Chapter 34

133 17 2
                                    

"Ang strong mo, mahal."

Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya at may napagtanto. 

Why do we continue to harm ourselves in the same way that we have in the past? Who's to stop us now that we're free and safe?

Alam na alam ko ang sagot.

Me. Ako ang pumipigil sa amin. My trust issues are blazing, despite the fact that I love him.

Pero makakaya ko bang iwanan ang pagkakataong ito? Can I handle living the rest of my life in total regret?

"C-Cy…" I whispered while my face was still laid on his broad shoulder.

Napapikit ako nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa leeg ko. 

"You want me to let go now?" he asked in a voice full of pain and sadness.

"Do you have a girlfriend?" tanong ko. Naramdaman ko ang katawan niyang nanigas.

Siya na mismo ang bumitaw mula sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako na kunot na ang noo.

"What?" tanong niya na para bang hindi niya talaga naintindihan ang sinabi ko.

I looked away. I stared at the waves crashing into the shore as the wind kissed my skin.

"If I want you back, what would you say?"

Nanatili siyang tahimik sa tabi ko at hindi ko siya magawang lingunin dahil sa sobrang kaba.

"Why? Do you want me back?" Puno ng iba't ibang emosyon ang boses niya.

I bit my lower lip and closed my eyes, almost squeezing it. Napasinghap ako nang maramdaman ang mainit niyang palad na humaplos sa pisngi ko.

"Look at me, Saachi."

As I opened my eyes and looked at him, I puckered my lips. His lips were suddenly covered in a wry grin.

"You want me back?" Kinagat niya ang pang ibabang labi, sinusubukang itago ang ngiti.

"I didn't say that!" depensa ko at sinamaan siya ng tingin para itago ang kaba. "Nagtanong lang ako!"

Tumango-tango siya kahit nasa labi pa rin ang multo ng mga ngiti.

"Are you sure?" he asked, trying me.

Napapikit ako. Sobrang hipokrita ko naman kung ako talaga ang magsasabi na magbalikan kami, e parang kahapon lang nang itaboy ko siya.

"Okay."

I opened my eyes and glanced at him. Seryoso na ang mukha niya kaya kinabahan ako.

"After Ava's wedding, I'll move to Australia and manage the psychiatric ward there."

Nanatili akong tahimik. Kinakabahan sa mga susunod niyang sasabihin. I cleared my throat.

"Perhaps I'll find a wife there as well. It's difficult to live alone, especially in a new place."

Akala ko ay seryoso siya pero paglingon ko ulit sa kanya, may maliit na ngisi na sa labi niya. I rolled my eyes and turned my back at him.

"Good for you," halos marinig ko ang sarkasmo sa sarili kong boses.

He grabbed my arm and made me face him again. Ang nakapagpagulat sa akin ay ang pagbalot ng mga braso niya sa katawan ko.

"Say it, Achi. You want me back as much as I did," he whispered.

Libo-libong boltahe ng kuryente ang naramdaman ko sa bulong niyang iyon. I pushed him away, embarrassed that he would hear my pounding heart.

"What if there are some changes to which we are unable to adapt? Paano kung hindi tayo magwork?"

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now