Chapter 22

135 21 25
                                    

"Uuwi na po ako," I bid my goodbye, taking glances to Tito Gardo on the corner of the dining area. Our eyes met, making his grin wider.

Ilang linggo na rin akong umiiwas na pumunta rito simula nang madischarge si Lola Linda sa ospital. Pero wala na akong naging choice nang tinext na ni Lola ang pagtatampo niya sa akin dahil sa hindi ko pagdalaw sa kanya.

Tumayo si Lola mula sa pagkakaupo sa couch at hinatid ako hanggang sa gate ng bahay.

"Gabi na, Beatrice. Gusto mo bang ipahatid kita?" she asked, caressing my shoulder.

Agad akong umiling, natatakot sa ideyang baka si Tito Gardo pa ang utusan niyang maghatid sa akin. I can't bring back the same affection I had for him.

Napalitan na 'yon ng takot at pangamba. I wanted to feel guilty for possessing these thoughts but I couldn't blame myself. After all I've witnessed and experienced.

Habang nilulusot ang susi sa doorknob ay hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Lumalim ang gitla sa noo ko habang nililibot ang paningin sa paligid.

I almost jumped in my position when Cy suddenly popped in my vision. Kumunot ang noo ng lalaki at umusbong sa mukha niya ang pag-aalala.

"Is something wrong, love?" banayad ang boses niyang tanong. Sa hindi ko mawaring dahilan ay kumalma ang sistema ko nang itanong niya 'yon.

He took a grip of my shaking hands, kissing them. Siya na rin ang nag-unlock ng doorknob at inalalayan ako papasok.

"Pagod lang ako," I assured him when worry didn't leave his face. Nagsalin siya ng tubig sa baso at inabot 'yon sa akin.

I can't help but smile while watching him being so comfortable inside my apartment. Parang dati lang ay halos hindi na siya gumalaw no'ng una niyang pagpasok dito.

He settled himself beside me on the couch. Naramdaman ko na lang ang braso niyang pumulupot sa balikat ko. I leaned towards him and laid my head on his chest.

"Akala ko ba sa inyo ka matutulog?" tanong ko sa kanya, dinadama at pinapakinggan ang malakas na tibok ng puso niya.

Nabanggit niya kasi sa akin kahapon na uuwi siya sa kanila at doon matutulog ngayon kaya nagtataka ako kung bakit nandito ang lalaki.

"I missed you," he simply replied.

I chuckled, making myself more comfortable on his chest. "Sira ka! Miss ka rin naman ng mommy mo!"

"We literally lived in the same house for eighteen years, Saachi."

"Insensitive mo naman!" singhal ko. Napangiti ako nang mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin.

We stayed like that for such a long time that when he stood up, my lips turned into a pout. Nagtaas siya ng kilay nang makita ang estado ko.

"Can you stay a little bit longer?" parang bata kong tanong, pinagkiskis pa ang mga palad.

He fixed his glasses, shaking his head for an answer. "You are being naughty."

Namilog ang mga mata ko, napasapo pa sa dibdib at kunwaring nagulat. "Cuddle lang naman! You are so judgemental!"

Hindi ko napigilan ang tawa nang magpakita siya ng maliit ng ngiti.

"Good night, Ms. Aoki," saad niya nang nasa pintuan na kami ng apartment ko.

"Good night, Clyde Gian." He groaned when I mentioned his name. Ayaw na ayaw niya talagang marinig ang buo niyang pangalan na para bang isang delubyo iyon sa kanya.

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now