Chapter 29

112 19 6
                                    

Tiningala ko ang matayog na building sa harap ko. I withdrew my breath, trying to calm my nerves.

I passed the second interview last week and today is the final. Talagang dumayo pa ang kung sinumang galing sa Japan para lang ma-entertain ang mga applicants na galing sa Pilipinas.

My eyes narrowed on my phone ringing. Nang makitang si Aling Daisy iyon ay agad kong sinagot.

"Hello, Achi? Nasa Maynila ka na ba?" bungad niyang tanong sa kabilang linya.

Bringing the fear I possessed three years ago, I gathered myself and came here in Manila. Kahit kilometro ang layo nito sa Quezon ay natatakot pa rin akong makita ang mga taong minsan nang naging parte ng nakaraan ko.

"Opo. Nasa bungad na po ako ng building," saad ko.

Dito sa Seda Vertis gagawin ang final interview at hindi ko maiwasang kabahan. Sigurado akong may mas magagaling pa sa akin pero ayos lang, ang mahalaga ay sinubukan ko.

Aling Daisy ended the call after she bid her goodbye and good luck. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay para na akong sinampal ng mga magagarbong muwebles at ng napakalaking chandelier na nakasabit sa gitna ng kisame.

"Good afternoon, Ma'am. Do you have any reservations?" tanong ng clerk sa akin pagkalapit ko sa counter.

Pinakita ko sa kanya ang soft copy na sinend sa akin ng kompanya para raw ipakita ko sa counter pagkarating ko.

"Name?" she asked, scanning something on the computer.

"Saachi Beatrice Aoki."

Agad niyang nakita ang hinahanap at pinasamahan ako sa isang lalaki para igiya ako sa venue ng interview. I was led to a room full of luxurious tables and chairs.

Kanina ay sobrang confident ko pa sa suot kong royal blue na dress na binili ko sa palengke sa Batanes pero ngayong nakikita ko ang halatang mahal na mga gamit ay bigla akong nanliit para sa sarili.

"You can take a seat here, Ma'am." Iginiya ako ng lalaki sa nakahilerang upuan na pinupuno na ngayon ng hula ko ay mga katulad ko ring aplikante.

Naghintay kami ng ilang minuto bago kami tuluyang pinapasok sa main room. My jaw dropped when I saw chairs, canvas, brushes and paints inside.

"For your final interview which is I don't know if I should consider it one, you will paint a simple painting of any choices you like," saad ng babae na nakatayo sa harapan namin at ginigiya kami paupo sa harap ng mga canvas.

My eyes roamed around the room and found some of the applicants stunned too. Muli kong binalik ang mata sa babae.

"Our CEO and managers are watching through that." She pointed to the four CCTV cameras installed on every corner of the room.

Kumabog ng malakas ang puso ko. Pero sa kabila ng kaba ay nakaramdam din ako ng matinding excitement. This is what I want, right?

It's now or never.

Nang nagbigay na ng signal ang babae, nagsimula ng magsigalawan ang nasa loob. I remained stunned, thinking of what I should paint.

Bigla kong naalala ang dating ako na nakatunghay sa magandang kulay ng kalangitan mula sa malawak na field ng UP Diliman.

I sighed when I made the decision and started to do some strokes. Hindi ko mabilang kung ilang oras na akong nakaupo at nagpipinta pero nang matapos ako, doon ko lang naramdaman ang pagod.

"Okay, Miss Aoki is done," anunsyo ng babae at nilapitan ako. May iilang naunang natapos sa akin at umalis na.

We will wait for the notice if we are luckily hired or not. Sabi nila ay nasa isa o dalawang linggo lang bago nila ilabas ang resulta.

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now