Chapter 8

156 23 5
                                    

"Masarap ba?"

Napatingin ako kay Mama na nakadungaw sa akin mula sa front seat at malaki ang ngiti. Tiningnan ko ang kulay asul kong cotton candy bago tumango-tango na nakangiti.

"You want one, hon?" 

Mahinang hinampas ni Mama si Papa na nagdadrive ngayon. My father only chuckled before kissing my mother's hand.

We were so happy not until what I saw next was blood. Tagilid na ang sasakyang minamaneho ni Papa at dinig ko ang pagdaing niya mula sa driver's seat.

Si Mama naman ay nakapikit sa tabi niya habang may dugong umaagos mula sa noo niya. My sobs and cries went along with the buzzing cars outside.

"M-Mama… P-Papa…" I called, feeling the endless pain from my stomach.

Unti-unting nagmulat ang mga mata ko, niyayakap ang kadiliman ng gabi. My lips are closed, not making any sobs nor cries. Pero ang mga mata ko ay nakikiayon yata sa puso ko at nagpapakawala ng mga butil ng luha.

Ilang taon na simula nang mawala ang mga magulang ko mula sa isang car accident. Kung sana ay hindi ako nagpumilit na pumunta kami sa amusement park, hindi mangyayari iyon.

Maybe, my parents are still alive. It was me who should have died, not them.

Dahan-dahan kong iginalaw ang mukha ko papunta sa dingding kung saan nakasabit ang kalendaryo.

September 19.

It was exactly years ago when my parents died. Ngayon ang anibersaryo ng pagkamatay nila. Kaya siguro ako muling binibisita ng alaala na pumapatay sa akin.

I closed my eyes once again, letting the excruciating pain and sleepiness embrace me.

Nang muli akong magising ay tumatama na sa mukha ko ang liwanag mula sa bintana. I silently got up and did my morning rituals.

"Good morning, Achi. Are you good? Kumain ka na ba?" Nasa labas pa lang ako ng apartment ay ang mukha na ni Ava ang bumungad sa akin.

I forced a smile. Tumango ako. "Bakit ka nandito?"

She stared at my eyes for a while before giving me a wide smile. "Wala lang. Gusto ko lang makisabay sa'yo sa school."

I only smiled a little. Alam na alam niya ang nangyayari sa akin tuwing September 19. I may not utter a single word but she observed almost everything and concluded it.

"Anong gusto mong kainin? May bagong bukas na cafe sa tapat ng school. Maybe you want to take a bite?" pangungulit niya sa akin habang naglalakad ako sa sakayan ng jeep.

Umiling ako. "Wala ka bang sasakyang dala? 'Wag mo sabihing sasakay ka rin ng jeep?" I roamed my eyes around and didn't catch a glimpse of their BMW.

"Need a new experience." She shrugged.

Tumaas ang kilay ko at ginawaran siya ng tingin. "Really, Ava? New experience every September 19?"

Since we became friends, nagcocommute siya kasama ko whenever this date comes up. Hindi ko alam kung alam ba niya.

Pero nag-iinit ang puso ko sa mga ginagawa niya para sa akin.

When we arrived at school, Ava continued to be clingy to me which is so unusual for her. 

"You are being creepy," puna ko nang malaki ang ngisi niya akong hinawakan sa braso habang naglalakad kami.

"Are you using my own line at me?" Maliliit ang mga mata niyang pag-aakusa.

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now