know. Babalik ako ngayong hapon. My duty for today will be on nine pm," he answered.

Umawang ang labi ko. Oh gosh! So ibig sabihin noon ay hindi siya makakapagpahinga?

"Naku, Cy! Sumasakit ang ulo ko sa 'yo," iritado kong saad sa kanya at inirapan siya.

Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako. I almost forgot I just woke up. Agad akong tumalikod.

"Maliligo muna ako. Wait here," sabi ko nang hindi siya hinaharap. Nilingon ko ang kusina. "Eat breakfast while I am preparing."

"Nah." He clicked his tongue. "I already had one in the hotel."

Patalikod lang akong tumango at mabilis na pumanhik sa itaas.

I took a shower and blower my hair after. Naglagay lang ako ng kaunting make up bago tinitigan ang repleksyon sa salamin.

When I made sure that I am done, I went downstairs. Umawang pa ng kaunti ang labi ni Cy nang mamataan ako.

"We're going now, Lo." Binigyan ko ng mariing titig si Lolo, pinapakita sa kanyang may kailangan kaming pag-usapan.

He only smiled and nodded his head. "Okay. Take care."

Nagpasalamat si Cy bago kami tuluyang lumabas sa mansyon. I grabbed my car keys inside my purse.

Nang makita iyon ng lalaki, kumunot ang noo niya.

"Hindi ka ba sasabay sa akin?" he asked.

Naglakad ako palapit sa itim kong kotse na kanina ko pa pinahanda sa family driver namin.

"We will go there in different cars," sagot ko.

Tumitig siya ng ilang saglit sa sasakyan ko bago ako naman ang nilingon. "Can I hop in?"

Tumaas ang kilay ko. "Are you sure?"

Natahimik siya na para bang ang magiging desisyon niya ang magsisilbing batayan ng haba ng buhay niya.

Kung sabagay, nakasanayan na niyang siya palagi ang nagdadrive sa mga lakad namin. He never saw me drive, not even once.

"Yeah." Tumango siya at pumikit ng mariin.

Gusto kong matawa sa reaction niya. Hindi naman ako magkakalisensya kung hindi ako marunong magdrive. He always exaggerates.

Pinark niya muna ang dala niyang kotse sa parking lot namin bago ako nilapitan. I grinned and threw my keys in the air.

"Let's go," pananakot ko at sinalo ang tinapon na susi.

Habang nasa daan kami, panay ang panenermon niya sa akin. He said I am a reckless driver. Normal lang naman ang takbo ko.

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now