Chapter 1

338 25 11
                                    

“Students will consider the natural environment as a source of imagery through time and across cultures...”

A tone and baritone voice filled the old four corners of UP Diliman. Hindi ko na mabilang kung ilang hikab na ang ginawa ko ngayong araw. Gusto ko mang magfocus sa sinasabi ng professor namin pero tinatalo talaga ako ng antok.

“Right, Miss Aoki?”

Kung hindi lang sana maagang umalis ang kasama ko sa cafe kagabi, hindi sana ako maiiwan at mapipilitang mag overtime.

“Are you listening to me, Miss Aoki?”

Bumagsak ang pisngi ko sa armchair nang may sumiko sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Ava na nakanguso sa harapan.

“Hindi ka cute oy,” puna ko sa pagnguso niya.

“MISS AOKI!”

I jumped from my seat as an enormous voice thundered inside our classroom. Gusto kong lamunin ng hiya nang paglingon ko sa paligid ay nakatingin na silang lahat sa akin, kabilang na roon ang lalaki naming professor na masama ang tingin sa akin.

“You are not listening to me. If you don't want this subject, then drop it! Ayaw ko ng mga estudyanteng tatanga-tanga!”

Napayuko ako nang umusbong sa sistema ko ang hiya. Kasalanan ko ang pagkagalit niya sa akin pero hindi ko lang mapigilang masaktan.

I loved this subject so much. Arts are my comfort zone. Masyado lang talaga akong napagod kagabi kaya ako lutang ngayon.

Dala ko hanggang uwian ang bigat na nararamdaman kaya agad iyong napansin ni Ava.

“Ikaw kasi,” it was almost a whisper. Para bang ayaw niya iyong sabihin pero wala siyang choice dahil mananatili lang akong tahimik kung hindi siya magsasalita.

“Maaga kasing umuwi si Heather kaya need kong mag-overtime. Alas tres na ng umaga nang makauwi ako,” halos walang boses kong pagkakasabi.

Isang malaking advantage sa akin no'n dahil tiyak madadagdagan ang sweldo ko ngayong buwan pero kapalit naman no'n ang pagkagalit sa akin ng professor ko.

Kung marami lang akong pera, hindi ko na kailangang kumayod para sa sarili ko. My parents both died when I was so young and my relatives didn't even think of giving me shelter.

Kaya sa murang edad, namulat ako sa reyalidad at nagtrabaho para buhayin ang sarili ko. Masyado nga sanang mahal ang kurso ko kumpara sa sweldo na tinatanggap ko buwan-buwan.

Mabuti na lang at natanggap akong scholar kaya malaki rin ang tinipid ko sa pag-aaral ko.

Bachelor of Fine Arts, Major in Painting.

Ang ganda pakinggan pero ang sakit sa bulsa at utak.

“Are you okay?” muling pag-imik ni Ava.

She knows me very well. Alam niyang malaki ang epekto sa akin ng pagkagalit sa akin ng professor.

Kailangan kong magpaimpress sa mga professors ko dahil dapat kong mapanatili ang pagiging scholar.

Tumango lang ako at binigyan siya ng tipid ng ngiti para hindi na siya mag-alala pa.

We parted ways after. Nawala agad ang lungkot na nararamdaman ko nang malapit na ako sa apartment na tinutuluyan ko.

I walked slowly, trying not to make any noises from my steps. Palingon-lingon ako sa paligid na para bang hinahabol ako ni kamatayan.

Sa bawat minutong dumadaan ay nadadagdagan lang ang pawis na namumuo sa kamay at noo ko.

“Anong ginagawa mo?”

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now