Chapter 17

136 24 21
                                    

Bullets of sweats formed on my hands as the wall clock inside the classroom tickled. Dumadami na rin ang mga dumadating kong classmate na alam kong kagaya ko ay kinakabahan din.

"Are you good? Nanginginig ka." Dinungaw ni Ava ang mukha kong namumutla na.

I frowned, shaking my hand. "Nagreview naman ako pero kinakabahan pa rin ako!" Unlike my classmates, I'm not pretty privileged. I can't chill in every examination.

Hindi ako mapera para konsulahin ang sarili na okay lang bumagsak. Na may next year pa naman.

It's okay to fail.

That line is for the rich and privileged only. Para sa mga kagaya kong hirap, marami na ang magbabago sa isang pagkakamali.

"I'm gonna go to the cafeteria. May gusto ka bang ipasabay?" Ava offered, getting the wallet from her bag then stood up.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Tubig lang, please." I was about to hand her the coin but she shook her head.

Wala akong lakas na makipagtalo kaya hinayaan ko na lang siya na umalis na hindi tinatanggap ang barya ko.

All I wanted to do right now is calm my nerves. I can't take the exam in this situation. Maybe water can help with my wobbling knees and shaking hands.

"Achi." Nag-angat ako ng tingin kay Jess na may inaabot sa aking medyo may kalakihang kahon. 

I arched my brow. "Ano 'to?"

"May nagpapabigay," she replied.

"Sino raw?"

She shrugged. "Hindi ko kilala, eh."

Nang makaalis na ang babae ay natuon ang atensyon ko sa kahon. The side of my lips rose as I noticed the cover full of heart emoticons. Tinanggal ko ang pulang ribbon na nakatali roon at dahan-dahan iyong binuksan.

My mouth parted in amusement as I saw dozen of heart cookies inside. Natigil ang panginginig ko dahil sa napakacute na visual nito.

On the side of the box, I saw a note saying, "I'm not the witch on Snow White to add poison to the food."

I chuckled as I picked one piece of it and took a bite. Kahit nalasahan ko ang medyo sunog na parte nito, hindi nawala ang ngiti ko.

My forehead creased as I felt something inside my mouth. Kinuha ko kung ano 'yon at umusbong ang pagtataka ko nang makitang maliit na papel 'yon.

"You will do great in the exam, beautiful," mahina kong basa. 

My hand flied to my mouth to cover it in so much awe. Napagtanto kong home made ito dahil bukod sa medyo sunog ito, halatang sinadyang gawin ang cookies para mapasok sa loob ang maliit na papel na ito.

In too much curiousity, I picked another one and took a bite from it. This time, the paper is a little bigger than the first one.

"I know you would pick another one. You really have a curious mind, huh?" I bit my lower lip, suppressing my smile. "You are really beautiful when you smile."

Nanlaki ang mga mata ko at parang baliw na natawa. This person know me that much. Hindi ko man lang magawang matakot.

"Who knows you'll calm down because of a cookie? Ewan ko sa'yo, Saachi Beatrice!" Malaki ang ngiti kong ginawaran ng tingin si Ava na nakataas na ang kilay sa akin ngayon.

Nilapag niya sa mesa ko ang malamig pang bottled water. Nang makaupo siya ay akma sana siyang kukuha ng isa sa mga cookies pero agad kong natampal ang kamay niya.

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now